Chapter XXXV

71 19 3
                                    

ⓐⓓⓨⓣⓤⓜ's
▶Point of view◁

Tinitigan ko ang babaeng unti-unting lumilitaw sa bawat pag-akyat niya. Bakit parang kinakabahan ako? Hindi ko gaanong makita ang mukha niya. Nasisinagan kase ng liwanag mula sa ilaw. Nang ganap na siyang maka-akyat ay agad siyang tumabe sa ninong ni Kellin na hindi ko alam ang pangalan. Ninong na lang daw e.

May kamukha siya? Bumilis lalo ang tahip ng dibdib ko. Baket parang may mali? Bakit parang kilala ko siya? Hindi ko lang talaga matandaan kung paano, saan at kelan.

Nagsalita siya agad para pigilin ang sasabihin ni ninong. Halata sa mukha niya ang pagba-blush. Maganda siya. Pero parang nakilala ko na siya dati.

"Enough dear. Hi. I'm Amㅡㅡ." Narinig kong untag niya ngunit hindi iyon natapos dahil tinitigan niya ko. Titig na may halong takot? Bakit? Hindi naman ako multo?

'Amity? Amity?' Tinakasan ng kulay ang mukha ko. Pakiramdam ko biglang nagka-apoy sa paligid ko. Bigla kaseng uminit. Init na umabot hanggang sa kadulu-duluhang cells ng utak ko.

'What the~' Naisip ko.

"You're amity?" Na naibulalas ko.

Kita sa mukha niya ang pamumutla sa kabila ng pintura niya sa mukha. Maganda pa den siya. Kunsabagay pinangalagaan niya yun. Kaya nga binenta niya kame kapalit ng karangyaan at kagandahan niya.

"Magka-kilala kayo?" Si ninong. Nasa mukha nito ang pagtataka. Gayon den sila Kellin at Ate Kahlia.

"Kilalang-kilala." Tugon ko saka tinitigan ang babae mula ulo hanggang paa. Isang mapait na ngiti ang isinalubong ko sa hiyang-hiya niyang mukha.

"You've never change. You're still beautiful." I hissed. Note the sarcastic tone.

"How did you two meet?" Naguguluhang tanong ni Ninong. Bumaling siya kay Amity upang kumuha ng sagot.

Hindi pa den iyon makahuma. Peke akong tumawa na nagpatingin sa kanila.

"Matagal na po iyon ninong. Hindi ko na nga den po matandaan." Tugon ko.

Pina-serve na ni ninong ang pagkaen. Nanginginig kong itinaas ang kamay ko para humawak ng kubyertos.

"Are you okay?" Halos pabulong na tanong ni Kellin.

Hinanap ko ang kamay niya saka mahigpit iyong hinawakan. Para kong kandila. Unti-unting nauupos sa harap ng apoy na dahilan ng galet ko.

"Excuse me. I think I have to go to washroom." Tumayo agad ako. Binawi ko ang kamay ko kay Kellin na noo'y nag-a-alalang tumingin saken.

"Saglit lang ako." Sabe ko pa. Saka umalis na.

Isang maid ang nagpatiuna para i-guide ako papunta sa washroom.

Matagal kong tinitigan ang sarili ko sa salamin. Sinusukat kung kaya ko pang pigilan ang sarili ko. Ipinikit ko ng mariin ang mata ko. Hindi dapat ako magpadala sa galit na nararamdaman ko. Eto ang magpapatalo sa'ken.

Napa-igtad ako ng bumukas ang pinto. Sinipat ko iyon gamet ang salamin sa harap ko. Dinukot ko ang press powder sa white pouch na nakasabit sa wrist ko. Mag-lalagay na sana ako ng konti sa mukha ko nang biglang magsalita ang babaeng kakapasok lamang.

"Adytum?" Tawag niya sa pangalan ko and it gives me chill.

"Don't call me by my name. We're not close friends." I face her with my poker-face feature.

Nakita kong kumislap ang sulok ng mata niya. Tanda ba iyon na iiyak siya?

"I'm sㅡsorry." Untag nito. Tinalikuran ko siya. I tap my face with powder.

Stay around or else -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon