TOMORROW WITH YOU
CHAPTER TWENTY EIGHT
RIE'S POV
Pag dilat ko ng mga mata ko siya agad ang bumungad sa akin at ang maganda niyang ngiti. Kaya hinawakan ko ang mukha niya at nilapit sa akin para halika sa kanyang labi.
"Good morning baby," masayang bati namin sa isa't isa.
Napaupo pa ako na nag kukuskos ng mga mata ko. "I made breakfast for us" sabi niya sa akin.
At inilapag sa harapan ko ang tray na may pancakes, sunny side up eggs, bacon, toasted bread at coffee.
Agad kong hinigop yung coffee na para sa akin. "Wow! Namiss ko to breakfast in bed" at excited kong kain.
"Me too" sabi niya.
Habang ngumunguya ako pansin ko hindi siya kumakain. "Kumain ka na din, subuan kita. Ahhh" sabi ko sakanya at lapit ko sakanya ng bacon at kinagat naman niya ito.
"Im just excited na mapakita to sayo" nag taka naman ako sa sobreng inabot niya sa akin kaya mabilis ko tong binuksan.
Pag tingin ko plane tickets at reservation sa isang beach resort kaya nang laki mata ko at tumingin sa kanya.
"Yeah, were getting out for a staycation for 1 night and 2 days" masaya niyang sabi sa akin.
"Oh my god! Thank you so much! Baby!" Niyakap ko siya ng sobrang higpit dahil sa saya.
First time kasi namin to aalis at mag babakasyon.
--
Dumating na nga yung araw na pumunta kami dito sa beach. Pag dating namin sa resort inasikaso na kami agad. Dahil sobrang excited ko nung pumasok kasi ng room namin pumunta agad ako sa may veranda nito at napapikit ako sabay nilasap ang simoy ng karagatan.
Naramdaman ko yung back hug niya sa akin kaya mas diin ko sarili ko sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya na nakapulupot sa aking bewang.
"You like it?" bulong niya sa tenga ko.
Kaya humarap ako sa kanya at tumungo bilang sagot ko. Hinalikan naman niya ako sa aking labi sabay pinulupot ko ang mga braso ko paikot sa kanyang batok.
--
Nung palubog na ang araw, pumunta kami sa dalampasigan at bumungad sa akin ang isang dinner set up. May nakaabang na mga servers at isang acoustic singer na buhat niya ang kanyang gitara.
Napatingin naman ako kay Rewd na nakangiti. "You like it?" Tanong niya saakin at tungo ko.
Umupo na kami sa may harap ng table kinuha ko ang phone ko at pinicturan yung sunset kasi na pakaganda tignan ng sunset mula dito sa dalampasigan.
Nag pa picture din kami sa isang staff dito sa resort para may maitabi naman akong memories namin dito or souvenir.
Napakaperfect lang ng dinner namin dahil parang nasa ulap ako sa kasiyahan ko.
Yung pag kanta ng singer, champange, masarap na dinner. Yung simoy at pag hampas ng alon kasama na din yung puting buhangin. Kasama ang taong mahal ko na nakikipag kwentuhan sa akin ng masaya, tumatawa at nakangiti. Ayoko makalimutan tong memory na to.
Pag tapos namin nung dinner na yun nag lakad kami sa dalampasigan mag kahawak ang kamay. Masaya na nag kukwentuhan at nag tatawanan parang gumawa na naman kami ng sariling mundo na malayo sa realidad dahil sa saya na nararamdaman namin.
Itinuro niya yung kalangitan kaya na patingin naman ako rito. Ang ganda nito dahil punong puno ng mga bituin at bilog na bilog ang buwan.
Nag aya muna siya tumambay dito sa dalampasigan habang tinitignan ang mga bituin. Sinapin ko muna yung scraf ko at umupo kami dito. Nakapulupot lang ang mga braso ko sakanya at hawak ang kanyang kamay habang nakapatong ang aking ulo sa kanyang balikat.
"Let's get married and our wedding will be held by here" sabi niya sa akin.
"Tapos dito din honeymoon natin?" Tanong ko sa kanya.
"Ofcourse, mag rereserve ako ng special room for that. Then I want 4 kids." Open niya ng topic.
"Ang dami naman masyado nun, kakayanin ba natin yun?" nag aalalang tanong ko sa kanya.
"Ofcourse, you'll be a great mom and i'll be a perfect father for our kids. Mas marami mas masaya diba?" Tanong niya sa akin.
"Sabagay, masaya nga yun." nakangiti kong sabi.
"Hindi na ako makapag-hintay na maging asawa kita" sabi niya at inangat niya yung kamay ko kung saan nakasuot yung engagement ring.
"Ako rin naman" mabilis ko nga sagot.
Inalis niya yung pag kakapulupot ko sa braso niya kaya na patingin ako sa kanya. Hinawi niya lang ang buhok ko at inilagay sa likod ng aking tenga.
"Mahal na mahal kita" sabi niya sa akin habang nakatingin ako sa mga mata niya.
"Mahal na mahal din kita" sabi ko sa kanya at halik ko sa labi niya.
Unti unti ko din naman inalis ang mga labi ko sa kanya. "Always remember, whatever happens. You're my one and only love. Hindi ko kakayanin ang mga susunod kong mga bukas kung hindi kita kasama. Ikaw lang ang lahat sa akin Rie. Alam mo naman yun diba?" Dahil sa huli niyang sinabi.
Bigla tumulo ang aking luha, naramdaman ko ang pag punas niya ng luha ko gamit ang kanyang hinlalaki.
"Oh! Why are you crying?" Takang tanong niya.
"Wala" at sunggab ko sa kanya ng mahigpit na yakap naramdaman ko din ang yakap niya sa akin. "Mahal na mahal kita kahit anong mangyare" sabi ko sa kanya.
"Mas mahal na mahal kita, baby ko" rinig kong sabi niya.
Na kinapukaw ng aking damdamin, mas lalo tuloy tumulo mga luha ko dahil sa sinabi niya.
Sa puntong to na andito na kami ni Rewd, hindi ko din alam mangyayare sa akin kung biglang mawala man siya sa akin.
Nasanay na ako na siya ang nandyan, kasama ko. Sa tuwing malungkot, pagod at sa saya si Rewd lagi andyan para sa akin. Pumapawi ng lahat ng nararamdaman ko.
Hindi ko din alam minsan bakit ako binigay ni lord ng gantong klaseng tao sa buhay ko. Hindi ako nag rereklamo bagkus thankful pa ako.
Dumating siya sa panahon na hindi ko inaasahan. Yung taong pinakakinakainisan ko noon ayun din pala ang taong mamahalin ko ng sobra sa ngayon.
Parang ayoko na matapos tong bakasyon na to. Sana lagi nalang kaming ganto~
BINABASA MO ANG
Tomorrow With You
Teen Fiction"Don't settle for less" Rie is about to enter college life (2nd year), While studying in Bae academy she gained friends and encounters El Quatro's heartthrobs in the academy. (Asul, Kali, Oak & Elm). Because of her good academic rating, Rewd (Wolves...
