DREW POV
Nakatingin lang ako sa mga ginagawa ng doctor. Masayang masaya ako ngayon, tama nga si Mama matapang si Kathy at di kami iiwanan.
"Mr. Anderson, okay na ang asawa mo. Sabi niya na gugutom na siya. Kaya pakain mo na si Kumander," masayang sabi nito.
Nilapitan ko si Kathy na nakatitig lang sa kisame. "Ehermm... asawa ko! Gusto mo bang kumain," tinanong ko ito habang pinaghahanda ko siya ng pagkain. "Gusto mo ba ng fruits, asawa ko?" Nilingon ko ito at nakatitig pa rin ito sa kisame. Habang pinapainit ko ang pagkain sa microwave. Pinaghanda ko na lang muna ito ng apple, orange at grapes.
Inilagay ko sa tray ang lahat ng pagkain at prutas. "Asawa ko, alam kung gutom na gutom ka na," inayos ko ito ng pagkakahiga. Nakatingin lang ito sa akin at di umimik. "Anong gusto mo asawa ko nakaupo o nakahiga?" Tinukod nito dalawang kamay at pilit na umupo, kaya tinulungan ko ito. Umupo ako sa side ng kama nito. "Masarap ito asawa ko. Si Mommy ang nagluto nito para sayo sabi nila paborito mo ito," di pa rin nagbabago ang titig nito sa akin. "Di ko pala alam na simple lang ang paborito mo, goto lugaw na may piniritong dugo at laman loob," akala ko kilala ko na si Kathy madami pala akong di alam katulad nito fave food niya. Nakatingin lang ito habang sinusubuan ko. "Asawa ko ang dami ko palang di pa alam sayo. Sorry! Babawi ako sayo sana pagbigyan mo pa ako," hinawakan ko ang kamay nito at pinisil.
BINABASA MO ANG
Bewitched My Husband To Be ✔️
ChickLit"What if kung mawala ang bisa ng gayuma, di loveless na naman ako? Pasaway kasi ang puso kahit i-program or i-reformat di pa rin maalis ang virus di ko pa rin malimutin ka, hindi ko magawa." Gilalas si Katty nang malamang ginayuma ng lola niya si...