FRIEND'S
Lucielle's POV
Tatlong linggo na ang nagdaan at wala parin pinagbago marami paring mga mata ang nakatitig sakin as usual dahil lang naman yun sa kambal na kasama ko na 'always', inaantay nila ako sa gate, sabay kaming kumakain sa cafeteria at sabay din kaming umuuwi in short 'close friends' na kami. Ang bilis no? ganito kasi yan.
*flashback*
Tatlong araw na akong hindi napasok dahil sa sama ng pakiramdam ko, idagdag mo pa yung nangyari samin ni Shara buti nalang hindi pinatawag sila mama sa school kundi lagot na naman ako.
Thankyou rold!
Nakakulong lang ako dito sa kwarto ko at nakahiga lang sa kama maghapon, hinahatidan nalang ako ni mama ng pagkain at gamot.
Sabado ngayon at okay okay na yung pakiramdam ko, galing talaga mag-alaga ni mama.
Alagang Ina, nakakatats!
Napabangon ako dahil nasigaw si mama galing sa baba.
Binabawi ko na yung sinabi ko hehehe!
Inayos ko muna ang kama ko tsaka bumaba. Pumunta ako sa kitchen at naabutan ko si mama don.
"Ano ba yun ma? ang aga aga sumisigaw ka dyan", iritang sabi ko at kumuha ng juice sa ref.
"May mga bisita ka, nasa sala sila nagaantay sayo", pabulong nyang sabi at binitbit ang hinanda nyang pagkain, sinundan ko sya ng tingin at papunta sya sa sala. Sino naman ang bibisita sakin at bakit alam nila ang bahay ko? kahit si Misty ay hindi din alam ang bahay ko.
Kumuha ako ng baso at sinalinan ito ng juice, binalik ko ang juice sa ref at takang pumunta sa sala. Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nakita ko. Bakit nandito sila?
Nakatayo lang ako at nakatitig sakanila habang nagtatawanan sila ni mama, ang gagwapo nila kapag natawa lalo na si Hero. Ay sheyt ano ba tong iniisip ko!? Nabalik ako sa wisyo ng tawagin ako ni mama.
"Oh anak nandyan kana pala. Samahan mo ang mga bisita mo dito at may gagawin lang ako sa kusina", sabi ni mama at tumayo para pumunta sa kitchen, nagpaalam muna sya sa dalawa at umalis.
Nanatili parin akong nakatayo at iniisip kung bakit sila nandito. Kailangan ko malaman kung bakit sila nandito at kung pano nila nalaman ang bahay namin. Huminga muna ako ng malalim at naglakad papunta sa pwesto nila.
"A-anong ginagawa nyo dito?", takang tanong ko, nagtinginan muna sila bago sumagot.
"We are here to tell you that we won our previous fight and now we will fight for the second round. You didn't open your message so we just thought of visiting you", paliwanag ni Hero sakin. Nakakaurat naman to panay english wala naman kami sa ibang bansa.
"Kung pwede lang tigil tigilan nyo kaka english nyong magkapatid dahil dugong dugo na yung utak ko tsaka ilong eh", irita kong sabi at tumango nalang sila.
"Sorry, we're just trying to spea-", hindi na nya natuloy ang sasabihin nya dahil bigla akong nagsalita. "Kakasabi ko lang na wag ng mag english eh, ang kulit talaga", irita kong sabi. Nag sorry nalang ulit sya at tumahimik. Ang sama ko naman ata.
Oo sobra.
Nanatili kaming tahimik ng biglang dumating si mama. "Cielle, aalis ako na ako ah pupuntahan ko ang papa mo kasi ihahatid ko itong pagkain", sabi ni mama. "Ma, sama ako sayo wala din naman po akong gagawin eh", suggest ko at agad syang tumanggi. "Hindi na anak ako nalang, sumama kana lang dyan sa mga kaibigan mo", sagot ni mama at tumingin sa dalawang lalaking kaharap ko. "Ma seryoso ka? lalaki ang makakasama ko ngayon hindi ka ba magagalit?", halos irita kong sabi dahil feel ko binebenta ako ng nanay ko sa dalawang tukmol na'to.
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)
RandomHaru, Lucielle and Hero. Sino kaya ang pipiliin ni Lucielle sa kambal na sina Haru at Hero? Magkakaroon ba ulit ng lamat ang magkapatid dahil lang sa isang babae? Makaka graduate kaya si Lucielle? HAHAHAHA joke lang. Magkakaroon ba ng happy ending?