BMHTB30: BEWITCHING FINALE

6.2K 151 29
                                    

BMHTB30: BEWITCHING FINALE

DREW'S POV

Two weeks di ko nakita ang aking mag-ina madaming akong inayos para di maging palpak ang lahat. Lahat ng plano ay umayon at walang naging aberya. Thanks to Akane kung di dahil sa kaniya di mapapauwi ang asawa ko dito sa Pilipinas. Sa tulong ng mga kaibigan ko naging mabilis ang pag aasikaso ng requirements sa marriage licenses naming. Yes, inayos ko ang marriage licenses naming at sa tulong ng kaniyang magulang nakakuha ako ng birth certificate niya. Naalala niya tuloy noong lumapit siya sa magulang ng asawa.

Andito ako ngayon sa mansion ng mga Cruz sa Mindoro. Nakapagsabi sa akin nasa Mindoro ang mga ito para magbakasyon.

Inhale...

Exhale...

Pampalakas loob niya sa sarili. Sa loob ng dalawang taon pagkakahiwala nila ni Kathy ngayon niya muli makakausap ang magulang ng asawa. Si Clark ang lagi niyang nakikita at nakakausap pag may mga business transaction. "Kaya mo ito Drew! Para sa mag-ina mo..." saad niya sa  sarili.

Bumaba na siya sa kaniyang kotse, habang naglalakad siya patungo sa bahay ng mga Cruz. Naalala niya kung paano sila maglaro ni Kathy sa hardin ng mga ito. Napatigil siya nang nakita niya ang malaking ng puno ng mangga, nilapitan niya ito at tumingala siya sa itaas. Andoon pa rin pala ang tree house na pinakagawa nila sa driver ng mga ito noon. Inakyat niya ito at nang nakarating na siya sa taas. Napapangiti na lang siya sa mga alala nila noong sila'y bata pa. 

Sa tree house may terrace na kaunti bago ka pumasok sa mismong loob ng tree house. At sa loob nito pinalagyan naming ng kama dahil sa tanghali masarap matulog dito. Dahan dahan siyang pumasok sa loob at nakita niya ang mga larawan na naka-display don. Napangiti na lang siya sa larawan na hawak niya. Silang dalawa ni Kat, nakakorona sila pareho. Natatawa na lang siya kapag naalala niya ang mga pinagawa sa kaniya ni Kat noon.

~

"Drew, gusto ko ikaw ang Coco jam mo!" wika ni Kat Kat sa kaniya.

"Bakit Coco Jam?" Nagtatakang tanong niya dito.

"Bakit Coco Jam? Kasi ang coco jam daw habang tumatagal pa sarap ng p asarap katulad mo habang lumalaki tayo pa gwapo ka ng pa gwapo sa paningin ko.." paliwanag nito sa akin. Sa edad naming sampu di pa rin niya maintindihan ang mga sinasabi ng kababata. Weirdo kasi si Kat Kat, madming alam na ka weirduhan.

Nagmake face na lang ako dito.

"Drew, tayo ka please..."

Sinunod ko naman ito kahit tamad na tamad akong tumyo. Dapat kasi si Clark ang kasama ko ngayon kaso lumuwas na pala ito kanina sa Manila at nagpaiwan daw si Kat Kat dito. So no choice ako makipaglaro dito kesa maburo ako dito.

"Suot mo ito..." pinatong nito sa aking ulo ang isang crown pang prinsipe at nilagyan niya ako ng kapang pula.

"Para saan ito?" Tanong ko dito.

"Wait, wag mong aalisin yan ha! Mag-aayos lang ako..." pumasok ito sa loob ng tree house.

Walang pang sampung minute lumabas na ito, na patulala siya nakitang ayos ng kaibigan. Nakaputing dress ito, nakapony tail ang buhok at may belo sa ulo na may crown din ng pang princess. Sa simpleng ayos ng kababata na pa nganga na siya.

"Drew?"

Bumalik lang siya sa sarili ng tawagin siya nito. "Bakit ganyan ang ayos mo?" Malamig kong wika dito.

"Ikakasal tayo kunwari..." masayang sabi nito sa kaniya.

"Ikakasal?" Nakakunot natanong niya dito.

Bewitched My Husband To Be ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon