KAT POV
Naglalakad ako sa kawalan nalimutan ko pa ang bag ko sa restuart na pinuntahan namin ni Drew. Hay, kapag minamalas ka naman nga hmm.. masakit na nga sa puso masakit pa ang paa at hita sa kakalakad. Napaupo nalang siya sa gilid ng kalsada. Pagod na siya sa kakalaban sana mag himalay na may dumaan ng kakilala niya.Buti di siya na ka height heels na kung nagkataon na ganon ang suot nita patay patay ang paa niya.
Lokong Drew yon ako pa ang sinigawan akala ko okay na siya kanina. Napatingala siya sa langit nakikita niya nagbabadya umulan.
"Tssk .. grabe pati ba na man kayo nakikisabay pa sa pag iyak ko. Hoy! langit puwede pang huwag ka makisabay moment ko ngayon kailangan ako lang at di ka kasama," Sigaw niya. Pinahid niya ang luhang pumatak sa mata niya.
"Langya naman oh! Pati ka ba langit nakikisabay ang sama talag ninyo. " Sikbi niya. "Hay buhay kung sino pang mahal mo di ka naman mahal!" Nakikipag usap siya sa langit.
"Sir, maganda naman ako di ba? Mabait naman ako diba? Masipag naman ako di ba? Ano pa ang kulang sa'kin? Bakit di niya ako mapansin? " Nakatingin pa rin siya sa langit na parang may kausap. "Bakit di niya ako kayang mahalain?" Bakit? Bakit? " Nagpapadyag siya sa kalsada.
"Kat? Ikaw ba yan?" Napalinggon siya sa tumawag sa kaniya. Di niya masyadong makita ito sa sobrang gulo ng buhok niya. Pamilyar sa kaniya ang boses na yon.
"Hoy! Kat, para kang loka loka sa itsura mo? Anong bang nangyari sa'yo?" Tanong nito sa kaniya.
Hinawi muna niya ang buhok niya. At nakita niya si Gail nakatayo sa harapan niya.
"Oi Gail anong ginagawa mo dito?" Balik na tanong niya dito. Napatayo siya sa pagkakaupo.
"Actually tumawag si Drew sa amin di ka daw niya makita. Nag-aalala na yong tao sa'yo." Ani nito sa kaniya.
Sa narinig niya sabi nito para naawa siya sa sarili na ngayon lang niya naalala pinaalis nga pala siya sa restaurant tapos maririnig niya pinahahanap siya nito.
"Loko pala siya! Pinaalis ako sa restaurant tapos hahanapin niya ako! Gago yon ha! Nakakaloko!" Sisinghot singhot siya habang nagsasalita. Nagtataka siya kung bakit natatawa si Gail sa sinabi niya. " Anong nakakatawa don payatot?" Singhal ko dito.
Tawa pa rin ito ng tawa. Inilagay na niya ang dalawang kamay sa kanyang baywang at matalim niya ito tinitigan.
"Hahaha, kasi naman Kat ang sipon mo nasa pisngin mo na. Look oh! Nagpahid ka nga pero para kang bata pa rin." Napatigil pa ito sa sinasabi. At kumuha ng panyo sa bulsa nito at pinahid ang panyo sa mukha niya kung san may sipon. "Alam mo mukha kang loka loka sa itsura mo. Ang pangit mo lalo kapag umaatungal ka." Nakangising sabi nito.
"Hmm.. ang kapal ng mukha mo akala mo sobrang gwapo mo. Ang pangit pangit mo naman." Sumimangot siya dito.
"Ganon? Gwapo talaga ako. Kahit itanong mo sa kanila pa." Humarap ito sa may dumaan na tao. "Di ba gwapo ako miss?" Tanong nito sa dumaan na babae.
"Kuya di naman kailangan tanungin kasi gwapo katalaga." Sagot nito na kinikilig pa.
"Thanks miss!" Pasalamat ni Gail dito.
"Bagyo ka ba?" Tanong ko dito.
"Bakit?" Nakakunot ang noo balik tanong sa'kin.
"Kasi the moment you left my area of responsibility, You leave my heart in the state of calamity. Tayo na nga baka mamaya bumagyo." Hila ko dito.
——
Ready na ako pumasok ulit sa site nang may tumawag sa'kin.
Unregistered number. "Hello?"
BINABASA MO ANG
Bewitched My Husband To Be ✔️
ChickLit"What if kung mawala ang bisa ng gayuma, di loveless na naman ako? Pasaway kasi ang puso kahit i-program or i-reformat di pa rin maalis ang virus di ko pa rin malimutin ka, hindi ko magawa." Gilalas si Katty nang malamang ginayuma ng lola niya si...