Chapter Eight

24 3 0
                                    

TOMORROW WITH YOU
CHAPTER EIGHT
RIE'S POV

Buong klase hikab ako ng hikab napuyat ako kasi hindi ako makatulog active na active yung utak ko kagabi pag uwi ni Rewd.

Kasama ko na naman si Asul kasi wala na naman yung mga friends ko grabe practice nila para sa darating na foundation day.

LUNCH BREAK.

Nag lalakad na kami sa hallway ni Asul nag kukwentuhan pa kami at may tawanan, napakajolly kasi ni Asul kapag kasama niya ako lagi na nga lang ako kasama niya hindi na siya nakikipag bonding masyado sa El Quatro's.

Isa din siya sa dahilan bat napapabalik ang mga ngiti ko kapag kasama ko siya wala akong nararamdamang takot pati na din ang feeling na kaming dalawa lang sa sarili naming mundong to.

"Rie may tanong ako?" biglang sabi niya saakin na kinahinto ko naman mukhang seryoso eh.

"Huh? Ano ba yun?" takang tanong ko

"A-ano ka-kasi eh" sabi niya ng nauutal at mapakamot pa siya sa ulo niya na parang nahihiya.

Ang cute niyang tignan, hindi ko naman matatanggi Campus King siya pogi talaga.
Nag aantay lang ako ng sasabihin niya nung biglang may narinig akong nag titilian.

Kaya napatingin kami sa direksyon nung mga paparating, mga nakabasketball uniform pa din sila mukhang kakatapos lang ng practice ng mga varisty ng basketball.

"Tara na kain na tayo gugutom na din ako" sabay hila ko sa braso ni Asul.

Pero nag taka ako kasi hinarangan ng basketball team yung hallway parang ayaw nila ako padaain kaya napabitaw ako kay Asul at napatingin.

"Dont worry, we're here to escourt you to your lunch date with Rewd" sabi saakin.

Nanglaki mata ko kasi nakalimutan ko may kasunduan pala kami ni Rewd at ano? DATE! mukhang nabibingi na ata ako.

Magsasalita na sana si Asul kaso nag salita ulit yung lalaki kanina "Dont worry she's safe, Tara na Rie?" Mag lalakad na ako pero pinigilan ako ni Asul.

"Okay lang ako, nakaoo pala ako kay Rewd nakalimutan ko lang sorry Asul hindi kita masasamahan ngayon bawi ako later? See yah!" At kaway ko sakanya habang nag lalakad.

Nakakahiya naman kung hindi ako sumama sabihin niya wala akong isang salita inshort wala akong no choice ~

Habang nag lalakad kami papunta doon sa place napagitnaan ako ng team ni Rewd parang nakagwardya sila saakin na para akong sikat na artista.

Lahat tuloy ng mga schoolmate namin,napapahawi at napapatingin kung sino ang pinapalibutan ng Basketball team.

Nakakarinig nanaman ako ng mga bulong bulungan.

ANG SWERTE NAMAN NIYA!
OMG! WOLVES ARE HERE!

At marami pang iba, nahihiya tuloy ako napapayuko tuloy ako.

"Don't be shy, cuz' you're Rewd's Girl okay?" Sabi nung lalaking nakausap ni Asul kanina.

"Wolves are at your back kaya don't worry about it" sabi nung isa

"Kapag nabinully ka nila mas kawawa sila saamin" sabi naman nung isang member nila.

Nakarating naman kami sa isang place na ngayon ko lang nadiscover dito sa campus, tingin ko ito secret place nila or headquaters. Room siya na full tinted na glass bale kapag nasa labas ka hindi mo makikita kung anong nasa loob.

Lumabas mula sa loob si Rewd, hindi siya nakauniform nila nakacivilian siya actually, wala naman kasi talagang uniform dito.

Lumapit siya saakin at nilahad yung kamay niya sa harap ko yung isang kamay naman niya nakatago sa likod niya.

Napatingin naman ako sa kamay niya at muli tumingin sakanya senenyasan niya ko na hawakan na yung kamay niya,kahit awkward hinawakan ko.

At ito ang first time na nakapag skin to skin kami at nilabas niya na yung isang kamay niya na nakatago sa likod niya, may hawak pala siyang isang sunflower.

Nakarinig naman kami ng kantyaw mula sa mga team mates niya,nakaramdam ako ng hiya pero si Rewd parang normal lang sakanya. Kinuha ko naman yung bulaklak kasi paborito ko ito at sabay hinahawakan ng mahigpit kamay ko at nag lakad na kami papuntang loob.

Pagpasok namin bumungad agad saakin yung prenipare niyang lunch, nakita ko yung nakakalat na sunflower petal sa sahig at merong nga kandila sa sahig na nag form na isang straight lang para mag bigay liwanag papunta kung asan yung picnic blanket nakalatag na may mga throw pillow din para dagdag design.

Umupo naman ako doon sa tinuro niya kung saan ako uupo, hindi ako makapag salita kasi naamaze ako at ang ganda, yung mga gagamitin din namin pang resturant din (dinner plate, dinner fork & knife atsaka water goblet). Napakaromantic nung setting may mga fairylights din sa pader na nag dadagdag liwanag sa kwartong to.

"Do you like it?" tanong niya saakin

"Akala ko ba lunch lang parang date na ata to?" tanong ko.

"Lunch Date, hindi mo ba nagustuhan?" tanong niya ulit na parang dismayado

"A-ah nagustuhan syempre, kain na tayo" aya ko.

Kumain naman na kami, may kunting kwento pero awkward, bigla kaming nakarinig ng mabilis na pumasok sa pinto nakinagulat namin at kinatingin kung sino napasok.

"RIE!" Malakas na tawag niya sa pangalan ko.

Kaya nag katinginan kami mabilis siya lumapit kay Rewd at kinuwelyuhan ito. Hinawakan ko yung braso niya at inaawat ko siya.

"Anong kalokahan na naman to?! I said stop being with Rie!" sabi nito na may diin

"Ano ba ASUL! Ako kusang sumama kay Rewd at may usapan kami bitawan mo nga yung tao" sabi ko, na kinatingin niya saakin.

At binalik niya yung tingin niya sa kapatid niya at dahan dahan ibinaba yung pag kakahawak niya sa may kwelyuhan nito.

Hindi ko alam sa taong to kung gaano siya kabilis pumasok ganon din siya kabilis lumalabas ngayon sa pintuan kaya nakapag paalam tuloy ako kay Rewd ng maaga.

Sobrang bilis mag lakad ng lalaking to paano ba naman ang tangkad niya tas ako maliit lang kaya maliit din ang hakbang ko, nung naabutan ko siya mabilis ko hinawakan yung laylayan ng shirt niya.

"Ano ba Asul? Ano bang nangyayare sayo? Mag usap nga tayo, Oy!" sabi ko, ano ba tong lalaking to nag papabebe pa.

Bigla siyang humarap saakin na yung mukha parang nag hihina "Ano ba Rie? Ganyan ka ba kamanhid para hindi mo ko makita? Gusto kita Rie! Gustong gusto! Kaya selos na selos ako kay Rewd alam mo na ngayon gusto kita and I want to court you"

Confess niya saakin na kinagulat ko, hinawakan niya yung dalawang kamay ko at hinalikan niya ito.

"Please?" sabi niya.

Napatingin ako sa mga mata niyang nangungusap saakin, ang hirap naman tumanggi sa mga tingin niya.

"Okay sige" ngiti ko sakanya, gusto ko din si Asul wala naman masama doon.

"YES! THANK YOU RIE!" sigaw at talon niya ng paikot ikot sa kinatatayuan niya akala mo nanalo sa lotto

"Wag ka ngang maingay nakakahiya baka may makarinig sayo" awat ko sakanya.

"I dont care, i am the most happiest and luckiest man in entire world" nakaramdam ako ng init sa pisngi ko pati labi ko ngayon alam ko grabe ang ngiti.

Nakakatuwa kasi siyang tignan yung saya niya iba pati ang mga ngit niya na ngayon ko lang nakita.

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon