Chapter Thirty Two

15 1 0
                                    

TOMORROW WITH YOU
CHAPTER THIRTY TWO
RIE'S POV

5 MONTHS PASSED..

"Gumising ka na dyan, Rie. Oy!" Rinig kong gising niya sa akin.

"Hmm, ano ba?" Sabi ko habang nakapikit pa ako alam ko naman tinapik ko din naman siya.

"May pasok ka pa diba?" Rinig ko ulit na sabi niya.

"Sakit ulo ko, hinahangover ata ako" reklamo ko sa kanya.

"Malamang! Nakarami ka na naman ng inom kagabi." tinaasan niya ba ako ng boses?

"Marami ba yun parang hindi naman" tanong ko sa kanya at dumilat na.

Pag dilat ako dahil nagulat ako sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya na itulak ko siya.

"Oh? Anong problema mo? Btw, I made you breakfast" takang tanong niya sa akin.

"Aish! Wala, kumain na lang tayo" pag aya ko sa kanya.

"Tapos na ako ikaw na lang" sabi niya sa akin na nakangiti.

Kaya bumangon na ako sa kama at lumabas na ng kwarto. Pag punta ko sa dinning nakaready na kakainin ko.

Dahil lumipat ako sa mas maliit na studio type kaya onti lang ang space dito. Habang kumakain na ako sa dinning tinitignan ko lang siya na nag lilinis sa may sala dahil doon ako nag kalat kagabi.

Napabuntong hininga naman ako at nag umpisa ng kumain. Habang nag sisilid siya ng mga bote sa plastic may pumasok sa isip ko.

"Kailan ka ba mag sasawa saakin?" Natanong ko sa kanya bigla kaya napalingon siya sa akin.

At umiling "Ewan ko?" sabi niya at kibit balikat niya sabay bumalik na ulit sa pag lilinis niya.

Sa limang buwan ang nakakalipas si Asul naging sandalan. Siya lang kasi nakatiyaga sa akin dahil sila Dolly na bubusy na sa store. Lumipat ako ng apartment dahil kapag doon ako nag stay hindi ako makamove on dahil puro memories namin ni Rewd ang nakikita ko.

Ilang iyak, reklamo, ngawa ang narinig ni Asul sa akin pero never siyang nag reklamo sa akin kahit alam kong rinding rindi na siya kakarinig sa pangalan ni Rewd.

Hindi ako umiinom dati pero naging bestfriend ko ang alak. Kapag umiinom ako ng alak pakiramdam ko na babawasan ang sakit. Madalang na din pag pasok ko sa store at na iintindihan naman nila.

"Pinuno ko na ulit fridge mo, wala ka ng proproblemahin" sabi sa akin ni Asul habang nag momop ng sahig.

"Hindi mo naman need gawin yun" nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Nag grocery ako kahapon kaya sinabay na kita" nakangiting sabi niya.

"Magkano na gastos mo babayaran ko" mabilis na sabi ko sa kanya.

"Wag na, bayad ko na yan nung nga panahon na ako naman ang nawawala" sabi niya ulit na nakangiti.

Lumapit naman siya sa akin at hinaplos ang buhok ko kaya tinanggal ko ito. Nag katinginan kami sa mga mata at unti unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin nung bigla nag ring ang phone ko.

Kaya napabalikwas ako at napasagot agad sa call. Muntikan na ako doon ah, napalunok ako bago ako mag sabi ng hello.

"Hello! Rie, its Arci we need to talk i need your help" sabi niya sa kabilang linya.

"About?" takang tanong ko sa kanya.

"About Rewd" dahil sa sinabi niyang yung lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Oh sige, text mo ko kung saan and i'll be there. Now na ba?.. okay" sabi ko sakanya at baba ng phone.

Nag mamadali akong tumayo sa kinakaupuan ko ning hinila ako ni Asul sa may braso ko.

"Saan ka pupunta?" nag tatakang tanong niya.

"Makikipag-kita kay Arci about daw kay Rewd" kaya mabilis akong tumakbo sa cr.

--

Dumating ako sa coffee shop na sinabi ni Arci. Mabilis ko naman siya nakita dahil nasa may bungad lang naman siya. Lumapit ako agad sa kanya at umupo na ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"You're here, you want to order something? Bago tayo mag talk?" tanong niya sa akin.

"Okay lang ako, gusto ko lang malaman about kay Rewd" sagot ko sa kanya.

"About Rewd, he's sick Rie" dahil sa sinabi niyang to naluha siya bigla nakinataka ko naman.

"Paano nangyare yun? Hindi ko maintindihan?" tanong ko ulit sa kanya.

"Well, he knows that we was sick. Its almost 3 months ago. Hindi niya sinabi sayo kasi ayaw niya mag alala ka, ayaw niya din maging pabigat at mas lalong ayaw niya na umiyak ka at masaktan ka na mawawala siya one day at hindi na babalik. In fact, ayaw niya nga talaga malaman mo until he's gone" kwento niya sa akin.

Kaya na pag tatagpi-tagpi ko na yung storya kaya siguro bigla niya akong iniwan. Pero bakit ganon naman ang naisip niya. Kaya ko naman siya alagaan hanggang sa dulo at magiging masaya ako doon.

"I just said it to you, Cuz i want Rewd to spend his remaining days with you. I know he'll be happy with you. Ikaw lang naman happiness nun. Sa 5 months na nag stay siya sa akin, ikaw lang ang kwento niya ikaw lang ang bukang bibig niya. And I enjoyed his amazing stories with you. At first sabi ko sa sarili ko it was a blessing from above kasi na dinig na ang mga dasal ko na maging okay na kami at pwede maging kami. Kaso I realized that I'll be his bestfriend no matter what happens and that's importante. Kaya kahit ayaw niya na makita mo siyang ganon, hindi ko kayang manahimik. You deserve to see him" hinawakan niya ang mga kamay ko. "I loved him so much and I know his in the right person" kwento niya sa akin habang lumuluha.

Yung mga luha ko tuloy tuloy pa din ang pag luha. Tama si Arci need ako ni Rewd ngayon.

"Thank you, Arci napakabait mong kaibigan" tanging na sabi ko sa kanya.

"Don't be thankful for that Rie. Cuz' its my choice to love him silently even though he didn't notice me. I still going to love him. He was the man that I couldnt have and Rewd will always remains inside my heart." sabi niya ulit na nangingiyak.

Tomorrow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon