Chapter Thirty Nine

15 2 0
                                    

TOMORROW WITH YOU
CHAPTER THIRTY NINE
THIRD PERSON'S POV

Sa pag usbong ng bagong umaga, isang hindi magandang balita ang agad nakuha ni Rie.

Pag dilat niya na pansin niya na may mali sa katabi niya ngayon na si Rewd. Nag umpisa na siyang lumuha itinapat niya ang tenga niya banda sa may dibdib nito.

At inilayo ang sarili niya rito, na pahawak siya sa kanyang bibig at kumirot ang dibdib. Umiiyak siya ngunit walang lumalabas na boses mula sa bibig niya. Inabot niya ito at niyakap niya ng mahigpit sabay sigaw ng malakas ang pangalan ni Rewd.

"Gumising ka na, hindi maganda biro to na gagalit na ako! Rewd! Ano ba!" pilit niyang gising sa kanyang kasintahan.

Hindi siya makapaniwala at umiiyak siya na parang bata. Tama nga ang kanyang nakukutuban nag papaalam na sa kanya ang lalaking kanyang pinakaminamahal.

Dahil sa ingay ni Rie, na rinig naman ito ni Asul sa kabilang kwarto at na patakbo sa kwarto nila Rewd.

Mabilis niyang na buksan ang pintuan dahil na din sa spare key na dala dala ni Mr. John ang kaninang butler.

Nung binuksan ang pinto parang na bato si Asul sa gulat, dahil nakikita niya ngayon si Rie na umiiyak ng sobra at ginigising ang kanyang kapatid.

Mabilis naman siya nakabalik sa realidad nung hinawakan siya ni Mr. John sa balik niya at tumakbo na papunta kay Rie sa kama.

"Wala na si Rewd, Asul" umiiyak na sabi ni Rie kay Asul.

Mabilis niyang kinuha ang braso ng kanyang kapatid at hinanap ang pulsuhan nito sabay nag katinginan sila ni Rie.

Niyakap niya si Rie para kumalma lamang siya dahil iyak siya ng iyak.

--

Mabilis lang ang pag kakaburol sa bangkay ni Rewd. Andoon ang mga malalapit nilang kaibigan at ang Kuya ni Rie na si Seiji.

Ngayon ay nag kukwento sila ng mga masasayang alaala nila kasama si Rewd.

"I remember when we're kids, Rewd always wants to plays my toys as his older brother I always gave what he wants. Cuz' his the least favorite, so I made him as my favorite well after all his my only brother." Emotional na sabi ni Asul.

Hindi din mag tigil sa kakaiyak ang matalik na kaibigan ni Rewd na si Arci. Hindi nito matanggap nawala na ang kanyang lalaking iniibig rin. Hindi nag salita o nag bahagi si Arci ng moments niya kasama si Rewd.

Lumapit naman sa kanya si Rie at niyakap siya nito.

Nung pag kakataon na ni Rie mag salita nag buntong hininga muna siya.

"Naalala ko nun sabi ko hindi ako mag mamahal ng gaya niya. Kasi sobrang init ng ulo niya na parang laging may buwanan dalaw" dahil sa sinabi niya natawa naman ang mga tao na ngayon na kikinig sa kanya.

"Pero nung nalaman ko bakit ganon na lang galit niya. Reasonable naman kasi ramdam niya na mag isa lang siya, hindi ko siya minahal dahil na aawa ako sa kanya. Minahal ko siya kung sino man siya naramdaman ko din ang pag mamahal na mula sa kanya. Nag karoon man kami ng matinding away pero bumalik pa rin ako. Dahil nga mahal ko siya, at ayun ang pinakamatapang na desisyon na ginagwa ko sa buong buhay ko. Sabi niya pa sa akin don't settle for less pero para sa sa akin exempted siya sa mga salita na yun." Dagdag ni Rie

END OF THIRD PERSON'S POV

--

RIE'S POV

Gulat na gulat pa din ako sa pangyayare, kahit na iniexpect ko tong araw na to masakit pa din.

Ayoko sana mag paalam sa kanya pero ngayon na rerealize ko na wala na talaga siya dahil unti unti na siya ibinababa sa lupa.

Niyakap ako ni Kuya Seiji, dahil hindi mag umapaw ang mga luha ko. Ang sakit na ng dibdib ko at mga mata ko.

Nag dadasal ako na sana isa na lamang itong masamang panaginip at gusto ko ng magising.

Alam ko kung asan man siya ngayon masaya na siya at hindi na siya na hihirapan. Masaya din ako dahil ako ang huling babaeng minahal niya.

Nung natapos ang libing, lumapiy sa akin ang parents ni Rewd sa akin.

"Iha, thank you very much for fulfilling our son's life. You made him such a wonderful person. I'm sorry for everything i did bad to you. I'm really sorry" sincere na pag hihingi ng tawad sa akin ng mommy ni Rewd at niyakap ako nito.

Kumawala ako sa yakap nito at hinawakan ang kanyang mga kamay. "Hindi niyo po kailangan mag pasalamat sa akin. Ginagawa ko lang naman po yun dahil kay Rewd kasi mahal na mahal ko po siya. At matagal ko na po kayong na patawad" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Hindi nga nag kamali si Rewd ng pinili. Nanalo talaga ang anak ko sa akin" nakangiting sabi nito.

"Cuz' she's a blessing mom!" sabi ni Asul na papalapit na sa amin.

"I know anak, by the way mauna na kami. See you later okay?" paalam niya sa amin.

"Rie, if you need me andito lang ako don't hesistate to call me. One call away lang naman ako" sabi niya sa akin.

"Oo naman, thank you sa lahat" sagot ko sa kanya.

"Thank you sayo" nakangiti niyang sabi sa akin.

--

Nakauwi na din naman kami, kay Kuya Seiji muna ako mag sstay. Hanggang sa maging okay na lahat mabilis naman akong umakyat sa kwarto ko at habang papalapit ako sa desk ko na pansin ko yung papel sa ibabaw neto.

Naalala ko na may binigay pala sa aking papel si Rewd nun. Kaya dinampot ko ito at umupo na sa kama habang binubuksan ito.

"Tulad para sa iniibig" basa ko sa unang pangungusap na sinulat niya. Ito ang title ng kanyang tula.

"Halakhak aking naririnig sa tuwing tayo'y mag kasama.

Tamis ng sandali sa tuwing ika'y nandyan sa aking tabi,
puso ko'y para sayo lamang at wala nang iba.

Mahal tandaan mo lagi na mahal na mahal kita.

Yakapin mo ko pag tayo'y nag kita muli"

Basa ko sa ginawa niyang tula para sa akin. Tumulo na naman ang mga luha ko at pinunasan ito ulit.

Hindi na ako iiyak, ayaw ni Rewd na umiiyak ko. Hindi naman siya nawala nag lakbay lang siya ng sobrang layo.

Mahal na mahal din kita Rewd, yayakapin kita kapag nag kita na tayo sa takdang oras.

At nakaramdam ako ng malamig na hangin sa paligid sabay nag tayuan ang aking mga balahibo na parang naramdaman kong yumakap ito sa akin.

Alam ko din na lagi mo kong babantayan Rewd, kaya hindi ako matatakot at tatatagan ko ang loob ko. Magiging malakas ako at hindi papakain sa lungkot dahil gusto mo para sa akin na ituloy ko ang buhay ko kahit wala ka na.

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon