BMHTB2: MEET WITH THE OLD DUDES

8.6K 180 72
                                    

Chapter 2: Meet with the Old Dudes

KATTY POV

"Helloooo! Madlang people! And hello Worlddd!" masiglang bati niya sa lahat ng tao sa site.

"Magandang umaga Ma'am Kat!" Sabay sabay na bati sa kanya ng mga workers nila sa site.

"Ma'am mukhang maganda ang gising natin ah!" Foreman ng site nila.

"Aba'y! Syempre Manong Bert! Alam naman ninyo kung sino ang kokompleto ng araw ako di ba! Asan siya?"

"Nasa loob po Ma'am kasama si Mr. Concepion. At Ma'am may mga bisita at may kasamang chicks," nagsalubong agad ang dalawang kilay niya.

"Chicks? As in chicks? So, it means plural, Manong Bert? Di isa kundi dalawa o higit pa?" Tanong niya dito.

"Opo Ma'am! Kay gagandang dilag mukha yong isa kasintahan ni Mr. Concepion. At isa parang napapanood ko sa TV na nobyo yata noong kareristang si Steve Sandoval. At yung isa Ma'am, grabeng makapulupot kay Sir kaya lakad na kayo at makuha pa ang Coco Jam mo." Ani nito na tinutulak na siya paloob ng building. "Pero Ma'am, wag kayo mag- alala mas maganda pa rin kayo." Kindat nito sa kanya.

"Yan naman ang gusto ko sa inyo Manong Bert eh! Lagi na ninyo akong binobola. Sige na nga po at baka kinakain na ng manok na yon ang Coco Jam ko."

Nang nakapasok na siya sa loob nakita agad niya ang mga bisitang sinasabi ni Manong Bert. Hmmmm... tama ang hinala ko si Lizang demonyita at ang dalawang alipores niyang si Camile at Ynah. At ang barkada nito sa school na sina Ken at Gail. Aba kagaling naman at talagang naka yakap pa sa braso ng Coco Jam ko ang Ynah yon. Argggghh..... ang aga ha!

Nainsecure siya sa mga suot na damit ng mga ito. Ang tatlong maldita naka summer dress na tinernuhan ng doll shoes. Samantalang siya nakabody fit na V neck na t-shirt at skinny jeans with KEDS shoes. Di bale kering keri ko naman sexy kaya ako, may kayaman naman ang hinaharap ko kahit walang di ako gumamit ng push up bra, sila kailangan pa hmmmm...

"Hi guys! " sigaw niyang bati sa nga lovers at di lovers. "Anong hangin at napadpad kayo dito? Ohhh.... medyo naging maalinsangsang ang hangin ngayon di na sariwa..." nakita niya inismiran siya ng tatlo.

"Hi Kathy!" Sabay na bati sa kanya ni Ken at Gail. Ngiti lang ang sinagot niya sa mga ito.

"Sinama ko lang sila para makita ang tatayuan ng bagong mall at para na rin makapagbakasyon," paliwanag ni Arvin sa kanya.

Wapakels ko sa paliwanag niya galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa kaibigan ko. Napatingin sa gawin nina Ynah at ng Coco Jam niya, aba naman ang lintik talagang linta kung kumapit. Nakakalaki ng butas ng ilong at talagang nakasandal pa ang ulo ng manok na ito. At itong magaling na lalaki tuwang tuwa pa na may unggoy na nakalambitin sa kanya, arggghhhhh...

Kinampante ko ang sarili ko bago ako lumapit. Kung si manok este ungoy este Ynah nasa kaliwang bahagi ng braso ni Tom siya naman sa kanang braso. Niyakap din niya ito katulad ng inagawa ng ungoy na makapal ang pintura sa mukha. Nakita niya kung paano sumama ang tingin nito sa kanya, kulang na lang kutuhan este sabunutan ko. Napansin ko nagmutla si Tom na nakatingin kay Ynah, ano bang mayroon sa kanila bakit ganito ang mga reaction ng mga ito. Naputol ang aking pag-iisip ng nagsalita sina Ken at Gail.

"Wow! Kat, until now humahabol ka pa rin kay Anderson," Ken playful says.

Siniko ni Gail ito, "come Kat, can you give us a big hug. We miss you! After graduation di ko na kayo nakita." Patuloy nito.

Umalis siya sa pagkakayakap sa braso ni Tom at punta sa gawi nina Ken at Gail.

Niyakap ko sila, close friend ko naman sila noong high school eh! Si Gail since kinder while Ken high school time. "I miss you guys! Sorry ha! Medyo masakit lang sa mata eh!"

Bewitched My Husband To Be ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon