Chapter XXXIII

65 21 0
                                    

ⓐⓓⓨⓣⓤⓜ'ⓢ
Point of view™

Pababa na ko ng hagdan ng makarinig ng dalawang boses na animo nagtatalo. Nagisnan ko ang Ate at si Ayria malapit sa puno ng hagdan. Nagsisigawan.

"You bitch." Huli kong dinig na sigaw ni Ayria.

"Hey! Hey!" Sikmat ko.

Sabay silang napalingon sa akin.

"How dare you call my sister a bitch huh?" Tanong ko pa sa kanya matapos kong ganap ng makababa ng hagdan.

'Bitch pala ha. Ayusin mo lang yang sagot mo kundi makikilala mo talaga si Lucipher.' Pigil ang gigil na naisaloob ko.

"Baket hindi ba? Siya yung asawa ng pulitiko dba? Anong ginawa niya pagkatapos niyang pera-han yung tao? Pinakulong niya. Tapos ngayon ikaw naman. Dahil wala ng pantustos yung ate mo sa'yo. You're using Kellin now para maginhawaan ka." Dire-diretsang anas nito. Namumula ang tenga na tumango-tango siya.

"Aba't. Sumusobra ka na ah. Sino ka ba?" Galit na pahayag ng ate ko.

I stop her.

"Ate. Ako ng bahala sa kanya. Calm down. You can go upstairs and calm your nerve. This one's very easy for me to handle. Now, go." Ayaw ko talagang nakikitang nadedehado ang ate ko. For pete's sake, she's still on the recovery process.

"Oh? Baket? Don't you want your stupid sister to hear the truth?" Anito.

"Sino ba nagpalabas sayo sa guest room?" Bale-walang tanong ko.

"I have ways, cheap Adytum." Sigaw niya.

Bahagya akong tumawa.

"You're calling me cheap?" I asked her.

"Yes." Matapang nitong sagot.

"And then you call my sister bitch, slut and a gold digger?" Tanong ko ulit sa kanya. I look directly into her eyes.

Itinaas niya pang lalo ang noo niya. "Yes. That is true."

"Oh?" I laugh hard.

"What's funny?" Naiinis nitong tanong.

"Eto." Anas ko then eventually landed my fist into her face.

"Ahhhhhhh-ouch." Umiiyak nitong react.

"Kung cheap ako. Ano pa kaya 'tong ginagawa mo? Don't dare call my sister anything that would make yourself happy because if you'll do that again. I'm pretty sure. You'll burried your face in a pit of mud." Nanggigil kong pahayag.

"I should've done this to an immature obsess woman but you force me to do so." Inis ko pang dugtong. Winasiwas ko ang kamao ko sa harap niya.

"And yeah. Antigas pala talaga ng mukha mo. Sumakit yung kamay ko." Saka tumalikod na ko. Ayoko na siyang makaharap baka di ako makapagpigil. Tuluyan kong mabasag ang mukha niya.

"Umalis ka na hangga't kaya ko pang pigilin ang sarili kong wag kang gulpihin. Nangangati pa namang manuntok ulit 'to ng babaeng mukha at hugis higad." Dugtong ko pa bago tuluyang pumasok sa kusina.

Naabutan kong naroon si Manang Celia. Isa sa labandera nila Kellin.

"Sino yung babaeng nagwawala sa labas ma'am?" Tanong nito.

"Pabayaan ninyo na po manang. Gutom lang yun." Nakangiti kong tugon sa kanya. Tawa naman ang iginanti niya sa'ken.

Nakarinig ako ng yabag na papalapit kung saan ako naroon.

"You'll pay for this." Si Ayria pala yun.

"Ididemanda kita." Banta pa nito.

Hinarap ko siya. Nagulat pa ko ng makitang naroon si Kellin. Nanlalaki ang mata habang nakatingin sa dumudugong nguso ni Ayria.

"What happen here?" Ani Kellin saka pumunta sa tabi niya.

"This slut punch me." Ani Ayria. Note the maarte tone.

"Slut. Gusto mo  ng isa pa?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"See Kellin. Brutal 'tong ipinalit mo sa'ken." Paawa effect na sumbong nito.

"Tss." I'm totally pissed off. I really hate seeing and hearing woman with legal age baby talking. What the fvck!

"I think this is enough. You've wasted so much of my time. I have to prepare. I have something more important to do than punching a leech woman." Nakangiti kong pahayag saka umalis na. Sa kwarto ang tumbok ko.

"Wait for me Ady." Narinig kong habol ni Kellin. Bumalik ako sa kusina. An idea flashes in my mind. Napangiti ako.

Stay around or else -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon