• Adytum's POV •
Nakayakap pa den ako sa kanya. At isa iyon sa dahilan kung bakit feeling ko lumuwag ang pakiramdam ko. May silbi den pala 'to. Pero -------
'Linshak yan. Ang drama ko.' Naisaloob ko.
Ako na ang nag-kusang bumitiw mula sa yakapan naming iyon. Nakahuma na ko. At di ko alam kung alin ang dahilan kung bakit hirap ako sa pag-hinga. 1) Dahil sa sipon o 2) Dahil sa yakap niya.
'Ano baaaaaa? Naloloka ka na? Ano bang nangyayare sa'yo at parang biglang naging iba tingin mo sa kanya? Siya pa den iyan. Ang dakilang Ubaning lampa. Kakapikon ka na ah!' Naiinis kong sermon sa sarili ko.
"Ayoko na lang pumasok." Bigla kong nasabe matapos kong kumalas mula sa yakap niya. Naramdaman ko pa ang pagka-ilang niya sa sitwasyon naming iyon.
"Akala ko ba terror professor mo?" Anito.
Inirapan ko siya. "Sa palagay mo makakapasok akong ganito itsura? Mag-isip ka nga." Pinipilit kong labanan ang kakaiba at kakatwang pakiramdam na bigla na lang nakilala ng sarili ko.
"Bipolar ka talaga." Natatawang pahayag nun.
"Sa'yo pa talaga nanggaling yan ah!" Ganti ko. Pinipilit ko pa deng wag siyang tawanan, Ibinalik ko ang tingin ko sa bintana ng kotse. Para di na matukso ang mata ko na titigan siya.
"Kuya. Diretso tayo sa pag-punta sa apartment ng loka-lokang babaing katabi ko." Sabe niya pa.
I hide the smile he made through his silly word. Hindi ko na lang ginantihan ang pang-aasar niya. Para walang sumbatan. Sinipunan at iniyakan ko kase ang balikat niya.
Trenta minutos lang ang itinagal nang biyahe papunta sa apartment ko. Nang marating namin iyon ay agad kong ginantihan si Kellin.
'At kelan mo pa natutunang kilalanin ang first name niya?' sa isip isip ko pa.
Pinauwe ko ang driver ng Daddy niya. Wala naman akong reklamong narinig mula sa kanya na talaga namang ikinagulat ko. Sa mga araw ata simula nang makilala ko siya e subok na ang pagiging reklamador niya.
Dinala ko siya sa convenience store na madalas kong tambayan.
"Ano namang gagawen naten dito?" Narinig kong tanong niya.
Ipinagsawalang bahala ko iyon. Nagtuloy-tuloy ako sa pag-pasok sa loob at naupo ako sa isa sa mga stool na naroon. Tiningnan ko siya. Umupo den naman ang loko.
"Ano ba kaseng gagawen naten dito? Sana sa mall na lang tayo nag-punta." Reklamo niya nanaman.
"Baka sisinghot ng rugby." Pamimilosopo ko.
"Wag ka mandamay." Aniya saka tumayo na.
"Teka! Teka! San ka pupunta?" Tanong ko. Mabilis na kumilos ang kamay ko para pigilan siya.
'Why do I feel bothered? I'm used to be a loner.' Nagtataka kong naisaloob. 'Ano ba kaseng meron ngayon Adytum? Bakit bigla bigla parang gusto mo siyang maka-sama? Ganoon ka nalang ba kabilis mag-titiwala sa kanya?' Dugtong pa ng kunsensya ko.
Huli na ng marealize kong hawak ko pala ang kamay niya. Parang napapasong binitawan ko iyon saka yumuko.
"I just need companion right now. But if you really wanted to go. You may go now." Pahayag ko.
BINABASA MO ANG
Stay around or else -
Teen FictionWhat if a total rockstar/rocker meet a loyal K-pop fan? Will the music that sorround them ignite? Will the music finds their way to love? Or The destiny will take under control after some revelations? Will they become lovers? Or Will they hate ea...