• Adytum's POV •
Gustong gusto ko talaga ang pakiramdam na narito sa stage at nagpe-perform. May tao mang nanunuod o wala. Di na mahalaga. Pakiramdam ko kase lumuluwag ang pakiramdam ko. Lahat ata kase ng kanta may kaugnayan sa buhay ng tao. Lalong-lalo na sa buhay ko. Yung di ko na kailangang isigaw ang nararamdaman ko dahil madadama na ng taong nakikinig yung gusto mong sabihin o yung kasalukuyang nararamdaman ko. Tulad ngayon. Nasa gilid ng stage na 'to ang taong nagsilbing problem absorber ko. Bakit naman kase sa dami-dami ng taong pwedeng makakita saken sa kasagsagan ng pag-i-emo ko eh 'tong taong 'to pa yung tyinempo? Yung tao pa na pinapakitaan ko ng "pekeng'katapangan na madalas kong ipakita na di ko naman talaga alam kung san ko nakukuha.
Akala ko pa naman. Quits na kame ng linshak na destiny-ng yan. Eh mukhang ako nanaman ata ang balak pag-trip-an. Gaano ba ka-interesante para sa kanya ang buhay ko? Kase naman saglit lang siyang nanahimik eh. Ayan at ako nanaman ang target. Daig pa si Flash kung rumesbak.
**
I know that hope weighs on your mind, lost within the seams,
it seems like we lose ourselves in between.
But the harder things become, the harder you push away.
Oh baby, yeah baby, it kills me.**
Pakiramdam ko hindi ko na kailangang lakipan ng effort ang nababagay na timbre ng boses ko sa lyrics ng bawat kantang ito. Para kaseng nag-rambol-rambol ang nararamdaman ko pero nakapagtatakang di ako naguguluhan. Alam na alam ko kung anong pakiramdam ang lumulukob sa pagkatao ko ngayon. Tanging pagtatanong kung bakit ang nangingibabaw saken.
**
In time you'll find that we can sober up,
clean up any dirt so we can open up.
These wounds have been open for forever now.
Come on, be strong.
Your mind has gotten the best of you.
You've done enough and you are enough.
Let's fall asleep tonight,
I'll hold you close and show you you're not broken.**
When the song ended. Nag-vow and thank you lang ako saka tumalikod na para hanapin ang may-ari nang gitarang hiniram ko. Which is the Bar owner. Di ko na kase kinuha ang sa akin dahil nagmamadali daw. Kami na kase ang next na sasabak. Ngunit nilibot ko na ang backstage pero di ko siya mahagilap.
"Where's your boss?" Tanong ko sa cashier doon.
Itinuro niya ang kinaroroonan nina Diohna, Ark, Vince at ni Lampa. Ibinaling kong muli ang paningin ko sa Cashier kasabay ng pagkindat. Malandi n\siyang ngumiti.
'Harot ah! Di man lang nailang. Naka-dress kaya ko.' Iiling iling kong naisaloob habang naglalakad papunta sa grupo.
"Thanks boss." Pahayag ko agad nang marating iyon kasabay ng pagsalampak sa bakanteng upuan sa gitna nina Lampa at Diohna.
BINABASA MO ANG
Stay around or else -
Teen FictionWhat if a total rockstar/rocker meet a loyal K-pop fan? Will the music that sorround them ignite? Will the music finds their way to love? Or The destiny will take under control after some revelations? Will they become lovers? Or Will they hate ea...