Chapter Nine

29 2 0
                                    

TOMORROW WITH YOU
CHAPTER NINE
RIE'S POV

Christmas Break.

Dahil christmas break na nakapirme na ako sa bahay at malapit na din ang pasko hindi pa ako nakakabili ng regalo para kay Kuya Seiji.

Kanino kaya ako papasama neto? May mga kanya kanya naman kasing lakad ang mga kaibigan ko, Si Cheesey pupunta silang america, Si Dolly sa probinsya nila pupunta  Si Krypton mag boboracay naman daw kasi ganon ang family every holidays sana kami din merong ganon.

Tungkol saamin ni Asul, on going pa din yung pang liligaw niya saakin. Sabi ko nga noon hindi ko maitatanggi nag kakagusto na ako sakanya sino bang hindi mag kakagusto sakanya sobrang bait niya saakin.

Speaking of Asul, sakanya nalang kaya ako pasama.

~~

Narinig ko na yung busina dahil sa busina na yun nag mamadali na ako bumaba sakto na din naman nakapag ayos na din ako. Mabilis naman pumayag si Asul kasi wala naman siyang gagawin today.

Mabilis naman akong pumasok sa kotse niya, tinulungan niya din naman ako mag suot ng seat belt sobrang lapit niya sa mukha ko na mas lalo tulog ako nadidiin sa pag kakaupo ko sabay tinginan niya ako at ngumiti at nag maneho na.

Habang nasa biyahe kami nakikinig lang kami ng music galing sa stereo ng kotse niya at nakatingin lang ako ng diretso sa kalye.

Walang naimik saaming dalawa at ang tanging ingay lang namin ay yung stereo niya nung nag stop light na inabot niya ang isang kamay ko na malapit sakanya at hinalikan niya.

"Namiss kita" sabi niya saakin

"Namiss mo ko lagi naman tayo mag kausap" takang tanong ko sakanya

"I missed seeing your face, hindi naman masama yun diba?" sa sinabi niyang yun napaiwas ako sakanya ng ngiti.

Napatingin naman ako sakanya pero siya nakafocus pa din sa kalye nung nag go light na nag maneho siya na isa yung gamit na kamay sa paghawak sa may manebela at yung isa nakahawak pa din sa kamay ko.

"Safe ba yang ginagawa ko?" naaberyang tanong ko sakanya.

"Yes, cuz' your hands is my safest place" sagot niya saakin.

Naramdaman ko naman na nag init ang pisngi ko sa sinabi niya kahit corny at nag katinginan kami habang pinipigilan ang mga tawa namin mabilis naman niya din binalik yung mga mata niya sa kalye hinampas ko naman siya ng mahina lang at tumawa na nga kami ng malakas sa kotse.

"Ewan ko sayo mag maneho ka na nga lang!" sabi ko at pigil ko ng mga ngiti ko.

MALL.

Matagal din kami nakarating ng mall kasi sobra ang traffic mabilis din kami pumunta ng department store hanggang ngayon nag iisip pa din ako ng magandang regalo para kay Kuya Seiji, iniisip ko nga relo nalang kasi lagi siyang late.

Nung pumunta na kami sa counter ang haba ng pila, hindi pa naman ako sanay pumila kasi wala akong tyaga mag antay para sa pila pero wala akong no choice kasi halos lahat ng counter puno kasi nga holiday season na bumibili na ang mga tao para sa mga panregalo nila.

"May gagawin ka ba sa December 25?" bigla niyang tanong saakin

"Wala naman bakit?" nagtataka kong sabi.

Bigla niya nilabas yung wallet niyang mahaba at nag labas ng dalawang rektangulo na papel at inabot saakin.

Inabot ko naman to at nanglaki ang mata ko at tinignan ko siya ulit.

"Im asking you to go out for a date" sabi niya na may kasamang ngiti

"Oo naman!" Excited na sabi ko at sa sobrang excited ko napayakap pa ako sakanya.

Pero mabilis ko naman tinanggal yung pag kakayakap ko sakanya kasi baka isipin ng mga tao dito displaying of public affection kami ang mga tao pa naman judgemental.

"Teka lang? Hindi ba kayo mag sspend ng christmas kasama family mo?" tanong ko sakanya.

"Nasa arab sila mom kaya kaming dalawa lang ni Rewd sa bahay at panigurado may lakad na naman yung kapatid ko na yun kaya ako na naman maiiwan sa bahay" explain niya.

Sobrang excited ko kasi ngayon lang ako makakapunta sa amusement park! Kaya naeexcite ako, yes ticket nga siya ng amusement park.

~~

December 25.

Sobrang excited na ako pumunta ng amusement park! Mabilis din naman ako nag ayos kasi nag message na saakin si Asul na on the way na siya.

Ang suot ko lang ay high waisted na black shorts, printed na white shirt tapos nag jacket ako malamig ang simoy ng hangin.

Bag pack at nag high pony tail ako~

AMUSEMENT PARK.

Mabilis kami nakarating ng amusement park kasi wala gaanong traffic. Pag pasok namin hinawakan ni Asul ang kamay ko habang nag lalakad kami.

Hindi na ako nag dalawang isip tanggalin yun kasi sabi ko nga hindi ko maitatanggi na nagkakagusto na din ako sakanya.

Sumakay kami ng carousel at kahit anong rides pati mga mini games nilaro din namin sa dart nanalo siya at nakakuha siya ng white teddy bear na pwede ihug at ibinigay niya to saakin ako.

"Anong ipapangalan mo sakanya?" tanong niya saakin.

"Ted..Ted bear" at ngiti ko sakanya.

Marami pa kaming nilaro at kumain kami ng cotton candy, ice cream, corndog basta kahit anong makita naming food hanggang sa mabusog kami feeling ko nga mag kakaempatsyo ako sa dami kong kinain pero okay lang kasi minsan lang naman ito.

Last ride na sinakyan namin ferries wheel takot pa naman ako sa heights pero okay lang kasi kasama ko naman siya nung nasa taas na kami biglang nilapit niya ang mukha niya saakin at diretso lang ang tingin niya.

Napapikit ako dahil doon may naramdaman akong pag init ng mukha ko nung biglang naramdaman ko na may tinanggal lang siya sa buhok ko nakinadahilan ng pagkadilat ko.

Nag assume pa naman ako naikikiss niya ako pero hindi pala masyado lang pala akong assuming.

Gabi na din nung naihatid niya akong bahay.

"Salamat, nag enjoy ako" at ngiti ko sakanya

"I enjoyed also Rie thank you" sabi niya saakin at halik niya sa noo ko.

"Ingat ka sa pag mamaneho mo" sabi ko sakanya habang pababa ng sasakyan.

Ginamit ko si ted bear pang kaway sakanya at nag maneho na paalis. Hintay ko lang siya makalayo bago ako pumasok ng gate namin.

Napatingin naman ako kay ted bear at ngumiti ako ng sobrang lapad at niyakap to habang papasok na ako ng pinto ng bahay.

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon