Chapter Twenty Nine

13 1 0
                                    

TOMORROW WITH YOU
CHAPTER TWENTY NINE
RIE'S POV

Pag balik namin galing staycation namin, nag pahinga lang din kami ng isang araw at pumasok na din sa mga trabaho namin.

Binati ako ng mga staffs namin ng good morning kaya binati ko din sila na may ngiti sa labi.

Nakita ko naman si Krypton at Cheesey sa counter at dumiretso ako papunta sa direksyon nila.

"Ay kamusta naman ang bakasyon niyo?" Bungad sa akin ni Krypton habang nag pupunas sa counter.

"Masaya at maganda doon, by the way may dala akong pasalubong sa inyo" at taas ko nung paper bag na dala ko.

"Mukhang blooming na blooming ah! Mukhang nakarami ata kayo?!" kantyaw sa akin ni Cheesey at booty bump niya sa akin.

Natawa naman ako sa sinabi niya at ang sagot ko "Hindi no! Issue ka" still natatawa pa din ako.

Naramdaman ko yung pag vibrate ng phone ko kaya napatingin ako dito pero unregistered yung number.

Sinagot ko pa din kasi baka emergency dahil 10 am ng morning ngayon.

"Hello?" Bungad ko

"Hello! Rie! Si Kali to!" Rinig kong panic niya sa another line.

"Oh kali? Anong atin?" nag tatakang tanong ko sa kanya.

"Can you come here at the hospital, kasi na admit si Asul. 3 days ago" rinig kong sabi niya.

"Ayoko na mag karoon ng any connection sa kanya. Ayoko mag ayaw kami ulit ni Rewd" mabilis kong sabi.

"Please! Rie, maawa ka naman sa kaibigan ko papatayin na niya talaga sarili niya atleast once lang pakita ka lang sa kanya" pag mamakaawa niya sa akin.

"May mga magulang naman yan. Bakit ako pa?" nag tatakang tanong ko.

"Kaya nga na paaga ang uwi niya ng pinas, dahil nga sumuway din kala tita. Tulad ni Rewd tinakwil din siya dahil din natuto siyang mag desisyon na para sa sarili niya. Ayoko pa mamatayan ng kaibigan Rie. Please! Ito lang favor ko sayo tas ako gagawa ng paraan para hindi ka guluhin ulit ni Asul. Promise talaga!" pag kukumbinsi sa akin ni Kali.

--

Pumunta ako ng ospital dahil na din sa sobrang kulit ni Kali. Pinuntahan niya pa ako sa store kasama ang kambal.

Naikwento sa akin nila na naging independent si Asul sa America at nag karoon ng maraming trabaho kaya nakaipon pabalik ng pinas. Tulad ng ginawa kay Rewd tinakwil din siya at tinanggalan ng ari arian.

Pag pasok namin ng room niya nakita ko siyang natutulog pa.

"Anong sabi ng doctor?" tanong ko sa kanila.

"Diagnosed siya under depression. Suicidal siya, Rie nung sinugod siya dito sa hospital nag overdose siya ng maraming gamot" kwento ni Kali.

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon