Chapter Nineteen

12 0 0
                                    

TOMORROW WITH YOU
CHAPTER NINETEEN
RIE'S POV

Pag-katapos nung nangyare kanina, kumalma naman si Rewd. Nakauwi na din naman kami ng bahay at papasok pa siyang trabaho.

Nag-apply siya sa company ni Kuya pero si Rewd hindi katulad kay Kuya Seiji na pumapasok sa office, home-based naman siya.

Simula kasing nag layas siya, lahat pinatanggal ng Mom niya. Credit cards niya pinaputol, yung kotse niya pinahatak. Bawal na din siya humingi ng tulong o tumapak man lang sa mga kahit sinong na sasakupan ng Mom niya.

Napapa-isip naman ako kung may alam ba si Asul sa mga nangyayare sa kapatid niya?

"You want? I'll cook dinner?" Offer ni Rewd habang naka upo siya sa couch.

"Hindi na, Ako na mag luluto para makapag-focus ka sa work mo. Konti na lang, mag-iin ka" pag tanggi ko sakanya.

"If you insisted, baby. It's fine with me" sabi niya habang inaayos niya gamit niya. "Anyway, akyat muna ako sa kwarto" paalam niya sa akin.

Lumapit naman siya sa akin dito sa kusina at hinalikan ako sa cheeks sabay umakyat na ng kwarto.

--

SUNDAY MORNING

Andito ako ngayon sa mini garden namin, dinidiligan yung mga halaman namin nag walis na din ako dito kasi ang dami ng nalaglag na patay na dahon galing sa puno.

Napansin ko namang palabas si Rewd ng pintuan namin at naka gayak kaya na patigil ako sa ginagawa ko.

"Baby, punta muna ako sa friend ko. May importante lang akong gagawin doon" paalam niya saakin sabay halik sa noo ko nag mamadali pa siyang lumabas ng gate.

"Ingat ka baby" sabi ko sakanya bago siya makalabas.

"I love you, baby. Mag-ingat ka dito lock the gate and door okay?" Paalala niya saakin.

"Opo" ngiti ko sa kanya. Para kasing bata akong pinag sasabihan niya.

"I'll be quick! I promise." sabi niya at lakad na papalayo ng gate namin.

Tinignan ko na lang siya hanggang sa makalayo.

Nung lunch time na, wala pa din si Rewd. Si Kuya Seiji naman tulog pa din. Kaya na pag desisyunan ko ng mag luto ng lunch. Para pag gising ni Kuya may pag kain na siya.

Pag open ko ng ref chinicheck ko kung anong pwede maluto. May nakita akong patatas at carrots. Pwede ako makapag luto ng menudo.

Kaya prenipare ko na yung mga lulutuin ko, mabilis din naman ako na tapos sa pag preprepare ko pati sa pag gigisa. Hinihintay ko nalang siya kumulo para mag thicken yung sauce at yung sinaing ko luto na din.

Bigla may nag door bell, baka si Rewd na yan. Kaya excited akong lumabas ng bahay pero pag labas ko iba ang nakita ko.

Isang lalaki na nasa Mid 30's niya na, nakasuit at mukhang amerikano.

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon