Chapter Twenty Two

11 1 0
                                    


TOMORROW WITH YOU

CHAPTER TWENTY TWO

RIE'S POV


"Asul?" banggit ko ng pangalan niya.

"Kamusta, Rie" bati niya sa akin.

Sa mga puntong ito ang lakas ng kabog ng dibdib ko, dalawang taon na ng nakakalipas noong huli ko siyang nakita.

Ganon pa din ang mukha niya at ang kanyang mga ngiting bumighag sa akin noon. Pero kapag na alala ko yung mga panahon na bigla siyang nawala. Andirito pa din yung galit at inis sa puso ko. Kahit pala gaano na katagal andito pa din yung lamat na ginawa niya sa akin.

Pero need ko mag hold back dahil hindi naman naging kami at masaya na ako piling ni Rewd.

Ngumiti lang ako sa kanya "Ayos naman" maikling sagot ko sa kanya.

Umupo naman siya sa tapat ko hindi namin binali ang tinginan namin sa bawat isa. Bigla niyang hinawakan ang aking kamay kaya na patingin ako dito.

"Rie, I know I've said it before but I'm really sorry" dahil sa sinabi niyang yun na patingin ako sa mga mata niya. Mata niya na may dalang lungkot.

"Asul, You don't have to kasi matagal na kitang na patawad"  sabi ko sa kanya.

"Thank you, Rie. So friends?" at lahad niya ng kamay niya sa akin.

Napatingin pa ako sa kamay niya pero hinawakan ko pa din ito. Napapaisip ako kung alam niya bang boyfriend ko ang kapatid niya.

"So, how's Rewd? I've never heard from him. After mom said he left home"  tanong sa akin ni Asul.

"He's doing great! Malaki ng pinagbago niya sa Rewd dati"  masayang sabi ko kay Asul.

"Well good to know that, After all my lil' bro is a grown up man. Sabagay merong gabay galing sayo, Rie. I'm wondering if I'm the one who is with you. I was bless also" at tawa niya ng bahagya. "Don't get me wrong, its just ifs" dagdag niya.

"Wag ka mag alala hindi ko din naman binigyan ng kahulugan,"  mabilis kong sagot sa kanya. 

"Nga pala asan ang kapatid ko?" tanong niya ulit saakin

"May urgent call kasi galing sa work niya so pumasok siya at hindi na makakasunod" mabilis kong tugon sa kanya.

"Asul! Long time no see!" bati sa kanya ni Cheesey at beso nila.

Lumapit naman yung mga iba kong kaibigan sa kanya para mag bigay ng greetings at kay Kuya Seiji.

Nakahinga naman ako nung maluwag nung nakalayo siya sa akin, siguro naramdaman din ng mga kaibigan ko na hindi din ako comfortable sa pag uusap namin.

--

Pag uwi ko ng apartment, mabilis akong pumunta ng fridge para uminom ng cold water habang umiinom ako na pansin  ko bumukas ang pinto. Sign na dumating na din si Rewd, mabilis naman siyang lumapit sa akin nung nakita niya ako sa kusina.

Mabilis siyang yumakap mula sa aking likuran naramdaman ko ang mga braso niyang nakapulupot sa aking bewang sa mga puntong ito ramdam na ramdam ko ang temperatura ng kanyang katawan sabay ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Unti unti ko ng binaba ang aking iniinom at inabot ang kanyang ulo sabay hinaplos ang kanyang buhok.

"Sorry, Baby. About earlier." malambing niyang sabi.

"Its okay. I brought you some food from the shop, para matikman mo naman yung menu namin" sa pag kakasabi ko nun naramdaman ko ang pag bitaw niya sa akin pero na natili pa ding naka patong ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Wow! Ang sarap!" rinig kong sabi niya with excitement sabay tumayo na siyang maayos at tumabi sa aking gilid na excited buksan yung mga pagkain.

Nakita ko ding kumuha siya ng isang pirasong fries sabay kinagat ito. "Thank you, baby" lapit niya sa akin at smack sa aking lips. Sinuklian k naman siya ng ngiti mula sa aking labi.

Habang pinagmamasdan ko siya nag pop sa utak ko yung sinabi sa akin kanina ni Asul.

"Sabagay merong gabay galing sayo, Rie. I'm wondering if I'm the one who is with you. I was bless also."

Sa pag babalik ni Asul hindi ko alam kung anong mangyayare, sana hindi siya maging dahilan ng pag aaway namin ni Rewd. Dahil simula naging kami wala kaming na pag talunan o na pag awayan man lang. Sa sabihin ko bang nakabalik na ang Kuya niya? 

"Baby, Okay ka lang ba?" dahil sa bahagya niyang pag hawak sa aking braso na pabalik ako sa realidad.

Nakita ko naman ang kanyang mukha na nag aalala, nginitian ko nalang siya.

"Yes, I'm okay baby" nakangiting sagot ko sa kanya.

"Ang lalim na naman kasi ng iniisip mo may problema ba sa shop?" nag aalalang sagot niya.

"Wala okay naman lahat. Tara kainin na natin yang dala ko" pag-aya ko sa kanya 

"Basta kapag may problema mag sabi ka sa akin so i can help you. huh?" sabay hawak niya sa aking mag kabilang pisngi at hinalikan ako sa aking noo.

"I love you" sabi ko sa kanya.

"I love you more" at yakap niya sa akin muli.

--

Pag kalabas ko ng banyo habang kinukusot ang aking buhok, nakita ko naman siya na nakaupo na sa kanyang swirl chair sa tapat ng kanyang laptop.

At umupo na ako sa may dulong kama bigla niyang inusog ang kanyang swirl chair at tumapat sa akin ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa hita ko sabay tinitigan ako sa aking mga mata.

"Why? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya habang nakangiti "I'm just appreciating how beautiful you are, Rie"

Dahil doon sa sinabi niya nakaramdam ako ng init sa mag kabilang pisngi ko.

"Ikaw talaga kahit kailan bolero ka" at mahinang kuripot ko sa ilong niya na may kasama kong bahagyang pag tawa.

"I'm not. Ang ganda kaya ng girlfriend ko and I was lucky" dagdag niya ulit.

"May kasalanan ka ba?" biro ko sa kanya.

"Wala nag lalambing lang ako. I just missed you" sabay yakap niya ulit sa akin sa may bewang at pressed niya ng ulo sa aking tyan kaya niyakap ko naman siya pabalik.

Maya maya't ay bumitaw na din siya sa kanyang pag kakayakap "Let's go out on the weekend? Date tayo" pag aanyaya niya.

"Sure!" pag sang ayon ko sa kanya na may kasamang ngiti.

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon