Chapter Thirty

14 1 0
                                    

TOMORROW WITH YOU
CHAPTER THIRTY
RIE'S POV

"Nako bes! Gulo yan" violent reaction ni Krypton sabay crossed arms niya.

"Hindi namin mapapangakong itatago namin nyang sekreto mo" sabi ni Cheesey na nakasandal sa swirl chair niya.

"Hindi ako na ngungunsinti ng mali pero bahala ka basta ako sangayon ako sa sinabi ni Krypton. Gulo yan" sabi ni Dolly saakin ng seryoso.

Dahil doon napalunok ako na iintimmidate na naman ako sakanya.

"Naguguilty naman kasi ako" sabi ko at sandal ko sa swirl chair ko sabay buntong hininga.

"Pero kung ako sayo itigil mo nalang yan  ikasisira ng relasyon niyo yan plus kapag nasira mo na yung tiwala ni Rewd hindi mo na maibabalik pa yun. So ngayon sabihin mo sa akin kung importante pa din guilty mo doon kay Asul?" Nag hyhysterical na tanong sa akin ni Cheesey

"A-ano kasi?" Mag sasalita sana ako nung bigla sumingit si Krypton

"Alalahin mo naman yung mga ginawa niya sayo noon no? Dapat doon pa lang madala ka na. And Asul is the reason why Rewd's mad at you last time right?" Dagdag niya at tumungo naman ako.

"Yaan niyo si Rie mag isip kasi at the end of the day kahit ano pang sabihin natin sa kanya siya pa din mag dedesisyon. Well, malaki ka na alam mo na ang gagawin mo basta kami hindi kami nag kulang sa pasabi" dagdag ulit ni Dolly at higop niya sa milktea niya.

"Make your right choices" dagdag ni Cheesey at scroll ulit sa phone niya.

Sinabi ko sa kanila yung nangyare ng pumunta akong hospital at bisitahin si Asul.

Alam ko mali tong gagawin ko pero itatago ko nalang kay Rewd para iwas gulo. Ayoko mag selos siya at tingin ko ito din ang magandang paraan para matulungan ko din ang Kuya niya makabangon ulit.

--

2 weeks na ang nakakalipas at makakalabas na din si Asul ng hospital. Minonitor muna siya ng doctor kung hindi na siya suicidal bago siya mapalabas atsaka niresitahan na din ng anti depressants.

Nung nakauwi na siya sa tinutuluyan niyang condo na pinahiram sakanya ni Kali. Araw araw ko na siyang binibisita at dinadalhan ng pag kain galing sa store.

Dahil may mga rice meals din naman kami ayos na din. Mas matagal nga ginugugol kong oras kasama siya keysa sa trabaho uuwi akong bahay pagod na kaya madalang nalang kami mag usap ni Rewd.

"Rie? Ayos ka lang ba?" Rinig kong tanong niya sa akin.

"Huh?" Takang tanong ko sa kanya at na palingon ako sa direksyon niya .

"Pansin ko kasing tulala ka may problema ba?" tanong ulit niya at hawak sa balikat ko.

"Wala naman Asul may naalala lang ako" at tuloy ko sa kinakain ko.

"Buti naman, akala ko kung ano ng nangyayare" pag aalala niya sa akin.

"Masaya ka naman ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman andito ka, ikaw ang happy pill ko" sabi niya sa akin.

Napatingin naman ako sa kanya na nakangiti ngayon sa isang buwan na dinadalaw ko siya wala naman siyang ginawa saaking yakap o tangkang pag halik.

Kaya tingin ko alam na din niya boundary niya.

"Alam mo naman na panandalian lang naman to diba?" takang tanong ko sa kanya.

"Oo naman kaya nga sinusulit ko na. Hindi ko naman pwede pag pilitan lagi sarili ko sayo dahil si Rewd naman talaga mahal mo. Kahit mahirap tanggapin ganon talaga" sabi niya na may malungkot na tono.

"Buti naman kung ganon" pag sang ayon ko sa kanya.

"Kaya kung maibabalik ko lang ang oras at panahon nung araw na yun. I won't let go of you" at mapait niyang ngiti.

"Kaya kapag sa susunod kapag alam mo namang panalo ka na sa babaeng mahal mo wag mo ng pakawalan para wala kang doubts" asar ko sa kanya at point ko sa noo niya habang tumatawa.

Bigla naman niya kinuha kamay ko nakinawala ko ng mga ngiti sa labi ko. Sabay hinalikan niya ang kamay ko.

"Ang hirap mong kalimutan" seryosong sabi niya.

"Oh ayan ka na naman! Uminom ka na ng gamot mo" segwey ko mahirap na saan na naman mapunta tong usapin na to.

Kaya hinablot ko na yung kamay ko sa kanya at kinuha ang medicine kit sabay kinuha ang gamot niya.

Binuksan ko ang palad niya at pinatong ang tatlong tableta dito mabilis naman niya ito nilunok at sinabay ang pag inom sa tubig.

Maya maya napapansin ko na papikit na yung mga mata niya. Kaya hinatid ko na siya sa kama niya pinahiga ko na siya at sinetup yung aircon at kumot niya.

Lalabas na sana ako ng kwarto niya para makauwi na ako ng maaga aga.

"Wag ka muna umalis, dito ka muna hanggang sa makatulog ako." Hiling niya sa akin

Napalingon naman ako sakanya "please?" dagdag niya.

Nag dadalawang isip ako pumayag pero bigla niya akong hinila sabay niyakap kaya napahiga na din ako sa kama niya.

Pumapalag palag pa ako sa yakap niya pero mas lalo niyang diniin ito.

"Bitawan mo nga ako Asul!" Reklamo ko sa kanya.

"Don't worry rie this is the last time i will hugged you." Rinig kong sabi niya.

Napatulak ako sa kanya ng bahagya at patingin naman ako sa kanya na kinadilat naman ng kanyang mga mata pero nakayakap pa din siya sa akin.

"Anong sinasabi mo?" Takang tanong ko sa kanya.

"This is for good, this is the last time na bibisitahin mo na ako. Hindi din ako makakamove on kung lagi kitang kasama diba? So i will set you free, para makapagfocus ka na din sa mga responsibilities mo and sa relationship mo with my bro. Kaya ko naman na din naman" sabi niya sa akin na may force smile at niyakap ulit ng mahigpit.

"Salamat Asul" sabi ko sakanya

"No, thank you sayo. You're the girl that i almost had" sa sinabi niyang yun napatulo naman luha ko.

"You deserve better Asul and we know that" sagot ko sa kanya na may hikbi.

Naramdaman ko naman pag tungo niya sign na sumasang-ayon siya sa sinasabi ko.

"But if you need me and nothing to go. I'm always here, always remember that. One call away lang ako" sabi niya.

Nanatili lang kami ganon ang pwesto hanggang sa makatulog na siya. Unti unti akong bumangon sa kama, hinawi ko muna yung buhok niya at tinignan ang kanyang mukha for the last time.

Inayos ang kanyang kumot at lumabas na ng kanyang kwarto.

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon