Chapter Twenty Six

13 1 0
                                    

TOMORROW WITH YOU
CHAPTER TWENTY SIX
RIE'S POV

Andito ako sa store namin, nakaupo lang ako may office chair ko at tinitignan yung singsing na suot suot ko sa aking daliri.

Kahit 1 week ago na yung proposal niya sa akin kapag na aalala ko kinikilig pa din ako at hindi mawala ang mga ngiti sa aking mga labi.

"Baka matunaw naman yung singsing kakatitig mo bes" biro sa akin ni Krypton.

Kaya napababa ako ng kamay ko sabay tumawa.

"Kailan kaya ako mag kakaganyan?" Sabi ni Cheesey habang nakataas ang kanyang kamay sabay buntong hininga.

"Just buy a ring" asar sakanya ni Dolly at sabay apir nila ni Krypton.

Itong dalawang to pinag tutulungan na naman si Cheesey kawawa naman.

"RIE!!!" rinig naming sigaw galing sa labas ng office kung saan ang service area at ang first floor ng store.

Kaya na palabas kaming apat galing office.

"Sir please naman po wag naman po kayo mag eskandalo nakakahiya po sa nga customers namin" rinig kong awat sa kanya ng staff namin.

Bumungad sa amin si Asul na gulo gulo ang buhok at nakapambahay na damit.

"BITAWAN MO KO! KAILANGAN KONG MAKAUSAP SI RIE!!!" sigaw niya sa pag mumukha ng staff.

"Yaan mo na siya Stephen" sabi ko sa staff ko.

Nakita ko naman yung takot ng mga mukha ng mga customer namin.

"Rie ayusin mo yan" bulong sa akin ni Dolly ng seryoso.

Kaya lumapit ako unti unti kay Asul.

"RIE!!!" tawag niya ulit saakin bago niya ako makayakap ulit hinawakan ko kamay niya at kinaladkad palabas ng store.

Dahil sobrang nakakahiya na sa mga tao, naririnig ko naman na nang hingi ng pansensya sila Dolly sa mga costumers habang palabas kami ni Asul.

At binitawan ko siya ng pabalibag nung nasa may parking space na kami, sinunggaban niya naman ako ng yakap. Mahigpit na yakap, na amoy ko naman na amoy alak siya.

Tinulak ko siya papalayo saakin. "ANO NA NAMAN BANG PROBLEMA MO! NAKAKAHIYA SA MGA CUSTOMERS NAMIN!" sigaw ko sa kanya dahil sa pikon.

"Rie, dont get mad at me" mahinahon niya ng sabi.

"Tigilan mo na ako Asul! Bakit ba ayaw mo ko tigilan!" Naiiyak ko sa inis na sabi sa kanya.

"I still loved you, Rie. Bumalik ka na sa akin" naiiyak niyang sabi at niyakap ako ulit.

"Bitawan mo nga ako! Asul! Ano ba! Bitiwan mo ko!" Sabi ko sa gitna ng mga yakap niya at pilit ko inaalis ito.

Nagulat ako ng may biglang humatak kay Asul at mabilis itong sinuntok sa pisngi nakita ko din ang pag bagsak ni Asul sa semento.

"Ayaw na sayo ni Rie! So leave her alone!" Galit na galit na sabi ni Rewd.

Dahil sa gulat hindi ko alam gagawin ko, natataranta ako.

Narinig ko na tumatawa si Asul habang tumatayo sa pag kakabagsak niya. "You just stole my girl, lil' bro!" Sabay suntok ni Asul kay Rewd.

Pero nakailag si Rewd dahil nga lasing si Asul nag mintis siya. Kaya ginawa ni Rewd binigay ulit si Asul ng isa pang suntok sa tyan. Nakinangiwi ni Asul.

"I didn't do that!" pasigaw na sabi ni Rewd sa pag mumukha ng Kuya niya habang nakahawak ang isa niyang kamay sa may damit nito banda sa may leeg.

"You know that Rie loves me first!" Sabi ni Asul at smirk nito.

Alam ko na hindi titigilan ni Rewd ang Kuya niya hanggang hindi niya to nakikitang bumabagsak o bugbog sarado. Dahil alam ko kung gaano siya kagalit galit dito. Kaya tumakbo na ako para awatin siya.

Niyakap ko siya sa may bewang at hinila nakita ko din na lumabas sila Cheesey ng store at tinulungan si Asul tumayo.

"Baby tama na" sabi ko mula sakanyang likod nararamdaman ko na mag sasabong sila ulit kaya humarap na ako sa kanya.

At hinawakan ang mag kabilang pisngi niya at tinitignan sa mga mata niya. "Enough" dahil sa sinabi kong yun na pansin kong huminahon siya at niyakap ako.

"Rie!" tawag ulit sa akin ni Asul na nangingiyak.

Kaya na palingon ako sa direksyon niya, kita ko na pumutok na yung labi niya at kilay. "Umuwi ka na please lang" pag mamakaawa ko sa kanya.

"Babawiin kita, Babalik ka sa akin, Rie. Pangako ko yan." sabi niya sa akin at tinanggal ang pag kakahawak sa kanya ng mga kaibigan ko at unti unti nilapitan ang kotse niya at umalis na.

"Ang kapal talaga ng pag mumukha nung kapatid ko na yun. Buti nalang dumaan ako dito sa store. Kung hindi baka ano na naman nangyare!" sabi saakin ni Rewd habang naka kuyom pa din ang kanyang nga kamay at nakakunot ang noo.

"Hindi mo naman need saktan si Asul" sabi ko sa kanya.

"Bakit naman hindi? Nahaharass ka na niya. Boyfriend mo ko so that's the right thing to do. At gigil talaga ako bigyan ng isang solid na suntok dati pa" sabi ni Rewd nakikita ko pa din na salubong pa din ang kanyang mga kilay.

"Oh tama na awat na" sabi ko ulit sa kanya at yakap ko kay Rewd.

Naramdaman ko namang niyakap niya ako pabalik. At narinig ko ang kanyang pag bungtong hininga.

Naawa tuloy ako sa sinapit ni Asul, naalala ko na naman yung mukha niyang basag dahil sa mga suntok ni Rewd. At ang mukha niyang dismayado sa mga nangyayare. Kahit naman may galit ako sa kanya dahil sa pang gugulo niya sa akin dapat hindi pa din na dadaan sa dahas ang mga bagay bagay.

Ang hirap din umawat kapag ganto tulad sa akin na nag papanic sa mga nang yayare at napakaliit ko pang babae.

"Just don't think of it, baby. I know you" bulong sa akin ni Rewd na mahinahon.

Sabay dampot nung bouquet at abot sa akin.  "Nasira pa tuloy to, pag pasensyahan mo na" sabi niya ulit sa akin.

Tinanggap ko naman to. "Okay lang, thank you for this. Uwi na tayo?" Pag aya ko sa kanya.

Dahil doon inakbayan na niya ako at nag lakad na kami papunta loob ng shop para kunin ang gamit ko at para tuloy tuloy na din kaming makauwi.

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon