Chapter VI

295 48 33
                                    

||| Kellin's POV |||

Maalinsangan ng gabing iyon. Kaya kahit aircon pa yung kwarto ng boarding house ko.
Pinagpapawisan pa den ako. Idagdag pa yung sakit ng panga ko.


Kakaiba talaga ang babaing yun. Tibo. Tch.

Lumabas ako matapos kong kunin ang susi ng motor ko. Si Luke ang nakita kong nasa sala pa nang ganito kaalanganing oras. Ang alam ko nursing ang course nito. Hawak ang kape sa isang kamay at libro naman sa kabila.

"Dude. It's too late to study." Biro ko pa sa kanya.

Lima lang kami sa napakalaking boarding house na 'to na located den lang sa vicinity ng Kalayaan.

Elevated ang bahay. Kaya aakyat ka pa sa di naman ganung kahabang hagdan para matanaw ang di kalakihang bakanteng lote na natatamnan ng kakaunti ring halaman at nagsilbi naming parking lot. Since lahat kami may motor.

"Kailangan eh. We have a surprise quiz kase mamaya." Tugon niya.

"Uh-oh. Maiwan na kita. Good luck dude." Paalam ko.

Umakyat na ko sa hagdan saka tinungo ang motor ko. Di naman ganun karangya yun. Big bike ang para sa big guy na tulad ko. /wink/
Kulay itim ang kulay ng kabuuan nyon maliban sa pink nyong gulong.


I turn on the stereo.

Maeil maeil maeil neoreul chajaga geunyang dasi dorawa
Neol mannan geu huro ireoke neoreul juwireul dolgi sijakhae
Doraol sun eopgetji jeo sonjabireul dollimyeon Jeo gutge datyeoinneun mun neomeoe deun sesangi naneun gunggeumhae

{ Love Love Love by EXO }


Sinuot ko na ang helmet saka sinabayan ko pa ng pag-kanta.


Di ko aakalaing makikita ko yung babaing lukaret sa convenience store na madalas kong tambayan.

May kausap siyang babae. Weird den na tulad niya. Bakit hindi? Anlaki kaya ng summer hat na suot niya. May shades pang nakasabit sa collar niya.


Sa tantiya ko'y girlfriend niya ang babae. Bata pa iyon at maganda. Balingkinitan na maputi. Di ko lang masyadong maaninag ang mukha dahil medyo natatakpan iyon ng malaking sumbrero. Mahaba den ang kulay chesnut brown nun na buhok.


Natawa ko nang mag-yakap sila. At pinahid pa ng brutal ang luha ng babaeng weird.


'I smell something between the two. Mukhang tibo ata yun kaya anlakas manapak.' Sa loob-loob ko habang patuloy silang pinagmamasdan.

'Oh! Men. Since when did you care about the others?' Sabe pa ng kunsensya ko.

May point sya. Tuluyan na kong bumaba ng motor saka tinanggal ang helmet ko. Akma ko nang kukunin ang susi ng motor ko ng marinig kong nagtunugan ang wind chimes ng naturang store sign na may lumabas. Tiningnan ko kung sino iyon.


'Yung babaing weird...'

Nalipat ang tingin ko sa babaing nanapak saken sa school.


Nakatakip ng mga palad ang mukha niya. I keep on staring at her.

Napangiti ako. 'Mukhang may LQ.'

Isinuksok ko sa suot kong hoodie ang susi ng motor ko.


Bumili ako ng dalawang smoothie. Saka ko tinungo ang daan papunta sa kinauupuan niya.


Nasa ganoong posisyon pa den siya ng marating ko iyon.


"Oh! It'll make you feel better." abot ko sa kanya ng isang banana smoothie.


Bahagya niya kong nilingon. Ansama pa nga ng tingin.


Ngayon ko mas naappreciate ang mata niya. Since wala itong makapal at itim na eyeliner. Maganda pala.

'Try ko kayang ipasunog ang lahat ng itim na gamit nito. Bute pa sila Dara at Taeyeon e. May eyeliner man, makukulay naman ang damit.' Sa isip-isip ko.

"That wouldn't lessen what I feel. But since it's free and you offered it first. Why not? But don't expect me to say thanks or else -"

"Or else - what?" ulit ko sa huli niyang sinabe.


"I'll spill it to your annoying face." Kinuha niya iyon mula sa kamay ko saka yumuko at sumimsim.


'Kakaiba talaga tong babaeng 'to. Kung baliw lang ako baka naniwala na kong anumang oras magta-transform to eh.'
Naiiling kong nasa isip.


"Violent witch." Ganti ko sa kanya. Naupo ako sa bakanteng upuan na nasa tabi niya.


"White haired lampang tanga." Ganti niya.


"Aba't... makatanga kala mo matalino." Ganti ko den.


"Di mo alam?" She answered sarcastically.

"Woah~ here comes the supertyphoon."

Tumawa siya ng malakas na malakas. Tipong lahat ng tao sa loob ng convenience store nabulabog kaya na patingin samen.


"Nababaliw ka na talaga." Di makapaniwalang pahayag ko habang naka-yuko.


"Napaka-lampa mo na nga. Tanga pa. Mahiyain pa. Tch. Lahat siguro ng babae nati-turn-off sayo."


Tumawa ko. "Palibhasa kase taga-bundok ka. Alam mo kung paano kumontra ng tinatawag na Charm."


Marahas niyang iniharap ang mukha ko sa kanya.


"Di lang talaga kapansin-pansin yang itsura mo. Look at you! Pag may isang bulate pang tumira dyan sa katawan mo. Tigok ka agad."

"Tch! Kaya pala pag nagsasayaw kame. Halos magluwaan lungs ng mga babae kaka-tili." Pagyayabang ko pa.


Muli tumawa siya ng malakas.

"Tanga. Kala nila. Ipis ka."

Binatukan ko siya.


"Gago ka ah." Nakita kong tumaas ang kaliwang kilay niya.

"Nakalimutan mo na bang may atraso ka pa saken? Di porke binigyan mo ko nito. Feeling close ka na agad. Abangan mo banat ko sayo brad!" Tumayo na siya hawak pa den ang smoothie.


Sinundan ko siya ng tingin. Lalabas na siya. Akmang aalis na siya ng muli siyang lumingon.

"Agahan mo bukas. I have a surprise for you." Nakangiti siya.


Hindi rin pala napipinturahan ng itim na lipstick ang labi niya.

Di naman pala maitim.
Pero bakit pinipili niyang itago iyon gamit ng itim nyang lipstick? Trending ba? Bakit di ko alam?

Stay around or else -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon