ⓐⓓⓨⓣⓤⓜ's
♕ Point of view ♛Naalimpungatan ako nang makarinig ng tunog ng sinarang seradura. Dahan-dahan akong nag-mulat ng mata saka sinipat ang paligid. May dalawang babeng naglilinis. Hindi ko alam ang pangalan nila pero madalas ko silang nakikita.
"Excuse me." Tawag-pansin ko sa kanila na noo'y abala sa pagba-vacuum ng carpet at pagpupunas ng center table.
"Ayy! Kabayong bakla!" Gulat na napa-igtad ang isa. Mas matanda iyon kesa sa isa na tumatawa dahil sa expression nang huli.
Natawa den ako. Hindi ko alam na kwela pala ang ilan sa mga tao dito. Bukod pa doon hindi ilag sa'ken ang dalawang kaharap ko ngayon hindi tulad ng ibang mga kasambahay nila Kellin.
"Sorry. Hindi ko po sinasadyang gulatin kayo." I sincerely apologized.
"Naku! Ineng este Ma'am. Okay lang ho. Saket ko na talaga 'to." Anang babae.
"Ano nga ho pala ang pangalan ninyong dalawa? And yes. You can call me ineng po." Tanong ko. Tuluyan na kong naupo. Saka masiglang bumangon at hinarap sila.
"Ako po si Laida ma'am." Sabe nung bata-bata pa. Sa tantiya ko'y mas kasing-tanda lang siya ni ate. Sadya lang mababakas na hirap siya sa buhay dahil sa luma niyang damit. Maganda siya. Hindi lang masyadong nag-a-ayos.
"Adytum na lang po. How young are you?" Tanong ko sa kanya.
"27 na ako ma'am." Tugon niya. "Ayy! Adytum pala." Bawi niya.
Natawa ako sa kanya.
"Hwag sana kayong mailang sa'ken. Talk to me like a friend. Sister. Mother..." Binuntutan ko iyon ng tawa. "...Maganda ka Laida. I'm sure madaming nanliligaw sa'yo." Dugtong ko.
Pinamulahan siya ng pisngi and it makes her more adorable to look at.
"Ako ho si Karen. Pwede ninyo ho akong tawaging Nanay o Inay. Kung gusto ninyo lang naman po." Turan nito.
Napabuntong-hininga ako. Naisip ko nanaman si Amity. Gusto ko man siyang patawarin pero ayaw pa ng sistema ko. Hindi pa ko handang makipag-yakap-an, makipag-kamayan o makipag-beso-beso sa kanya. Ayoko namang pilitin ang sarili ko. Pero pa'no si Ate? The heck. May saket siya. Ngayon pa ba ko magmamatigas?
"Inay. That sounds good." Half-smiling kong saad.
Papatawarin ko na ba siya? Hindi naman kase ganoon kadali yun lalo na kapag naiisip ko yung mga panahong nahihirapan ako. Pwede ko naman silang pagsamahin ni ate e. Sila lang. Hindi ako kasali. Tama. That's the right thing to do.
"Pinasabe pala ni Sir Kellin. Nauna na daw siya sa mansyon, adytum." Si Laida.
"Ang ganda ng pangalan mo. Kunsabagay, kahit naman siguro ako ang nanay mo. Bibigyan talaga kita ng pangalang babagay sa'yo. Unique." Ani Laida.
Ngumiti lang. I found myself speechless and thinkin' deep. Kung sana lang pinanindigan ni Amity ang pagiging nanay niya. E di sana masaya kame ngayon.
'What do you expect to a self-centered woman like her?' Sigaw ng utak ko.
Maya-maya pa'y nagpaalam na ko sa kanila. Lumabas na ko sa lugar na iyon saka tinungo ang daan patungo sa mansyon. Libang na libang kong sinipat ang iba't ibang hugis na bush sa magka-bilang panig ng dadaanan. Gawa sa tinambak na makikinis na bato naman ang sahig na siyang nilalakaran ko. Tanaw mula rito ang Lanai na napapalibutan ng iba't ibang uri at kulay na bulaklak. Kung hindi ako nag-e-emote ngayon. Paigurado magpi-feeling si Eba ako. Tekaㅡ
Asan na ba si Adan? E-este si Kellin.
Naulinigan ko ang boses niya.
"Anyway, can we go inside first?" Narinig kong sabe ni Kellin.
BINABASA MO ANG
Stay around or else -
Teen FictionWhat if a total rockstar/rocker meet a loyal K-pop fan? Will the music that sorround them ignite? Will the music finds their way to love? Or The destiny will take under control after some revelations? Will they become lovers? Or Will they hate ea...