KATHY POV
Masayang masaya ako sa sinabi ng doctor na tumitingin sa akin, pwede na akong umuwi bukas. Sa wakas makikita ko na si Baby Thalia, kapag dumadalaw si Dap pinakikita niya ang photos ng anak ko napakaganda niyang batasa photos ko lang siya na kikita. Andito ako ngayon sa hardin ng hospital, nagpasama ako
ILANG araw na rin di kami nag-iimikan ni Drew. Kahit todo asikaso siya sa akin binabalewala ko na lang lahat. Minsan nagprepare siya ng breakfast para sa akin pero di ko kinanain. Mas kinanain ko pa ang inihanda ni Dap. Sa pagpapalit ng damit, kapag hinahawaka niya ako parang natatakot na ako kaya tumatawag na lang ako ng nurse para mag-assist sa akin. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata ni Drew pero di ko alam kung totoo o hindi. Sa puntong ito ayaw kong masumbatan niya ako sa mga ginagawa niya. Siguro naging manhid na ang puso ko sa mga ginawa niya noon sa akin.
Ngayon nakafocus lang ang lahat sa anak ko ang atensyon ko. Bukas makakalabas na ako, makikita ko na ang aking unting anghel. I'm so excited makita siya, di siya pwedeng dalhin dito sa hospital dahil baby pa si Thalia, pinagbabawala. Ganito pala ang feeling ng mommy. Di na ang sarili ang iniisip, naging selfless pala ang lahat ng ina. Lahat gagawin para sa anak. Ang dami ko tuloy na iisip na gagawin at plano para kay Thalia. Pero kailangan ko rin makausap ng maayos si Drew.
"Ehermm... asawa ko gatas mo," napalingon ako sa gawi nito. Nakita kong inilapag nito ang gatas sa side table.
"Mag-usap tayo Drew," walang gana kong wika dito.
"Tungkol saan?"
"About sa atin.."
"A-anong about sa atin.." nauutal kong wika.
"Pinalalaya na kita, kaya pwede mo nang pakasalan si Ynah na walang hahadlang...," umiiwas ko ng tingin kay Drew. Ramdam ko ang pagtitig nito sa akin, di ako alam kung tama ba ang naramdaman kong may lungkot sa mga mata nito.
"No... no.. ikaw lang ang asawa ko. Ikaw lang ang gusto ko...," lumapit ito at niyakap ako na aking kinabigla. Pero pinaramadam ko sa kaniya na di ako naapektuhan sa mga ginagawa niya. "I know di mo ako mapapatawad sa ngayon pero lahat ng gagawin ko para maibalik lang ang tiwala at pagmamahal mo sa akin. But give me another chance. Humiling ka na ng kahit di ano huwag lang ang lumayo kayo...," he puased what he say. She felt a drop of water in her shoulder. Alam ko galing yun sa mga mata ni Drew. "Don't leave me please I'm begging you, asawa ko. Please... please! For Baby Thalia. Babawi ako... babaw..."
Pinutol ko ba ang sasabihin nito. "Paano ka makakabawi? Gusto mong mapatawad kita. " I give him cold treatment. "Maibabalik mo ba ang buhay ni Baby Xander? Huh?" Di ko na kinayang napaluha. Kapag naalala ko ang aking panangip na kasama ko si Baby Xander. Naiiyak akong di man lang nasilayan ang lahat ng bagay na bigay ng Diyos. "Kung maiibabalik mo sa akin si baby Xander, di ako aalis.. di kami aalis ng anak ko..."
Mas lalo kong naramadaman ang mahigpit na pagkakayakap ni Drew. Pareho na kaming nag-iiyakan. Mahal ko siya? Oo mahal na mahal. Pero kailangan ko munang mahalin ang sarili ko bago magmahal ko muli. Mali na noong una kaya kailangan ko itama ang lahat. At ito ang tama ang makipaghiwalay sa kaniya.
"Paano ako babawi kung di mo ako pagbibigyan. Kat di ko na maibabalik ang buhay ni Baby Xander..." kumalas ito sa pagkakayakap ng at hinarap ako. "Di ko kaya... di ko kaya," naiiling niyang wika ni Drew. "Kahit ako gusto kong andito si Baby Xander. Pero wala na e, namatay siya dahil sa akin at habang buhay ko dadalhin dito... dito... Kat.." hampas ni Drew sa sariling dibdib.
"D-drew.."
"Kat, please don't do this, di ko makakaya. Mahal na mahal ko kayo ni Baby Thalia. Please I'm begging you. Lahat gagawin ko para sayo. Babawi ko para maging masaya tayo. Babawi ko sa lahat ng pagmamahal mo na sinayang ko. Please give me another chance..." lumuhod na ito sa aking harapan. Gusto kong bumigay ng puso ko pero ayaw ng utak ko. Naglalabanan ang puso't isipan.
DREW POV
Pinagmamasdan niya ang asawa natutulog, nakaupo lang siya sa tabi ng kama nito. After namin mag usap ni Kat, hinang hina ako sa mga gustong nito mangyari. Di ko kayang pagbigyan ang kagustuhan nito ngayon lang ako magiging desidido sa lahat ng gagawin ko. Sa ngayon galit ang asawa pero gagawin niya ang lahat para mapaamo ito. Tumayo siya para lapitan ang ang asawa. "Alam kong mahal mo pa rin ako Kathy, natatakpan lang ng galit ang puso mo ngayon. Pero sa tamang panahon mapapatawad mo rin ako."
~
Please vote and comments.
BINABASA MO ANG
Bewitched My Husband To Be ✔️
ChickLit"What if kung mawala ang bisa ng gayuma, di loveless na naman ako? Pasaway kasi ang puso kahit i-program or i-reformat di pa rin maalis ang virus di ko pa rin malimutin ka, hindi ko magawa." Gilalas si Katty nang malamang ginayuma ng lola niya si...