Chapter V

378 52 52
                                    

• Ady's POV •


"P*tang ina talaga nung lalaking yun ah. Naisahan nanaman ako. Humanda ka talaga saken." Galit na galit kong sambit.

Nakauwe na ko sa barong-barong ko pero di pa den nawawala ang badtrip ko. Ni hindi na kase nagpakita ng kahit anino man lang yung lalaking yun.
Nasobrahan naman kase ng laki yung School na yun. Ang hirap tuloy mag-hanap ng di normal na tao.


Naghihimutok pa den ako ng maupo sa kutson ko. Eto lang naman ang maaring upuan bukod sa kakarampot n sahig na hindi nasakop ng kutson sa maliit na kwartong ito.
Sa gilid ko may maliit na table na may dalawang drawer. Study area and at the same time hapag ko iyon. Sa loob ng dalawang maliit na drawer naman nakalagay ang isang pirasong pinggan, mangkok, baso, kutsara't tinidor, kutsilyo, toothpaste, tooth brush, at mouth wash ko. Sa ilalim naman nakalagay ang sabon pan-ligo, shampoo, deodorant, conditioner, eyeliner, lipstick, foundation, at ipit sa buhok. Sa gilid ng maliit na mesa nakasabit ang gitara ko. Sa ilalim ng gitara ko. Naroon ang karton. Doon ko inayos ang mga damit ko. Ilang dipa lang ang layo mula sa karton may pinto. Yun ang maliit na banyo. Sa harap naman ng pinto nang banyo ay ang pinto palabas. Sa halagang anim na raan. Di na ko lugi. Mas malaki kase ang mapupunta sa pag-aaral ko. Kaya malaking tulong talaga.

Kinapa ko ang cellphone kong sira sa ilalim ng kutson. Kinuha ko iyon saka tinitigan.

"Hindi pwedeng ganun ganun nalang yun. Di kase niya alam kung gaano ka kahalaga saken."

Ibinalik ko iyon sa ilalim ng kutson ko saka tumayo. Nagbihis lang ng pam-bahay matapos mag-linis ng katawan saka lumabas para mag-muni-muni.

Sa convenience store ko napiling tumambay. Kaharap ang cup noodles na sotanghon ay tahimik kong pinagmasdan ang paligid sa labas ng glass wall na iyon.


Madami pa deng tao ang paroo't parito. May iba pa ngang nagmamadali. Yung iba naman. Parang tulad ko den lang ang ginagawa. Tinatanggal ang stress dulot ng mga bagay na nangyari sa buong mag-hapon.


Di sinasadyang napalingon ako sa likod ko. May pamilyar na bulto akong namataan pero bigla den nagtago. Nag-arko-han ang dalawa kong kilay saka tumayo. Di ko pa nauubos ang cup noodles ko pero iniwan ko na iyon. Sa kabilang side ako dumaan para di niya mahalatang nawala ako sa pwesto ko.

Gugulatin ko sana ang taong iyon pero kabaliktaran ang nangyare. Ako ang nagulat ng makita ko ang babaing may malaking summer hat at naka-shades sa kailaliman ng gabi. Unang tingin pa lang. Alam kong siya 'to.


"Anong ginagawa ninyo dito?" Gulat kong tanong sa taong nasa harap ko na noo'y nakatalikod pa den at nabalisa sa pagkawala ko sa kinauupuan ko.


Saglit siyang nabato sa kinatatayuan niya. Ni hindi agad iyon naka-huma sa pagka-bigla. May sampung minuto ata sya sa ganung posisyon bago tuluyang humarap saken.

"Nami-miss lang kita." Tugon nito nang sa wakas ay humarap na. She held both my hands. She even hugged me.


"Paano pag nahuli ka niya?" Napalitan ng pag-aalala ang pagka-gulat ko.

"No. He don't even know I leave the house." Tugon nito. Hinila niya ko sa lugar na kanina lang ay sinisilip niya ko.

Hawak pa den niya nang mahigpit ang kamay ko hanggang sa maupo kame.
Muli niyakap niya ko.

"Tama na yan! Baka may makakita saten." Saway ko. Pero ang totoo. Nami-miss ko na den siya.

"Wala na kong pakialam. Who are they to judge?" Sabe pa niya.

"Baka makarating pa 'to sa kanya. Mahirap na." Sabe ko.


Nagsisimula na siyang humikbi.


"Stop it! Dba sabe ko ayokong makikita kang umiiyak?" Ginawa kong galit ang tinig ko pero kabaliktaran nyon ang nararamdaman ko.

I want to hug her. Comfort her. Kiss her. Make her smile. Make her forget what we've been through. Show how much I love her. But I know I have the price to pay if someone caught us.

"Go home. I'll be alright. Don't stress yourself from worrying too much." Ani ko.

Pilit kong pinipigilan ang luha kong nagwawala na sa mata ko para lumabas.
I don't want her to see me crying. I know it makes her weak.

"Just promise me. You'll take care of yourself huh?" Umiiyak na iyon.

"Ofcourse I will. Aagawin pa kita sa kanya." I smiled at her bitterly. But I know that smile is her only assurance.

"Promise?" Pinunasan ko ng daliri ko ang luha niyang nag-uunahan sa pag-tulo matapos kong bawiin ang kamay ko. Ngunit kinulong nyang muli iyon sa mga kamay niya.

"Yes. Promise." Sabe ko.


Itinayo ko na siya gamit ang lakas ng dalawa kong kamay.


"Now go." Utos ko. Ramdam kong ayaw pa niyang umalis. Ayaw pa den niyang bitiwan ang mga kamay ko.

"Go. Or else-" i hang my words.

"What?" Tanong nito pero hindi mababanaag sa tono nito ang pagtatanong. Parang simpleng sentence lang.


"Everything will be ruin." Tugon ko.

Kumalas siya. She caressed my cheeks.

"Gagawa pa den ako ng paraan." Muli nanaman tumulo ang luha niya.


I wipe it off again using my hands.


"Stop crying. It won't lessen the pain." That's how I define tears.

"Go."

Hinalikan niya ko sa pisngi bago tuluyang umalis.


My knees started to feel weak. Naupo ako. I cover my face using my palm and close my eyes to stop my tears.

Stay around or else -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon