•Adytum's POV•Nakakamangha talaga ang Kalayaan University. Mula sa modernong buildings hanggang sa pagkakatagpi-tagpi ng mga halamang nagkalat sa paligid. Di maitatangging Filipino ang nag-desenyo.
Ibinaling ko ang tingin ko sa langit. Pinipilit hulaan kung anong oras na. Hindi naman kase ako mahilig sa wrist watch. Nasira naman ng hayop na yun yung cellphone ko isang linggo na ang nakakaraan.
Pagkuwa'y hinanap ng mata ko ang Admin Bldg. Di naman ako inabot nang ilang minuto dahil pagtingin ko pa lang sa kaliwang bahagi ng malawak na quadrangle ay naroon na ang hinahanap ko.
"Miss san ko pwede kunin ang schedule ko?" Tanong ko sa babaing kanina pa nakatanga sa harap ko. Nakaupo siya kaharap ng isang computer at walang humpay na tinititigan ang kabuuan ko.
"Miss?" pukaw ko sa kanya. Maganda sana ang dalaga. Batang bata tingnan sa suot nitong grey tank top na pinatungan ng black blazer. Nakalugay ang hanggang --- basta mahaba ang buhok niya. May magaganda at bilugan den siyang mata. Matangos na ilong at tila malambot ang manipis nitong labi.
Napataas ang kaliwang kilay ko.
"Don't you know that it's rude?" Naiinis kong tanong.Tila naman natauhan iyon.
"I'm sorry. I'm Ayria Pantaleon. One of the Admins here and it's my pl------""Stop introducing yourself. I'm not interested. Ibigay mo na lang saken ang schedule ko." Walang gatol kong putol sa sasabihin niya.
Nakita kong tumaas ang kilay niya atsaka umismid habang panay ang tipa ng keyboard.
Inilibot ko na lang ang tingin ko sa paligid. Malawak iyon at punong-puno ng mga painting.
"So, you're one of the scholar?" Napatingin ako sa kanya sa tanong na iyon.
"Yes. I am." Mabilis kong tugon.
"Good for you. You'll know how to respect later." Anito na muling ikinataas ng kilay ko.
Tumawa ko. "Did you study here?"
Taas noo pa siyang sumagot. "Yes. Why'd you care?"
"How come you don't know that words?" Taas pa din ang kilay na tanong ko sa kanya. Niyuko ko pa ang ulo ko para maging ka-pantay ng mukha niya.
"How dare you?" Mahina ngunit mariin nyang pahayag. Nanlalaki na den ang mata niya kasabay ng paglaki ng butas ng kanyang ilong.
Inayos ko ang tayo ko. Nginitian ko siya. "Bago ka kase magsalita sa iba. Face yourself in the mirror. Tanungin mo kung perpekto ka na ba. Baka sakaling sumagot. Now, hand me my schedule or else-" sinadya kong bitinin ang sasabihin ko. Para naman mag-isip siya.
"Or else what? Are you threatening me Ms. Agustin?" Anito. Tuluyan na iyong napatayo sa gigil. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga bagong dating na estudyante.
"Threatening?" Dinugtungan ko iyon ng tawa. "Or else palang sinasabe ko nate-threaten ka na? What the f*ck is wrong with your rotten brain?"
"Anong sinabi mo?" Inis na inis na iyon. Her face turn red.
"Ang alin? Yung threaten? O yung rotten brain?" I even emphasize the last two words.
"Get out." Anito. Dinuro pa nito ang naka-bukas na pinto. Narinig ko ang malakas na anasan ng mga estudyante sa loob.
Tinawanan ko ulit siya. "Not until I get my schedule."
Prente kong naupo sa upuang nasa harap niya. Nilaro laro pa ng daliri ko ang necklace kong gitara.
"Here." Tinapon nyon ang papel na naglalaman ng schedule ko.
Tumayo ako. 'Nakakabwisit na 'tong letseng to ah!' sa isip-isip ko. But I acted opposite. Dinampot ko iyon saka ngumiti sa kanya.
"See you at the school director's office." Pahayag ko saka tuluyang lumabas.
"Bitch." Sigaw niya.
"You, too. Bye." tugon ko saka kumaway.
Matapos kong lisanin ang lugar na iyon ay muli kong iginala ang paningin ko. Alam kong di ako maliligaw gaano man kalaki ang
Kalayaan dahil may nakasulat sa bawat building na naroon. Sa library ako dinala ng mga paa ko.Malayo layo ren iyon mula sa Admin Bldg na pinanggalingan ko. Kaya ramdam ko ang namumuong mga pawis sa noo ko. Kinuha ko ang black handkerchief ko atsaka pinunasan iyon. Ayokong iyon ang maging dahilan nang pag-kalat ng eyeliner ko.
Mabilis naman akong naka-pasok sa library gamit ang I.D ko. Sa lawak nyon at sa dami ng librong naroon. Ma-e-engganyo ang kahit sino na magbasa. Kahit nga ako gusto ko na ditong tumira.
Hinanap ko agad ang music section. Tatlong pagitan nalang ng hanay ng libro ang layo nun mula sa dulo. Buti nalang at fully air-condition iyon. Dahil kung hindi marahil pati singit ko nanlilimahid na sa pawis.
I'm beginning to dislike KalUni. They making me sweat to death.
Paupo na sana ko nang mapansin kong tila may sira-ulong kakanta kanta ng di ko maintindihang salita.
Someone call the doctor nal butjapgo malhaejwo
Sarangeun gyeolguk jungdok overdose
Sigani jinalsurok tongjedo himdeureojyeo~Pamilyar ang lyrics nun.
'San ko nga ba narinig yun?' sa isip-isip ko.
Pumikit ako saka hinalukay ang memorya ko.
'Someone call the doctor
May nababaliw na po.
Turukan nyo na at siya'y na-overdose...
Overdose...
Overdose...''Pucha. Siya yun.' Hinanap ko ang boses na yun.
Namataan kong nasa likod lang pala iyon ng huling hanay ng mga libro. Puti na magulo ang buhok. Payatot na mukang lampa. Parang baseball bat sa kapayatan ang paa. Nag-fitted jeans pa. Siya nga.
Nakapikit pa ang tarantado. Pinaglalaruan ng daliri ang bawat pahina ng librong naka-patong sa desk. At talagang kinalimutan na niya ang pangmomolestya niya sa cellphone ko.
Nilapitan ko siya. Saka kinalampag ng malakas ang desk. Sa lawak ng Library na 'to. Malamang walang makakarinig sa ginawa ko.
-----------
Just imagine that Kalayaan University is Seoul National University.
Ang gondoooo kase. :)
See on multimedia ---->
BINABASA MO ANG
Stay around or else -
Teen FictionWhat if a total rockstar/rocker meet a loyal K-pop fan? Will the music that sorround them ignite? Will the music finds their way to love? Or The destiny will take under control after some revelations? Will they become lovers? Or Will they hate ea...