Chapter XI

221 45 13
                                    

Adytum's POV

Napabalikwas ako nang maramdaman ko ang init na tumatama sa mukha ko. Sa pagkakatanda ko kase walang bintana yung apartment ko. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Awtomatikong nag-arko-han ang kilay ko.


Wala ako sa apartment ko?


Well, obvious naman. Unang-una, maluwag ito. Pangalawa, magarbo. As in bonggang-bongga sabe ng mga bakla. Pangatlo, kaninong bahay 'to? Ayy, hindi.. Hindi. Eh nasaan ba ko?

Mabilis akong tumayo. Kakalkalin ko lang sa memorya ko ang nangyari kagabe.


'Imposible namang nasa loob ako ng bahay na yon?' Sa loob-loob ko pa.


Hahakbang na sana ko palabas ng kwarto nang maalala kong bigla ang lahat.

'Holy cow!!! I was at my worst again when he saw me?' Palatak ko.

Dalawang beses na niya kong nakitang naiyak. Dalawang beses pinatahan. Dalawang beses na niyang -


"Noooooooooo." Sigaw ko.

Narinig kong may humahangos na yabag ang papalapit sa kwartong kinaroroonan ko. Para bang tumigil ang mundo ko sa kabang nararamdaman ko.


'Adytum Agustin, what have you done?' Naisaloob ko.

Magtutulug-tulugan sana ko. Mabilis akong bumalik sa kama para humiga pero huli naaaaaaaa.
Huli sa akto. Mabilis akong tumayo muli saka hinarap siya.

Isang matabang babae na maliit ang iniluwa nyon. Her hair is tied in a bun. May salamin siyang ipinapatong lang sa ilong. Like those in a cartoon. Yung lente lang. She look like Aurora's fairy Godmother. Yung kulay blue. Her hair is naturally blonde, I presume. So does the color of her eyes. She's wearing a white polo shirt and a black skinny pants. Her footwear is Bakya?! -_-


"Good morning lady. I'm Madame Fe's assistant. I'm penelope and I'm here to help you prepare." She said wearing a British accent tone.

"Oh! Good morning too." Ganting bati ko sa kanya. Nag-aalangan pa ko. Mukhang babaha kase ng dugo.

"Young master is waiting for you."

Sinipat niya ang itsura ko na ginaya ko den naman.


"Oh! I forgot." She exclaimed. Nagmamadali pa iyong naglakad patungo sa isang pinto di kalayuan sa kinatatayuan ko. Habang ako nakapako na yata ang paa, isama mo na pati anino sabayan pa ng nanlalaking mata ng makita ko ang laman ng pintong iyon.

Isang napakalaking closet. Na aakalain mong library sa dami ng libro - No, no, no - sandamukal na hanggang kisame ang damit na naroon. Kailangan mo pang kumuha ng mataas deng hagdan para makakuha ng isa mula sa taas.

Isang black knee lenght dress na tube ang ibinigay niya saken.


"It seems that you adore black color my lady so this one would fit your taste." Anito.

I responce her with a smile and eventually ask her.


"May I also borrow an undies?" Bulong ko pa.

Tumawa siya. "It's underneath that dress my lady."

Kinuha ko iyon saka - teka. Eh aling pinto ang banyo?

I paused walking and turn my back on her.

"It's beside the door where I got your clothes my lady." Tugon niyon bago ko pa maibuka ang bibig ko.


Napakamot ako sa batok dulot ng hiyang nararamdaman ko.

HINDI maiwasang mag-arko-han ang kilay ko ng makita kong prenteng naka-upo sa harap ng mahaba at magarbong hapag si Lampa. Hanggang ngayon kase di ako makapaniwalang ganito siya ka-yaman este ang pamilyang kinabibilangan niya. Magulo ang kulay -


'Kelan pa nagpa-puti ng buhok 'tong ugok nato? Ngayon ko lang napansin.'
Kusang naggalawan muli ang kilay ko.

Ngumisi iyon.

'Ubaning lampa.' Sa loob-loob ko kasabay ng pag-irap at ismid sa kanya.


Habang palapit ako ng palapit ay unti-unting mas nagiging klaro sa paningin ko ang itsura niya. Teka nga! Ba't parang gumagwapo siya?

'Ah! Baka sa hairstyle. Tss. Isip mo Adytum.' Saway ko sa sarili.


(A/N: yung buhok ni Kai na parang na-overdose. I'll attach it here pag ok na connection namen sa PC. Haneeep kase e. Hirap mag-connect.)

'Dati pa iyon ah! Bakit ngayon mo lang pinuna?' Singit ng konsensya ko.

Bahagya kong pinilig ang ulo ko para maalis ang kalokohang yon sa isip ko.

Nakasuot siya ng black ripped pants. Black long sleeve na maluwag sa kanya ng bahagya. May malaking logo ng katol? Katol ba yun? (Overdose logo) sabagay, mukha namang na-overdose ng katol 'to. May necklace den siya na ganun ang pendant. Sa kamay niya. May tatlong singsing na ganoon den ang logo. Tiningnan ko ang mukha niya. Syempre pa nahagip niyon ang hikaw na suot suot niya. May katol den maging ang earrings niya. Pero ang mukha? Wait. Wait. Wait - since when he look like an angel?

Nababaliw na ata ko? O sadyang nakakahawa ang katol na nagkalat sa katawan niya.

Bakit parang sarap na sarap akong titigan ang mukha niya? I admit. Good looking naman talaga siya e. Lampa at tatanga-tanga lang talaga. Pero mahalaga pa ba iyon?

'Ano bang nangyayare saken?' Tanong ko sa sarili ko.

Stay around or else -Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon