ⓚⓔⓛⓛⓘⓝ's
♚ Point of view ♔ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ
Week later..."Hi Ma. Where's Ady?" Tanong ko kay Mama Amity na noo'y nagtatanim ng kung anu-ano sa gilid ng bahay nila.
Lumipat na sila Ady at Ate Asy sa bahay ni Mama matapos maka-recover si Ate Asy sa operation. Ilang araw na rin lang at graduation na namin.
"Kellin?" Masayang bati nito. Lalapitan ko sana siya para humalik sa piangi niya pero lumayo siya.
"Amoy-pawis ako. Kanina pa ko nagtatanim dito." Natatawa niyang saad.
"It's okay, Ma. Maganda ka pa den." Nakangiti kong tugon.
"Kaya pala napasagot mo 'tong si Ady ko e." Natatawang pahayag nito.
"Anyway, she at the kitchen. Tinutulungan niya si Manang Coring magprepare for lunch." Anito.
"...puntahan mo na lang." Dagdag pa nito.
"Okay ma. Ingat kayo dyan. Baka mabitbit kayo sa sobra ninyong ganda."
"Ikaw talaga."
Umakyat na ko. Malaki rin ang bahay ni Mama. Pagpasok mo ng gate. Aapak ka sa bermuda grass na nagkalat sa paligid. May tatlong man-made na hagdan. Sa unang baitang, may di kalakihang space para daanan ng tao pa-akyat. Makikinis na bato ang nagsisilbing sahig niyon. Sa magkabilang gilid niyon ay may maliliit na halamang namumulaklak. I'm not familiar with flowers pero maliliit iyon at iba't iba ang kulay. Sa pangalawang baitang, may daanan ulit. Nagkalat ulit ang makikinis na bato. Sa magkabilang gilid niyon ay may iba't ibang kulay na rose. Hindi gaya sa unang baitang na pinuno ng bulaklak ang espasyo. Dito sa pangalawa. Kasya ang isa o tatlo katao sa gilid ng mga bulaklak. Doon nagta-tanim si Mama. Sa pangatlong baitang, sa gawing kaliwa naroon ang man-made falls. Sa kabila naman ay mga upuang gawa sa malalapad at makikintab na kahoy. May hagdan pa ulit doon. Tatlong baitang na ang sahig ay naglalakihang graphite.
Pagpasok sa bahay. Sa kaliwang bahagi ang sala. Didiretsuhin lang iyon para tumagos sa kusina. Madadaanan muna ang dining area bago tuluyang marating ang kitchen area. Palibhasa maluwang iyon. Sa pinakasulok malapit sa pinto palabas naroon ang may kalikahang spiral na hagdan. Sa taas niyon ay apat na kwarto. Tanging mga kasam-bahay lamang ang natutulog doon. Sa kanang bahagi naman ay naroon ang naglalakihang bintana na tanaw ang garden. Sa gitna ng dalawang malaking bintana. Naroon ang piano. Sa gilid ng naglalakihang bintana. May glass door. Naroon ang swimming pool. Makikita rin doon ang may kalakihang hagdan pa-akyat kung saan naroon ang pitong kwarto. Dalawang guest room. Mini-theater. Studio at ang Mini-bar.
"Kanina ka pa?" A smile automatically plastered on my lips.
Si Ady. May suot pang apron.
"Bagay sa'yo yung ganyan." Biro ko.
"Ang ano?" Maang na tanong nito. Kasalukuyan itong nagsasandok ng afritada sa malalim, di kalakihan at babasaging bowl.
"Magmukhang nanay." Tugon ko sabay ngisi.
Inirapan niya ko saka tumalikod. Nag-hugas siya ng kamay para tanggalin ang ibang sauce na kumapit sa kamay niya.
"Parang may bago sa'yo ngayon." Sinipat ko ang kabuuan niya.
Humarap siya sa'kin saka ako inirapan.
"Hey! Hey!"
Sabay-sabay kaming napalingon.
Si Ate Asylum. Inaalalayan ng physical therapist slash private nurse nito.
Sinugod ko siya ng yakap saka hinagkan ang pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Stay around or else -
Novela JuvenilWhat if a total rockstar/rocker meet a loyal K-pop fan? Will the music that sorround them ignite? Will the music finds their way to love? Or The destiny will take under control after some revelations? Will they become lovers? Or Will they hate ea...