TOMORROW WITH YOU
CHAPTER TWENTY THREE
RIE'S POV"Mukhang maganda ata araw mo today, Rie?" Tukso saakin ni Cheesey sabay siko niya saakin sa tagiliran.
"Hindi naman sadyang excited lang ako sa date namin ni Rewd mamaya" nakangiti kong sabi sakanya habang chineck ko yung ingredients sa pantry.Nung alam ko na yung mga ingredients na bibilhin sinulat ko na isa isa sa bond paper na nakakabit sa clipboard ko at unti unti ng lumabas sa may pantry. Simabayan naman ako ni Cheesey lumabas.
"Alam mo mapapasabi nalang ako ng sanaol. Ilakad mo na kasi ako kay kuya mo para ako din may boyfriend naaa..." kulit sa akin ni Cheesey
"Ay nako bes, alam mo naman ayaw ni Kuya ng sobrang bata sakanya no" sabi ko sakanya.
"Ang sad naman nun?! Age doesn't matter naman ih!" Pag mamaktol saakin ni Cheesey natatawa nalang ako sa itsura niya.
"Oy! Anong chika?!" Pagitna sa amin ni Krypton at akbay sa amin dalawa.
"Wala!" Bulyaw sakanya ni Cheesey at walkout.
Kaya nag katingin nalang kami ni Krypton at nag kibit balikat.
"Dolly! Ito na yung mga na lista kong paubos na nating ingredients sa pantry" sabay abot ko sakanya yung clipboard.
Inabot naman niya to agad nung nakarating kami ni Krypton sa may counter.
"Okay sige ipapafollow up ko na to sa mga supplier natin, by the way akyat muna ako sa office kayo muna bahala dito" labas ni Dolly sa counter at tap sa balikat no Krypton.
"Mhay, paorder ako matcha milktea large no sugar. Ikaw Rie anong gusto mo?" Tanong saakin ni Krypton
"Wintermelon na large atsaka 50% sugar. Thank you!" Sabi ko sa cashier.
"Additional pearls saakin ah thank you!" Sabi ni Krypton.
Pag ka punch nung order naupo na kami sa favorite spot namin dito sa store. Nag kwentuhan lang kami ni Krypton habang nag aantay sa order namin.
BABY CALLING...
"Wait lang Krypton tumatawag si Rewd" paalam ko lang kay Krypton
"Sure go ahead" nakangiting sabi niya saakin
Kaya agad agad ko naman sinagot yung tawag hindi na din ako nag abala pang lumayo dahil hindi naman na iba saakin si Krypton.
"Hello baby, what time tayo later?" nakangiting sagot ko sakanya from another line.
"Ayun na nga baby, kaya ako nakapatawag because overtime ako sa work nag awol na naman yung napalitan ko. I'm sorry bawi ako ah~ I hope its fine?" Rinig kong sabi ni Rewd sa kabilang linya.
Yung ngiti ko kanina bigla naman na pawi
"Oh sige, take care baby see you later" sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Tomorrow With You
Genç Kurgu"Don't settle for less" Rie is about to enter college life (2nd year), While studying in Bae academy she gains friends and encounters El Quatro's famous, hot and intelligent, heartthrobs in the academy. (Asul, Kali, Oak & Elm). Because of her good a...