Chapter IV

370 54 56
                                    


||| Kellin's POV |||

Damang dama ko ang bawat lyrics ng kanta. Ito naman kaseng kanta na 'to. Nakaka-LSS talaga. Mapapasayaw ka talaga sa beat kahit pa sabihing di ka marunong sumayaw.


Someone call the doctor nal butjapgo malhaejwo
Sarangeun gyeolguk jungdok overdose
Sigani jinalsurok tongjedo himdeureojyeo~


Naramdaman kong umalog ang mesang kinapapatungan ng kalahati ng braso ko.


Unti-unti kong iminulat ang mata ko.


Napa-atras pa ko ng bahagya ng makita ang babaing itim. Akala ko tuloy dyablo.


Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. I'm sure 5'7 ang height niya. 5'11 ako eh. Nakalugay ang hanggang bewang nyang buhok. Nakukulayan ang ibabang bahagi nun ng bright red. Aakalain mo tuloy sa unang tingin na nasusunog iyon.
Nakasuot siya ng itim na t-shirt. A skull with a devil's horn. Nakasuot den siya nang itim na pantalon. Ang isa matino. Ang isa naman fashionable dahil sinadyang warakin iyon. Sa bewang nya makikita ang belt na sangka-tutak ang maliliit na manikang pangkulam. Half boots na maraming tusok-tusok ang suot nyon sa talampakan.


Huminto ang mata ko sa mukha niya. Galit ang mukha nyon pero mas lalong pinatapang ng suot suot nyang makapal na eyeliner sa mata. Halos magdikit ang kilay ko nang makita ang bumubuka niyang labi na napipinturahan ng itim.


'San ba nanggaling 'to?' Sa isip isip ko.


"Hoy lampa. Nakikinig ka ba?" Mga salitang nagpabalik saken na buhay pa pala ako at wala pa sa impyerno.

"Ano?" Maang kong tanong sa kanya. Mukha kaseng madami na siyang sinasabe. Dahil bakas ang hingal sa mukha niya.

"Hindi ka lang lampa. Tanga ka pa." Naiinis nitong sabe.

"Teka nga. Sino ka ba?" Naguguluhan kong tanong.


"Hindi mo ko kilala o nagtatanga-tanga-han ka lang?" Palatak niyon.

'Wew. Ano bang atraso ko dito?' Sa isip-isip ko.

Magsasalita pa sana ko nang kwelyuhan niya ko. Nagsisi tuloy ako at nagsuot pa ko ng polo.


"Gusto mo maalala kung sino ko? Sumama ka saken." Sabe ni Dyablo este nang babaeng 'to. Saka hila hila ang kwelyo ko't pakaladkad na itinayo.


Nagtataka naman ako sa sarili ko kung bakit hinahayaan ko ang babaing ina ni chucky na ganituhin ako. Nagpatianod ako. Di ko malaman kung bakit ayaw lumaban ng katawan ko sa pinag-gagawa nito.

Sa qudrangle kame napadpad. Inihinto niya ko sa lilim ng malaking puno. May puso pa den pala kahit papano. Hindi pa den niya binibitiwan ang kwelyo ko.

"Hindi ba tayo pwedeng mag-usap na hindi mo hawak ang kwelyo ko?" Tanong ko sa kanya. Nagbabaka-sakaling bitawan niya iyon. Kahit pwede ko naman iyong hugutin sa kanya.


'Hey men. What happen to you?' Tanong ko sa sarili ko.

Nakahinga ko ng maluwag ng bitawan niya ko pero nagulantang ako ng tumama ang kamao niya sa panga ko.
Hawak ang panga na napatulala ako sa kanya.

'Oh men. This is epic. Me? Gettin' hit by a girl i don't even know.' Muli'y sabe ko sa isip ko.


"Para sa cellphone ko."

Muli naramdaman ko nanamang namanhid ang isa kong panga.


"Yan para sa pagtakas mo."
Galit na galit na sabe ng boksingera.

'Cellphone? Pagtakas?' Tanong ko sa sarili ko.

'Ah. Natatandaan ko na. Siya yung babaing nabunggo ko nung isang linggo pa. Teka. Anong tumakas?' Sabe ko sa isip ko.


"At di ka pa talaga mag-sasalita ah." Inis na inis na sabe ulit nun.

Parang nag-slow motion ang kamao nun na babagsak nanaman sa mukha ko?

"Stop." Buong lakas na sigaw ko pero di man lang siya natinag. Nasangga ko ang kamao niya.

"May boses ka pala. Kala ko kase pipi ka."


"Paano naman kase makakapag-salita eh----"


"Baket? May reklamo ka? Ang lakas ng loob mo ah. Tinakasan mo na nga ko. Sasagutin mo pa ko ng ganyan."

"Ano ba kaseng tinakasan?" Sa wakas ay nasabe ko.

"Maang-maang-an? Tsk. Gusto mo ipalit ko yang bungo mo dito sa damit ko." Itinuro pa nyon ang bungong naka-design sa damit niya.


"Ikaw ba yung nakabunggo ko last week?" Tanong ko. Trying to know if my memory's right.


"Oo gago." Mabilis nitong sagot.


Di ko na lang pinansin ang ginawa niyang pag-mura saken.


"Nasira ko ang cellphone mo?" Inosenteng tanong ko pa.

"Ay! Hindi! Hindi! Siraulo ka ba? Kasasabi ko lang dba?" High blood na tugon niyon.

"Babayaran ko na lang. Ano bang cellphone mo? Gusto mo ba ganung unit ulit?" Sunod sunod kong tanong.

Nagulat ako ng muling maglanding ang kamao niya sa panga ko. Gulat ang reaksyon ko.

"Kung di ka lang babae kanina pa kita pinangahan." Naiinis ko nang sabe.


"E gago ka kase. Iniinsulto mo ba ko?" Galit pa den na tanong nito.


"Alam mo ang labo mo. Dyan ka na nga." Inis na inis ko siyang tinalikuran.

'Shit! I never experience getting punch from a girl. Just this one -- no -- thrice. Shit!' Sa isip-isip ko habang palayo.


Alam kong nakasunod siya pero thank God mahahaba ang biyas ko. Kaya alam kong di nya ko maabutan.

"I'll get even." Sigaw niya.

"I'll wait." Tugon ko. Hindi ko na siya nilingon.


Tiningnan ko ang relo ko. Sakto 10 minutes na lang. Klase ko na.

Stay around or else -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon