Chapter Seven

26 3 0
                                    

TOMORROW WITH YOU
CHAPTER SEVEN
RIE'S POV

Nakabalik na ako sa school swerte ako at may mga kaibigan akong tulad nila Dolly naasikaso agad nila ang problema ko sa guidance.

Malapit na din pala mag final exam at foundation day namin, lagi ko nakakasama si Asul lately kasi sila Dolly super busy. Dahil nga sa pag absent ko nakaraan minabuti nalang ng adviser namin na hindi ako isali sa kahit anong curricular activity muna pahinga ko na daw din.

Ibinigay nalang niya sa third rank namin na si Dolly yung para sa Quiz Bee, si Krypton busy din mag practice ng volleyball kasi kasali pala siya sa varsity ng volleyball at hindi pala siya tomboy, boyish lang talaga siya. Si Cheesey naman busy sa pag oorganize ng foundation kasi yung club niya nakaassign para doon.

Kaya lagi ko kasama si Asul, pag balik ko ng school hindi ko naman gaano nakikita si Rewd kasi daw nag ppractice para sa basketball team niya.

"Oy! Ang lalim naman ng iniisip mo" bati saakin ni Asul at kagat niya sa burger niya.

Dahil sa bati niyang yun bumalik ako sa realidad, trineat niya kasi ako sa isang fast food eh.

"Wala namimiss ko lang sila Dolly" sabi ko

"Pag tapos ng foundation makakasama mo na din sila" at zip niya sa soda niya

"Ikaw din, gagraduate ka na next year edi iiwan mo din kami?" Pag tatanong ko sakanya.

Kinuha niya yung tissue at pinunas niya sa bibig at kamay niya.

"Edi next year mag babagsak ako ng isang subject para sabay tayo mag graduate sabi ko nga sayo i'll be at your side always. Dont worry andito lang ako" biro niya at hawak niya ng kamay ko sabay ngiti saakin.

Hinila ko naman kamay ko at hinampas siya ng mahina at sabay kaming tumawa "Loko ka talaga! Wag mong gawin yun!" Sabi ko.

Ayan na naman tayo sa ngiti niya, ang gwapo. Feeling ko nacoconfuse na ako sa feelings ko sakanya, sino bang hindi maiinlove sakanya, matalino, gwapo, mabango, mabait at iba pa.

Nasa kanya na yung ideal type ko nung una kuya lang tingin ko sakanya pero yung gestures niya saakin iba, nakakapagpafall. Yes mukhang crush ko na nga siya pero hindi head over heels ah.

"Tara na nga kain na nga tayo baka saan pa mapunta tong usapang to" sabi ko sakanya.

~~

Nung gabi na hinatid na ako ni Asul sa bahay. Papasok na sana ako ng bahay nung napalingon ako sa likod ko feeling ko kasi mag nakatingin saakin sa malayo papasok na sana ako nung gate ng may humawak sa may balikat ko na kinagulat ko at kinataas ko ng balahibo.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at hinahabol hininga ko.

"I just want to say sorry Rie and i want you to get to know me better, let's have a lunch tomorrow?" sabi niya saakin.

Bakit parang umiiba ang hangin? Si Rewd ba talaga to? Si Rewd nga ang ng gulat saakin.

"Huh? Eh? Ayoko!" Sabi ko at diretso pasok ko sa gate namin.

Pinigilan niya pag sarado ko ng gate.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka nag sasabi ng yes sa aya ko sayo" sabi niya saakin.

"Okay, edi dyan ka! Bahala kang papakin ng mga lamok dyan!" sabi ko at mabilis na sarado ng gate.

5 HOURS LATER...

Kakalabas ko lang ng cr nag half bath lang ako, napagod ako kakagawa ng mga homework ko at mga take home quiz.

Nag bihis na din ako sa loob ng cr at hihiga na sana ako nung naalala ko si Rewd umalis na kaya yun?

Kaya unti unti akong sumilip sa bintana ko pag kita ko andoon pa din siya napaface palm nalang ako at nakaupo siya sa pavement.

Tingin ko mukha naman siyang sincere kasi nag antay talaga siya sa labas. Ay hindi sinusubukan lang talaga ako nito, bababain ko ba? hindi matutulog na ako mag sasawa din yan uuwi din yan.

Hihiga na ako nung hinampas ko yung kama nako! Nakakaguilty kaya bumaba na ako pag bukas ko ng gate agad naman siya tumayo at pinagpag yung shorts niya.

"Tinatanggap mo na ba sorry ko?" mabilis niyang tanong tumango naman ako at biglang may narinig akong malakas na tunog.

"Tyan mo yun no? Tara pasok ka pag hain kita ng pagkain" sabi ko at napahawak siya sa tyan niya.

"Hindi na uuwi na ako salamat nalang" sabi niya at tumunog ulit tyan niya.

"Tara na! Hindi naman kita lalasunin eh" sabi ko at hila ko sakanya papasok ng bahay.

~~

Nung nasa loob na kami ininit ko lang yung natirang pagkain namin at pinag hain siya andito kami sa may dinning table namin.

"Oh ayan kumain ka na" lapag ko sakanya nung plato.

"Ikaw lang mag isa dito?" tanong niya saakin at abot ko sakanya ng kutsara at tinidor

"Hindi kasama ko kuya ko kaso nasa trabaho call center yun eh" sabi ko sakanya.

Kumakain naman na siya habang tinitignan niya yung buong bahay at napatingin saakin ulit.

"So tomorrow lunch?" aya niya saakin ulit

"Osge mapilit ka eh" sabi ko

"Hindi naman ako mapilit gusto ko lang talaga bumawi" sabi niya saakin.

"So babawiin mo na yung sinabi mo sa campus?" tanong ko sakanya.

"No, that's the only thing para macover ko yung mali ni Kuya" sabi niya.

"Anong mali?" Takang tanong ko

"Basta, just trust me" sabi niya

"Paano kita pag kakatiwalaan? Lagi mokong sinisigawan tapos inis na inis ka pa saakin" sabi ko

"Sorry, hindi ako sanay na natatapakan ang ego ko pressured lang talaga siguro ako" explain niya ng mabilis.

Masyado talagang direct to the point to kahit kailan masyado lang talagang treathen saakin si Rewd kaya lagi niya ako inaaway pang bading naman yun.

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon