BMHTB14: FIVE MONTHS PREGGY

5.2K 167 25
                                    

DREW POV

Mag three months na kaming kasal ni Kathy wala naman kaming mga away na di agad na sosolusyunan. Maintindin, masarap magluto at maalaga na dapat siya ang aalagan ako pa ang inaalagaan nito. Masaya naman kami pero sa puso ko parang kulang.

Andito ko ngayon sa mall para bilhan ng wedding monthsary namin. I give her surprise gift kasi lagi na itong may regalo sa akin. Nalilimutan ko kasi sa sobrang dami ng trabaho.

"Ano bang magandang ibigay sa buntis," tanong niya sa isang sales lady. Hay babae nga naman kapag nakakakita ng gwapo ikot ang puwet. "Miss sabi ko kung ano ang magandang ibigay sa buntis?" tanong ko ulit dito.

"Naku Sir sorry ang gwapo ninyo po kasi," ani nito sa kaniya. Naiiling na lang siya. "Para sa kapatid ninyo po ba Sir?"

"Nope! Para sa wife ko." Wala kong ganang sagot.

"Ah! Wife! Ito po Sir bracalet may ka ternong necklace para sa inyo." Tiningnan ko yung sinasabi nito sa akin. Maganda nga.

"Okay! Paki gift wrap na lang." Anas ko dito. At ibinigay ko ang credit card ko. Tumalikod na ito .

"Sir paki press po ng password ng credit card niyo." Ginawa ko ang sinabi nito. " Thank you po Sir gift wrap ko lang po."

"Drew?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Ynah?"

"Drew ikaw nga!" Tatakbo ito at yumakap sa akin. "Missing you babe." At sinakop nito ang labi ko. Di ko maintindihan ang akin sarili. Ang alam ko lang kaibigan ko lang si Ynah oo crush ko ito noong college ako pero sa sobrang torpe ko di ko ito niligawan. Naitulak ko ito.

"Sorry Ynah may asawa na ako," sabi ko dito.

"Drew ako ang mahal mo di si Kathy. Pinikot ka lang niya." Nakikita ko ang lungkot nito sa mga mata. Bakit ganito ang nararamdaman ko. Sabi ng puso ko paniwalaan ko ito. Sabi ng utak ko di dapat. "Drew makinig ka. Ako ang girlfriend mo di si Kathy. Nag-away tayo noon at nagpakalasing ka. At dahil lasing ka yun ang tiyempong kinuha ni Kathy para maakit ka niya. Please paniwalaan mo ako. Di ko alam bakit bigla kang nagbago. Sinungaling yan si Kathy baka ... baka nga di mo anak ang dinadala niya. Obsess sayo si Kathy kaya lahat kaya niyang gawin para makuha ka niya sa akin.'

"Ynah paano mo nasasabi yan? Ako pinikot ni Kathy? Magkakaanak na nga kami. She's five months pregnant." Naiirita na ako sa mga naririnig ko dito. "Miss di pa ba tapos yan?" Tanong ko sa sales lady kasalukuyan na binabalot na nito ang gift ko para kay Kathy.

"Please Drew listen to me now! Nagsasabi ako ng totoo. Di ko alam kung ano ang ginawa ng luka lukang yun sayo." -Ynah

"Stop! Di ko na gugustuhan ang mga sinasabi mo sa asawa ko," sita ko dito.

"Sir, ito na po ung gift ninyo at credit card ninyo Sir. At hiniwalay ko po yung necklace para sa inyo. At isa pa Sir ang sabi ng amo kong tsekwa nadasalan na daw niya yan para sa daw forever kayong magmahalan ni wifey." Tango lang ang naisagot ko dito. Umalis na agad ako. I want to see my wife.

"Drew! Please naman makinig ka sa akin..." pinutol ko na ang sasabihin nito.

"Di ka ba nakakaintindi ng salitang STOP. Sige tatagalugin ko tumigil ka na. Dahil di rin ako maniniwala sayo." Tinalikuran ko na ito at di ko na binigyan ng pagkakataon sumagot pa.

KATHY POV

May tumawag sa akin kanina na unknown number at sinabi nito na magkasama ang asawa at si Ynah. Di na siya mapakali sa nalaman niya. Natakot siya baka bumalik si Drew sa dati. Di niya makakayaan pang mawala ito. 8:30 na nang gabi wala pa rin ito.

Bewitched My Husband To Be ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon