Chapter Thirty Three

10 1 0
                                    

TOMORROW WITH YOU
CHAPTER THIRTY THREE
RIE'S POV

"Sure ka ba talaga sa gagawin mo?" Tanong sa akin ni Asul.

"Oo naman si Rewd yun" sagot ko sa kanya.

Naikwento ko na kasi na may sakit si Rewd pero hindi ko pa alam kung anong klase ito.

Hindi sinabi sa akin ni Arci dahil may mas karapatan daw si Rewd ang mag sabi nito sa akin. At pinapapunta ako sa condo niya bukas ng maaga para masurprise naman si Rewd.

Dahil nga ayaw ni Rewd mag paospital nag stay lang siya sa condo ni Arci nag aantay kung anong nga susunod na mangyayare sa kanya.

Nung mismong umalis siya sa apartment namin ayun din pala ang mismong nag resign siya sa mga works niya.

"Oh sige sabi mo yan" at bigla niya ako niyakap ng mahigpit.

--

KINABUKASAN.

Maaga maman ako pumunta sa condo tulad ng sabi niya at maaga din naman nagising si Arci.

Bale tatlo sila sa condo yung personal assistant niya, si Arci at si Rewd. Nung nakapasok na ako napakaganda ng condo niya dahil ang laki tas puro salamin nakikita yung mga building sa labas at yung langit.

Tinour niya ako sa kitchen niya. "If mag prepare ka ng breakfast for him complete naman ang fridge ko just feel at home excited na ako sa surprise natin" excited niyang sabi kasi na palakpak pa siya.

"Ako din, now lang ulit ako makakapag luto for him" sabi ko sakanya ng kabado.

"By the way, Pat help Rie okay? I have to answers my emails and my coffee please thank you. Iwan ko muna kayo dyan i have to work" paalam samin ni Arci.

"Kaya pala nagustuhan ka ni Sir Rewd, Maam kasi maganda ka din ho pala at mukhang mabait pa" bati niya sa akin habang nag sasalin ng tubig sa electric heater.

Ako naman napangiti sa kanya at tinignan ang fridge. Marami ngang laman "Nakukwento din po ako sayo ni Rewd?" Tanong ko sa kanya habang kumukuha ako ng mga ingredients na.

"Ay! Opo maam, mas lalo na ho kapag nag lilinis ako ng kwarto niya" masayang sabi nito.

Mukhang naging madaldal na si Rewd, dati tahimik nun sobra at masungit.

Nag luto lang ako ng corn and egg soup, french toast at fresh orange juice for him. Hindi ko kasi alam ang sakit niya pero in this case I presume na mahirap na siyang makakain at walang gana kaya mga madaling nguyain lang ginawa ko.

Inilagay ko na sa tray yung mga pag kain at ginuide na ako ni Pat papunta sa kwarto ni Rewd.

Kaya piniit niya na yung doorknob at napabuntong hininga ako habang buhat ko yung tray.

Pag bukas ng pinto tulog pa din siya, unti unti ako lumapit sa kanya at si Pat unti unti binuksan ang kurtina ng kwarto ni Rewd.

Ibinaba ko muna sa side table yung food at tinignan ko ang mukha niya at hinaplos ang kanyang buhok. Dahil dito unti unti ng tumulo luha ko kasi sobra ko siyang na miss.

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon