TOMORROW WITH YOU
EPILOGUE
RIE'S POVTatlong taon na ang nakakalipas nung nawala si Rewd. Pag tapos nun mga buwan lang ata ay bumalik na ang pamilya niya sa America kasama na din doon ang kapatid niyang si Asul.
Nag paalam naman ng maayos sa akin si Asul na need niyang umalis para ituloy yung business nila sa doon.
Wala naman sa akin yoon dahil mas makakabuti para sa kanya yun at makapag-move on na din sa mga bagay bagay. Ganon pa din naman si Asul sa akin, mabait pa din siya at hindi niya tinatagao na hanggang ngayon mahal niya pa din ako.
Pero hindi ko kayang matanggap ang pag-mamahal niya dahil sobrang mahal ko ang kapatid niya. Mahirap man na ireject ko siya ng paulit ulit pero sobrang mahal ko lang talaga si Rewd na hindi ko siya kayang palitan.
Lagi siyang na bubuhay sa puso't isip ko at hindi tumatanda.
Sa tatlong taon na yun ay binaling ko ang sarili ko sa store namin at nag karoon pa kami ng tatlo pang branches kaya mas lalo kaming na busy. Ginawa namin per store toka kami mag kakaibigan yung main branch nasa akin dahil maraming memoriea nangyare dito na kasama si Rewd.
Hindi ko nilayo ang mga bagay na makakapag paalala sa kanya. Oo na mimiss ko siya pero ayoko din mag move on na wala na siya. Gaya nga ng sabi ko noon, nag lakbay lang siya ng malayo at mag-kikita kami muli.
Ngayon andito ako sa store nag aasikaso ng mga costumer dahil ang dami na namang tao. Nag papasalamat ako at naging patok tong business namin.
Habang nasa counter ako may na amoy akong pamilyar na pabango kaya na patingin ako rito.
Pag angat ko ng ulo ko kung sino ang tao nasa harap ko nginitian niya ako. Napangiti din naman ako sa kanya.
"What's your order sir?" Masiglang tanong ko sa kanya.
"You" maikli niyang sabi
Dahil roon nagulat naman ako na pansin ko ang bahagya niyang pag tawa.
--
Nung lumuwag na yung daloy ng tao nilapitan ko na siya sa table niya, busy siya ngayon mag kalikot sa phone niya.
Napansin niya din naman na palapit na ako sa kanya kaya na pababa na siya ng phone.
"Dapat hindi mo na ako hinintay pa" sabi ko sa kanya.
"You know me rie, if gusto ko gusto ko talaga" sagot niya sa akin at na tawa siya.
"Oo alam ko asul na pakakulit mo" biro ko sa kanya at kinatawa namin ng sabay "ano pa lang sadya mo?" Tanong ko sa kanya.
"I'm staying here kasi may branch na yung business namin dito sa pinas and I miss you kaya binisita kita" masaya niyang sinabi sa akin.
"Edi good! Kamusta naman ang buhay mo doon for sure dami mong chix no?" Asar ko sa kanya.
"Nah! Wala naman kasing papantay sayo. I still not losing hope, Rie. And besides mag eeffort ba ako mag padala sayo ng flowers everyday tas nasa ibang bansa ako kung may iba akong dinidiskartehan?" Natatawang sabi niya.
"Parang flower shop na nga tong milktea shop ko dahil sa mga flowers mo pero okay lang na kakadagdag ambiance din naman dito at natutuwa din ang mga costumers" kwento ko sa kanya.
Natapos lang ang araw namin na nag kukwentuhan lang sa store at nag kamustahan din. Nag dinner din kami together at hinatid sa bago kong unit.
Bumukod na ako ng tuluyan kay Kuya Seiji para naman sa ngayon sarili naman niya intindihin niya at mag hanap ng makakasama sa buhay hindi naman na din kasi bumabata ang Kuya ko at deserve niya naman yun.
Si Dolly naman after years dating na din siya pero dahil nga nakakaintimidate siya walang na tagal na lalaking nakikipag date sa kanya pero hopefully itong dinidate niya ng 3 months mag click naman na sila.
Si Krypton naman bigla na lang kami ginulat isang araw na may boyfriend na pala siya. Akalain mo yun sa boyish niyang yun mas inunahan pa si Dolly mag boyfriend. Ang boyfriend niya yung bestfriend niya since high school pa siya.
At si Cheesey naman mga afam ang pinupush niyang maging boyfriend kaya hindi siya mag tigil gumamit ng dating apps. Baka sakali daw andoon na talaga ang kanyang one true love.
Ako naman, nag aral ako matuto mag maneho ng kotse at motor para naman hindi ako mahirap kada aalis ako. At para sa akin isa ng magandang achievement na yun.
--
Dahil 4th year death anniversary now ni Rewd, bumili ako ng bulaklak para sa kanya at kandila.
Dadalawin ko siya sa puntod niya, lately madalang na lang ako makadalaw sa kanya dahil sa sobrang daming costumer sa store.
Minsan na iisip ko sinasadya niya siguro yun para makapag move on ako sa kanya.
Pag dating ko sa sementeryo, mabilis ko naman nilapag yung flower at pinag sindihan siya ng kandila. Alagang alaga siya ng care taker niya dahil malinis ang kanyang puntod.
Umupo naman ako sa tapat nito, at hinaplos ang puntod niya.
"Mahal pa din kita Rewd, kahit ano gawin ko hindi ako makamove on sayo" at tulo ng luha ko.
"Be happy Rie" rinig ko nung biglang umihip yung hangin alam ko boses ni Rewd yun.
Na mas lalong kinatulo ng mga luha ko.
"Umiiyak ka na naman?" rinig kong sabi niya sa akin kaya na paangat ako ng ulo ko sa nag salita.
Niyakap niya ako yung yakap na yun pamilya sa akin parang si "Rewd" banggit ko ng pangalan niya sa gitna ng mga yakap namin.
Inalis naman niya ang yakap niya sa akin at ngitian niya ako ng mapait "Move on" sabi niya.
Sa puntong ito nakikita ko ang mukha ni Rewd, napapikit ako at na patungo. Pag dilat ko si Asul na ang nakikita ko.
"Stop crying, ayaw nakikita ni Rewd na umiiyak ka" at punas niya ng luha ko sabay niyakap ko siya ng mahigpit.
"I will always love you until you gonna love me, rie. I promise that" bulong niya sa akin.
--
I will missed him forever like stars that misses the sun in the morning skies.
F I N I S H E D
TOMORROW WITH YOU IS OFFICIALLY SIGNING OFF ...
Copyright © 2021 by Midnight Solitaire Stories
ALL RIGHTS RESERVED.No part of these stories may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including...
FROM THE AUTHOR:
(Rewd alam ko hindi mo to mababasa pero salamat dahil na gawa ko tong kwento na to dahil sayo at ito na din ang closure ko sa bigla mong pag iwan sa akin noon. At mapalaya ko na din ang sarili ko sa mga tanong na nag babagabag sa isipan ko dalawang taon na ang nakakalipas. Sana masaya ka na kung asan ka man ngayon at saka sa mga panahon na tayo pa sana minahal mo talaga ako ng tunay at totoo. Maraming Salamat sa lahat na nag basa ng kwentong ito hanggang sa mga susunod kong kwento, ciao!)
BINABASA MO ANG
Tomorrow With You
Teen Fiction"Don't settle for less" Rie is about to enter college life (2nd year), While studying in Bae academy she gains friends and encounters El Quatro's famous, hot and intelligent, heartthrobs in the academy. (Asul, Kali, Oak & Elm). Because of her good a...