BMHTB21 DIGNITY

6K 151 31
                                    

Dalawang buwan na ang nakalipas. Pinagbigyan ko ang aking mga magulang na pakisamahan si Drew. Wala naman akong masasabing dahil ginagawa naman nito ang obligasyon bilang asawa at ama ng anak nila. Pero kahit sa iisang bubong kami pinararamdam ko dito na di na ako interesado sa kaniya. Kahit araw araw pa dinadalhan ko ng mga bulaklak at mga regalo di ko tinatanggap. Ano pa ba ang dapat namin paglaban kung ang pagsasama namin sa simula pa ay mali. Alam niya siya ang may pagkakamali, kung di niya pinilit ang sarili sa binata di siya magdudusa.
Sa araw araw na panunuyo sa kaniya ng asawa. Araw araw rin niyang nakikita si Ynah na pabalik balik sa bahay nila. Kung minsan na babalitaan na lang niya sa opisina ito na punta para kausapin ang asawa ko pero wala akong pakialam kung ako pa ang ginagawa nila.

Buo na ang desisyon niya makikipaghiwalay siya kay Drew. May mga grounds naman siya kaya malakas ang laban niya na maapprobahan ng korte ang annulment nila. Sa oras na ito natanggap na ni Drew ang petition ng abugado ko. Tamang tama ang pag-alis nilang mag-ina sa bahay nilang mag-asawa. Sa tulong ni Gail nakahanap agad siya ng apartment na pwede nilang matuluyan pasamantala. Di siya tumuloy sa bahay ng mga magulang dahil alam niyang madami itong tanong. At habang on process ang annulment nila di siya pwedeng umalis ng bansa. Kailangan andon siya habang pinag-aaralan at nililitis ng korte ang annulment namin.

"Are you alright Kat?" Gail asks me.

"Don't worry Gail! Magiging okay ang lahat. Thank you nga pala sa paghahanap mo ng apartment namin ni Baby Thalia..." I replied to Gail. I know Gail so much. Nag-aalala lang siya sa sitwasyon namin mag-ina.

"Musta na nga pala ang tagal mong di nagparamdam..."

"Ako ang dapat magtanong niya sayo Kat. Kamusta na ang puso mo?" Napatigil siya sa pagtitipla ng gatas ni Thalia.

Kamusta na nga ba ang puso ko?

Napabuntong hininga na lang siya, ayaw niyang sagutin ang tanong ni Gail. Baka lumabas lang ang tunay niyang damdamin. Aamin niya mahal na mahal niya ang asawa at di mawawala yun sa puso niya. Pero kailangan niyang ibangon ang kaniyang dignidad sa sarili na nawala yun ng pakasalan niya si Drew lahat ng kababawan sa sarili nilunok niya para kay Drew.

"Hmm.. alam kong ayaw mong pag-usapan ang mga bagay na nangyari sa inyo ni Drew. Kahit kaibigan ko yun pero ikaw ang tinulungan ko." Tumabi ito kay Thalia at nilaro ito. "Naku baby pasaway ang mga magulang mo ano? Wag kang gagaya kay momma mo ha?" Tumatawa si Thalia sa mga sinabi ni Gail.

"Tigilan mo ang anak ko. Kung ano ano ang pinagsasabi mo sa bata..." sinamangutan niya ito.

"Okay! Suko na ako baka mamaya umiyak ka pa dyan..." biro nitong wika.

Naiiling na lang siya sa nga sinabi nitong baka umiiyak na naman siya. Siguro iiyak na lang siya kapag nagkita at na tapos na ang annulment nila, yun na ang pinakahuling iiyak siya para kay Drew.

~

DREW POV

Nakatanggap ko ng petition galing sa korte na patungkol sa pagwawalang bisa ng kasal namin. Sa galit ko pinagpupunit ko ang papel n hawak ko.

Ano pa ba ang kulang? Lahat naman ginagawa niya para makabawi siya. Kahit ang panliligaw ginawa ko para iparamdam ko sa kaniya na mahal ko siya. Ano pa ba ang kulang? Saan na naman siya nagkamali?

Napayuko siya sa office table niya. Ang bigat ng ulo niya ngayon at walang pumapasok sa utak niya. Gusto niyang maglaho na lang para di niya maramdaman ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Ito ba ang karmang sinasabi? Pero nagsisi na siya di pa rin sapat na lahat ng ginawa niya? Ang daming tanong na pumapasok sa utak niya na di niya kayang sagutin. Tumunghay siya at isinaldal ang katawan sa swivel chair.
Narinig niya may kumakatok. "Come in.."

"Sir, andito na naman si Ms. Ynah. Nauubusan na po ako ng idadahilan Sir." Wika ng kaniyang secretary.

Anong problema ng babae ito? Kahit sa bahay nila ginugulo siya. Kailangan matapos na ito lalo ngayon nagkakagulo silang mag-asawa kaya siguro na isipan magfile ni Kat ng annulment.

"Sige papasukin mo."

Mga ilang segundo palang nakakalabas ang secretary niya nakapasok na agad ito.

"Thanks God! Finally hinarap mo rin ko Babe..."  papalpit ito sa akin ng tinaas ko ang aking kanang kamay para matigilan siya.

"Please sit down. At huwag kang lumapit sa akin.." sarkastikong saad ko dito.

"B-babe..."

"Don't call me Babe kasi alam ko wala na tayo. Kaya kita pinapasok for the last time makikiusap ko sayo Ynah tigilan mo na kami ng asawa ko..."

"No.. no... ikaw lang ang nakipaghiwalay. At di ko sumangayon sa kagustuhan mo..."

Pinutol ko na ng sasabihin nito. "Ganya ka ba ka desperada perahan ako Ynah? Magkano ang gusto mo? Name it!" Sigaw ko dito. Wala siyang balak na sigawan ito o bastusin.

"BUNTIS AKO DREW AT IKAW ANG AMA..."  sa una nabigla ako sa sinabi nito. Sabihin na buntis ito pero sinisigurado siya di siya ang ama ng pinagbubuntis nito.

"Gaano ka kasigurado na ko ang ama ng dinadala mo, Ynah?"  Balik kong tanong dito.

"May God Drew ano ba ang ginagawa natin dito sa office at sa condo ko nag jack en poy lang?"

"Sige sabihin natin na anak ko yan, pero di pa rin magbabago. Buwan bibigyan kita budget para sa bata at hanggang doon lang yun, Ynah."  Walang gana niya sagot dito.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Do I need to repeat?"

"Anak mo ito Drew. Kailangan niya ng buong pamilya kaya di ako papayag sa mga sinasabi mo..."

"Okay nagbago na ang isip ko? Ilang buwan na nga ba yang tiyan mo?"  Nabigla ito sa tanong ko.

Sa obserba ko ngayon nawala ang tapang nito na pinakita sa akin kanina. Di ko tanga makipag sex sa ibang babae na walang proteksyon.

"Now tell me. How months na ba yang tiyan mo?"  Ulit kong tanong dito.

"Tw- ..." nakitang ko ang pagmumutla nito. "F-four months na ang tiyan ko.."

Nangliit ang mata ko sa sinagot sa akin. Kung four months ang tiyan nito possible nga akin ang bata di rin nman safe ang paggamit ng proteksyon. Para makasigurado ko dadalhin ko muna ito sa doctor para ma sure kung tama ang kutob niya

Tumayo ko at hinila ko ito palabas ng opisina ko.

"Saan tayo pupunta Drew?"

"Para makasigurado ko na anak ko yan pupunta tayo sa doctor. At kung tama ang sinabi mo na four months yang tyan mo so posibleng ako nga ang ama pero di ako tanga. Ipapa DNA test ko ang bata bago niya gamitin ang apelyido ko..."

Wala akong pakialam kung pinagtitingin kami ng empleyado ko. Tatapusin niya ang problema kay Ynah ngayon maghapon at mamayang gabi sila mag-uusap mag-asawa. Ayaw niyang humarap sa asawa ng may bahid dungis ang dignidad niya.

~0~

Sorry po kung ngayon lang ako na pag UD. Kailangan ko pong alagan ang mama ko.

Sana po na gustuhan nio kahit lutang ang utak ko pinilit kong mag UD para sa inyo.

Thank u po.

Wag kakalimutan bumuto at mag-iwan ngkomento.

Bewitched My Husband To Be ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon