CHAPTER 2

131 70 10
                                    

HERO MONTERO


Lucielle's POV

Kanina pa ako gising pero nakahilata lang ako at nakatitig sa kisame habang sinasaulo ang kantang napili ko, yess may napili na akong kanta pero hindi ko alam kung kaya ko kasi masyadong mataas ang kanta pero kerry yan sisigawan ko nalang sila para mabingi. Bahagya akong napatawa sa naisip ko at hindi ko namalayan na nandito pala si mama kaya napabangon agad ako.

"Baliw kana ba, ngingiti ngiti ka dyan?", tanong nya sakin habang naka pamewang pa.

Eto na naman po sya, ang machine gun na always nakakakasa at anytime pwede ng rumatrat.

"H-hindi naman ako nakangiti eh, guni guni mo lang yun ma", sabi ko sabay tayo papuntang banyo.

Hindi nya nalang ako pinansin at bumaba nadin ng kwarto ko, siguro ayaw nya akong sermunan dahil pagod na bunganga nya.

Himala

Ilang minuto lang ang itinagal ko sa banyo at lumabas nadin para makapag bihis at sempre yung routine ko na pang inarte ay ginawa ko na, tinali ko ang buhok kong mahaba na hanggang bewang din kaso wavy sya hindi sya straight.

Bumaba na ako sa dining at nakita ko sila pero wala na si kuya dave pero hinayaan ko nalang, siguro may gagawin sila kaya maaga syang pumasok.

Umupo na ako sa table at kumuha ng pagkain, dalawang sandok na fried rice, tatlong stripes ng bacon at hatdog tsaka sinamahan ko nadin ng kapeng barako. Pampagising ng utak.

May utak ka?

Tinignan ko lang si papa na abala sa pagbabasa ng dyaryo ang kapatid ko na abala sa selpon 'tsk aga aga eh' , si mama naman na abala sa online puhunan nya. Bahagya akong umubo para mapunta sakin ang atensyon nila at hindi naman ako nabigo.

"May audition po sa school namin at kasali ako dun hehehe", sabi ko sabay kamot sa batok

Nag tinginan muna sila bago ako hinarap.

"Alam naman naming mananalo ka dyan eh ganda kaya ng boses mo, manang mana sakin", pagyayabang ni papa habang nakaturo ang darili nya sakanya, napangiwi nalang ako sa sinagot nya.

"Anong sayo?sakin nagmana yang anak naten kaya mo nga ako inasawa kasi maganda ang boses ko eh", sabi ni mama sa pagyayabang na tono.

Eto na naman sila kaya ayokong sinasabi sakanila na kasali ako sa mga keneme na yan dahil mauuwi lang sa pagbabangayan at pagyayabangan nila sa isa't isa.

Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at nagpaalam ng umalis, baka marindi lang ako sakanila eh. Rinig ko pa ang pag tawag nila sa pangalan ko pero kaway lang ang sinagot ko sakanila.

Naglakad lang ako papuntang school dahil sobrang aga pa naman pero dahil nagugutom na naman ako tumigil muna ako sa isang tindahan na parang cafeteria ang style at bumili ng kakainin ko. Isang lemon square tapos juice na tig-sampo. Tumambay muna ako dun dahil sabi ko nga maaga pa naman. Umupo ako sa upuan at nilantankan ang pagkain.

Habang kumakain ako ng binili ko ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko yung nakita ko kahapon pero hindi sya yung pumukaw sa atensyon ko, ang gwapo nya pala sa malapitan sheyt!

Matangkad, black ang buhok, medyo singkit ang mga mata at maputi, maganda din ang labi na kulay pinkish 'nahiya ang labi ko kasi akala mo naninigarilyo ako sa itim nento, hindi naman sya sobrang itim eh' , at ang ganda ng kulay ng mata nya chestnut brown tapos ang ilong nya ang tangos na pwede ng makatusok 'nahiya yung ilong ko na medj matangos lang', napabalikwas nalang ako sa iniisip ng umubo sya at tumingin sakin.

THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon