AUDITION
Lucielle's POVUmagang umaga bunganga agad ng nanay ko yung naririnig ko, kainis.
Feel me? yung tipong sarap sungalngalin bunganga ng nanay mo sa sobrang ingay daig pa machine gun hahaha charot lang.
"Lucielle, ano wala ka ng balak bumangon dyan?anong oras na baka malate ka sa klase mo, ikaw talagang bata ka alam mong bawal ma late sa school nyo tapos nandyan kapa sa higaan mo nakatunganga", sermon sakin ni mama na hindi ko namalayan na nasa kwarto ko na pala.
Wow! ano ka ma, si flash? bilis ah!
"Mama naman eh, ang aga aga bunganga mo agad naririnig ko hindi kaya magandang almusal yan", sabi ko at higa ulit sa kama.
Napakamot na lang ako sa hita ko ng kurutin ito ni mama.
Kapag namasa ang magandang balat ko itatakwil kita, tsarot!
"Maa! masakit kaya, parang ano naman kasi", tsnga!, angal ko sabay himas sa hita na kinurot nya.
"Ang dami mong alam sa buhay mo bumangon kana dyan at maligo tapos bumaba kana para makapag almusal at makapasok ka na sa school mo", sermon nya habang naka pamewang sabay hawak sa sintido.
Stress na stress na ba?
Tumalikod na sya at lumabas sa kwarto ko pero eto parin ako tulaley na parang nag aantay ng grasya.
Sana umulan ng gold!
Napa balikwas ako ng marinig ko ang sigaw ni mama galing sa baba, hatalang pikon na pikon na sakin.
Sorry ma, maganda lang ako kaya mabagal ako kumilos, huh? konek?
Dahil ayoko ng masisisigaw si mama at baka matanggal na ang ngala-ngala nya ay tumayo na ako sa kama, sabay unat at dumiretso na agad sa banyo para maligo. Wala pang ilang minuto ay natapos nadin ako sa pag dadasal sa banyo.
Nag-ayos na ako ng sarili, konting lagay lang ng lip tint sa labi tapos sa pisngi para hindi halatang maputla, ng matapos na ako sa pag iinarte ko ay agad na akong bumaba.
Dumiretso ako sa dining at naabutan ko si mama, papa, kuya at ang bunso kong kapatid.
Nucks! kumpleto kami, nakaka proud!
"Akala ko hindi kana bababa eh, umupo kana dito at mag almusal ihahatid ka ni Kuya Dave mo sa school nyo", sermon ni mama at bumalik na sa kusina.
Aga aga ang ingay ng bibig, lagyan ko kaya ng basuka bunganga nento ni mama hahaha joke lang.
Nakasimangot akong umupo at kumuha ng slice of bread tapos hotdog, pinalaman ko yung hotdog sa tinapay tapos nilantankan ko na habang sumisimsim ng kape.
Pagtapos kong kumain ay agad na akong nagpaalam kay mama at papa, pati narin sa bunso kong kapatid na naglalaro na ng games sa cellphone.
Pakain ko kaya sakanya selpon nya, ang aga aga eh tsk!
Hindi naman kami mahirap, hindi rin kami mayaman kumbaga eh sakto lang, nabibili yung mga kailangan namin sa bahay tapos nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw pwera lang saken tsarot. Maganda naman ang trabaho ni papa, isa syang empleyado sa isang company dito sa lugar namin pero nakalimutan ko na pangalan ng company. Si mama naman may sideline gaya ng paggawa ng pancakes or kung ano pa man tapos ipopost nya online and idedeliever nya sa mga umorder sakanya. Si kuya naman ay graduating na ng college sa sikat university dito samen, ano nga ulit name non? ay mamaya ko na lang itatanong sakanya. Si bunso naman dito lang sa bahay kasi 4 years old pa lang sya at next year na sya papasok ng school.
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)
RandomHaru, Lucielle and Hero. Sino kaya ang pipiliin ni Lucielle sa kambal na sina Haru at Hero? Magkakaroon ba ulit ng lamat ang magkapatid dahil lang sa isang babae? Makaka graduate kaya si Lucielle? HAHAHAHA joke lang. Magkakaroon ba ng happy ending?