Chapter Thirty Four

10 1 0
                                    

TOMORROW WITH YOU
CHAPTER THIRTY FOUR
RIE'S POV

Nasa loob kami ng albulansya, magkahawak lang kami ng kamay habang nakahiga na siya sa stretcher at chinecheck mga vitals niya.

Patuloy pa yung kirot na nararamdaman niya "baby laban lang andito ako" sabi ko sa kanya.

Nakatingin naman siya sa akin habang nakasuot sakanya yung oxygen mask dahil may shortness of breath na siya, may napansin naman akong luhang tumulo sa mata niya.

Jusko, wag muna lord hindi pa kami nakakapag-bonding. Kahit makasama ko lang siya isang buong araw kayo na ho ang bahala sa mga susunod.

Mabilis kami nakarating sa ospital at ang bilis din siya tinakbo sa ER. Kaso di na ako pinapasok banda doon dahil bawal na ako mag antay nalang daw muna ako dito.

Napahawak naman ako sa noo ko at unti unti umupo sa may waiting area. "Sana okay lang si Rewd" bulong ko sa sarili ko.

"Rie!" rinig kong tawag sa pangalan ko kaya na palingon ako sa parating nag mamadali siyang pumunta sa akin. "Kamusta si Rewd?" Nag aalalang tanong niya.

"Hindi pa lumalabas ang doctor Arci" sagot ko sakanya.

Nakita ko naman siyang nag buntong hininga. "Alam ko magagalit si Rewd pero sinabi ko na sa parents niya yung nangyare. But wala silang response, i dont get the point? He's sick then na titiis nila anak nila" naiiyak na sabi Arci.

Kaya niyakap ko siya para tumahan alam ko kasi sobra ang pag aalala niya dito at kahit din naman ako ganon.

Maya maya ay lumabas na yung doctor sa ER, "Kayo ho ba ang pamilya ng pasyente?" Tanong sa amin.

"Opo, kamusta naman po si Rewd?" Mabilis kong tanong sa doctor.

"For now, he's okay but I'm afraid that the patient wouldnt last long" sabi nito.

"Hanggang kailan?" nanginginig kong tanong

"Maybe 3 months or worst less than a month" sa sinabi ng doctor pakiramdam ko tuloy para na naman ako na babalian ng isang paa.

At alam kong natulo yung luha ko naririnig ko na ding humahagulgol na si Arci habang pinapatahan siya ni Pat.

"Wala na ho bang pwede gawin?" tanong ko ulit.

"Sobrang labo na, stage 5 na ang cancer at kumalat na. Hindi niya naagapan ang sakit niya kahit dialysis 5% chance na lang" lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa mga malalaman ko.

"Transplant?" nag babakasali ako sa ito pwede pa.

"If ever na mag peperform tayo ng transplant or surgery. May chances na hindi siya makakasurvive dahil may ilang organs na din ang na apektuhan ng cancer. I'm so sorry pero all we can do now is to pray. Maiwan ko muna kayo, excuse me" explain ng doctor at umalis na.

Nang lambot na naman tuhod ko doon, tulala ako at lumulutang utak ko hindi ako makapaniwala sa mga nangyayare. Parang ang bilis naman. Napahilamos ako sa mukha ko at napaupo ng umiiyak, na tutuliro ako hindi ko alam gagawin ko.

"Rie!" rinig kong may tumawag sa akin habang lumalapit.

Napayakap ako sa kanya at doon tumulo na ang mga luha ko ng dirediretso "Kuya! Bakit ganon" ngawa ko kay Kuya Seiji na parang bata.

"Shhh..tahan na mag dasal ka para sa guidance ni Rewd" tahan sa akin ni Kuya.

--

Pumasok na kami sa assigned room ni Rewd, nakikita ko siya ngayong nakapikit unti unti ako lumapit sa kanya at hiwakan ang kanyang kamay na pansin ko din ang pag dilat ng mga mata niya.

"Wag kang umiyak" mahina niyang sabi habang nakangiti sa akin.

Sobrang putla niya na at lubog na din ang mga mata. Tumungo ako sakanya at hinalikan ang kamay niya.

"Rie, uwi na tayo ayoko dito parang lalo ako mag kakasakit kapag mag stay pa ako dito" request niya sa akin.

"Oo, uuwi na tayo" sabi ko sakanya na lumuluha.

"Shhh, sabi ko sayo don't cry baby ko" saway niya sa akin at inabot ang aking pisngi upang punasan ang mga luha ko.

"Opo hindi na" pigil ko sa sarili kong lumuha.

"I promise to myself before that i wouldn't make you sad or cry. Kaso everytime na kasama mo ko umiiyak ka. Remember the first time I made you cry?" Tanong niya sa akin.

"Sa cr yun then i collapsed nung gumising ako pumunta ka ng clinic nag sorry ka." Kwento ko sa kanya.

"Thank you for remembering everything," pasalamat niya sa akin.

"Lahat fresh na fresh sa utak ko na parang kahapon lang nangyare. Yung sa gala night umamin ka na mahal mo ko, ramen dates, movies lahat andito nakatatak sa puso't isapan ko" pilit kong ngiting sabi sakanya.

"I would make you cry once again, Im sorry Rie. I love you, I really do" sabi niya na naluluha na din.

"Kaya natin to, wag ka muna mag habilin sa akin. Matagal pa tayo mag sasama mag papakasal pa tayo and have kids" pag papalakas ko ng look niya.

"All tomorrows with you" sabi niya sa akin na may ngiti sa labi.

Kaya niyakap ko siya sabay hinalikan sa labi. "Hindi ko aasahan na mag mamahal pala ako ng ganto" bulong ko sakanya.

"Thank you for giving me a chance to feel love and to be loved" sa lahat ng sinasabi ni Rewd na tatakot ako na baka bukas wala na siya.

Wag naman sana, pumasok naman na sila Arci ng room.

"Arci" tawag ni Rewd sa kanyang bestfriend.

Kaya unti unting lumapit si Arci sakanya.

"Im really sorry, if i always hurt and broke your heart" pag hingi niya ng tawad.

"Don't be sorry, I choose you to love you from far away. You'll be always here Rewd." nakangiting sabi sa kanya ni Arci habang nakaturo sa kaliwang dibdib kung saan nakalagay ang puso.

"Free yourself from loving me, Arci. Get a guy that can pay off all your love and efforts. Wag mo sayangin sa akin, ayoko na makita ka mag isa balang araw" sabi ulit ni Rewd.

"I'll decide what im going to do, I wont stop loving you" matigas na sabi ni Arci.

Natawa naman si Rewd bigla "Stubborn ka pa din, hindi ka nag bago" ani nito.

At nag tawanan naman sila pareho, niyakap ni Arci si Rewd nakita ko din naman na niyakap din naman niya ito pabalik.

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon