Chapter XXXIX

45 13 0
                                    

ⓐⓓⓨⓣⓤⓜ's
♛ Point of view ♕

Tulala akong nakatingin sa kawalan. Hindi ko akalaing hindi kame sa OJT didiretso. Akala ko pa naman normal na ulet ang buhay ko.

Sumasakit ang ulong napayuko ako. We're heading to the hospital.

"Bullshit." Inis na sigaw ko. Gulat na napatingin sa'ken si Kellin at ang Driver. Sa pagkakaalam ko arthur ang pangalan nun.

Wala nanaman akong magawa para kalabanin ang tadhana. Baket ba sunod-sunod na problema nanaman ang trip niyang ibato sa'ken? Hindi ba siya napapagod? Kase ako. 'Tang ina. Pagod na pagod na.

Patakbo kong bumaba sa kotse papunta sa reception ng naturang hospital.

"Miss room number ni Asylum Agustin?" Tanong ko sa mga Nurse na noo'y maiingay pag nagkukwentuhan imbes intindihin ang mga taong kala mo bubuyog na nakapalibot sa reception.

"Hindi ka papansinin niyan. Kanina pa kame nandito." Inis na sabe noong babae sa tabe ko.

Mabilis ang tahip ng dibdib ko. Pakiramdam ko anumang oras lalabas na ang puso ko dahil sa matinding kabog niyon. Narinig kong humahangos na nagtanong si Kellin kung baket andameng taong naroon.

"Miss?" Tawag ko. Pero hindi nila marahil narinig dahil sa malalakas nilang pag-tawa.

Nahagip ng mata ko ang babasaging vase na nasa gilid lang malapit sa kinaroroonan ko.

Malakas kong ibinato yun sa harap nila. Nagtalsikan ang ilang piraso niyon dahilan para matigilan sila. Saka napatingin sa'ken.

"Kanina pa ang ilan sa'men dito pero wala kayong pake. E ba't nag-nurse pa kayo kung magchi-chismisan lang naman pala kayo? Sana pala hindi na kayo nag-aral. Tumambay na lang kayo sa labas ng bahay ninyo. Akina yung room number ni Asylum Agustin. Tang ina naman. Naghihingalo na yung tao kayo nagdadaldalan lang dyan. Magsipag-resign kayo hindi yang pati ospital. Ginagawa ninyong tambayan. Ayan ah! Tinagalog ko na. Para maintindihan ninyo." Nanginginig kong pahayag. Si Kellin nama'y panay ang pigil

Tiningnan ko ng masama yung isang nurse. Mas malapit siya sa kinaroroonan ko. May taas siyang 5 feet 3 inches. Slim and fair. May kulay ang buhok nito na bagaman nakapuyod ay brown na brown. Mabilog ang mata niya gayundin ang hugis ng mukha niya. May katamtamang tangos ang ilong at may manipis na labi.

"Ano tutunganga ka na lang?" Mataray kong tanong.

Taranta siyang kumilos.

"Nasa ICU 012 po siya. 8th floor." Tugon niya.

Naiinis pa den ako kaya hindi na ko nagpasalamat. Bastos na kung bastos pero kailangan ko talagang makita si Ate habang kaya pa niya.

Naiiyak na nagpahila na lang ako kay Kellin papuntang Elevator. Nang makarating kame roon ay nanghihina akong napaupo.

"Hindi kinakaya ng katawan ng ate mo ang operasyon. We need to transfer her in the U.S. Doon mas mapapadali ang operation niya because of advance technology. So, if you wanted to see her. Pumunta ka dito sa Haven Hospital."

Animo putok ng baril na umalingawngaw ang huling salitang binitiwan ni Ninong matapos niyang ibaba ang tawag na iyon sa cellphone ni Kellin.

'I will do everything for you ate. Even if it means that I'll be with Amity. Just keep on fighting.' Nanghihina kong naisaloob.

Suko na ko. Ako na nanaman ang talo.

Inalalayan ako ni Kellin na tumayo matapos naming marinig ang tunog ng Elevator tanda na naroon na kame sa floor kung saan makikita ang ICU 012.

Stay around or else -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon