FINAL EXAM
Lucielle's POV
Grabe puyat na puyat ako dahil sa ilang araw kong pag rereview sana may maisagot ako sa test mamaya huhuhu, hindi ako nakagawa ng kodigo dahil antok na antok na talaga ako kagabi tsarot, baka mahuli ako ng teacher ko tapos hindi ako maka graduate lagot ako kila mama kapag nagkataon.
Nakarating na ako sa room ng lutang at umupo na sa upuan ko, hindi ko pinansin yung dalawang tukmol na nasa tabi ko masyado nadin ako naiilang dahil sa mga nangyari. Yumuko lang ako at nag dadasal na sana maipasa ko ang exam.
Sana pumasa ako, sana pumasa ako
Umangat ako ng tingin at tinignan ko si Misty, relax na relax lang sya at parang hindi kinakabahan para sa exam mamaya, ganyan ba talaga epekto ng may shota nakakapag aral ng mabuti. Tinignan ko din si Harold at ganun lang din ang itsura nya.
Mag shota nadin kaya ako
Tumingin din ako kay Shara at relax na relax din sya pati dito sa dalawang katabi ko napatingin nadin at ganun din ang itsura nila, ako lang ata mukhang stress samin huhuhuhu
Pwede ba kahit konting utak lang bigyan nyoko
Dumukdok ulit ako sa desk ko at inaalala ang mga ni-review ko kagabi, sayang ang pag pupuyat ko ng ilang araw kung wala lang tatatak sa isip ko abaaaa ang unfair naman non. Mayamaya pa ay tumunog na ang bell kasabay ng pagpasok ni Ma'am Fernandez. Dala dala nya ang mga papel na sasagutan namin at maree shet lang ang kapal parang libro pwedeng ipang hampas sa dalawang katabi ko, tsarot. Hindi naman sya ganon kakapal pero parang mahihirapan ang 3 brain cells ko dito.
Guide me lord please, thankyou
"Goodmorning class, since today is our final exam I'll arrange your seats by your surnames", umpisa ni ma'am at kinuha ang attendance para maayos na ang sitting arrangement, umangal pa ang iba pero wala na silang magagawa.
Isa isa ng tinawag ang mga surname namin, tinawag na ang pangalan ng bestfriend ko hindi na sya pinaalis sa upuan nya sunod naman na tatawagin ni ma'am fernandez ang makakatabi nya at sa kasamaang palad ang makakatabi nya ay si......
"Ms. Alexa Dela Peña", tawag ni ma'am kay Alexa the bubuyog nagtaas naman sya ng kamay at sumagot "Here ma'am", nag iba ang expression ng mukha nya dahil sa sinabi ni Mrs. Fernandez "Please sit next to Ms. Dela Cruz", sabi ni ma'am fernandez tatanggi pa sana sya pero binalaan sya na wag na mag inarte at baka hindi sya makapag exam.Buti nga, bleeeeeh
Umupo naman sya sa tabi ni Misty at inirapan nya ito, tumaray lang din si Misty sakanya at nag focus na kay Ma'am. Natawa ako sa inaasal nilang dalawa tumingin ulit ako kay ma'am dahil sa sunod na surname na nabanggit.
"Ms. Lucielle Fuentabella", tawag sakin at nag taas naman ako ng kamay. Napangiwi nalang ako at tumingin sa makakatabi ko dahil hindi ko din sya gusto katabi baka malagyan ko sya ng ube sa mukha kapag nagka sagutan kami. "Please sit next to Ms. Dela Peña and behave okay?", paalala ni ma'am sakin tumango nalang ako at uupo na sana sa tabi nya pero nagsalita sya. "Iwww the two garbage bags is near me, I don't like the smell", pag iinarte nya sabay takip sa ilong. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh kabwiset ka pasalamat ka at exam ngayon kung hindi nako talaga magagaya ka kay Shara tignan mo. Sinamaan ko lang sya ng tingin at padabog na umupo sa tabi nya nagulat sya sa ginawa ko kaya nag sumbong sya kay ma'am. "Ma'am nagagalit po si Lucielle", sabi nya na parang nag papaawa. "Ms. Fuentabella I said behave!", pagalit nyang saway sakin sasagot na sana ako kaso pinanlikahan nya ako ng mata. Tinignan ko ng masama si Alexa at naka smirk lang sya sakin. Mamaya ka sakin kapag nawala si ma'am kakalbuhin talaga kita.
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)
RandomHaru, Lucielle and Hero. Sino kaya ang pipiliin ni Lucielle sa kambal na sina Haru at Hero? Magkakaroon ba ulit ng lamat ang magkapatid dahil lang sa isang babae? Makaka graduate kaya si Lucielle? HAHAHAHA joke lang. Magkakaroon ba ng happy ending?