Chapter XIV

264 45 18
                                    

||| Kellin's POV  |||

Nasa kotse na kami ng walang anu-ano'y napalingon akosa gawi niya. Tahimik lang siyang nakatanaw sa bintana ng kotse. Tila ba may malalim na iniisip. We're heading to her apartment. Dadaan daw muna kami dun para makapag-palit siya ng uniform at makuha ang gamit niya.

Bahagya pa kong napa-igtad ng gumalaw siya sa pagkaka-upo at pilit na sinisilip ang loob ng mansyon kung saan ko siya nakita kahapon.

"Sino bang pinuntahan mo dyan kahapon?" Usisa ko. Tinatantiya ko kung sasagutin niya ko ng maayos.

"Pakelam mo ba? Di porke't tinulungan mo ko. Magtatanong ka na nang ganyan." Mataray na sagot nito.

'Tapang talaga ng babaing 'to. Pinag-lihi ba 'to sa tigre?' sa loob-loob ko.

Pero dahil curious ako. Susubukan ko ulit na mag-tanong.

"Hindi naman siguro diyan nakatira ang daddy mo dba? Kase kung bahay ninyo yun. Di mo na kailangan umiyak sa labas nang gate para lang makapasok." Mahabang litanya ko.

Nilingon niya ko pero mabilis den niyang binawi iyon. Pinili niyang muling humarap sa bintana.

'Sobrang pangit ko ba? Bakit di man lang nito maatim na tumingin saken? Ayos 'to ah.' Muli, sa loob-loob ko. Mahirap nang i-voice out. Baka masapak. Sayang ang porma ko kung may black-eye ako. Brutal pa naman 'tong nanay ni Chucky. Tuwang-tuwa kapag nakakasakit.

"Curiousity kills cat right? At curious ka?" Tanong niya. 

"Uhm ----" Tumikhim ako. "...Let's put it this way. Who would not? Kahit sinong makakita sa'yo kahapon. Magtataka talaga." dugtong ko.

"Ikaw yung cat." Sabe niya.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong.

"Papatayin kita. No -- ipapapatay kita. Ayoko palang madungisan ng dugo ng isang lampa ang palad ko. Baka mahawa ako." Tugon niya.

"When will I talk to you seriously? Baliw ka na talaga. No wonder, palagi ka na lang umiiyak." Pahayag ko kasabay ng sunod-sunod na pagbiling ng mukha ko.

Kinuha ko ang I-pod/pad at earphone ko. Ayokong tuluyang masira ang araw ko sa kasupladahan ng babaing ito.When I'm about to hit the play button. I hear her voice.

"Hindi samin ang bahay na yun.That's my sister and her husband's house" Aniya.

Tinanggal ko ang earphone na isnuksok ko sa magkabila kong tenga kanina.

Stay around or else -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon