Lucielle's POV
Sobrang daming nangyari nitong mga nakaraang araw hindi ko na alam ang gagawin ko, nakaka stress daig ko pa math problem sa daming problemang kinakaharap ko.
Una kung paano ako makakapasa, pangalawa yung final exam tapos yung sa fine battle, tapos yung kay Haru na nag tapat sya sakin tapos si Shara na kakausapin ko pa at ipapaliwanag ang lahat tapos yung kay Hero dahil sa totoo lang may gusto na nga talaga ako sakanya pero paano naman si Haru? nakakainissss!!!!!!
Bakit kasi kambal pa sila eh
Bakit magkapatid pa
At bakit ako pa?
Argggghhhh nakaka stress ang buhay jusme!!!
Nasabunutan ko nalang ang sarili ko sa mga iniisip ko, ilang beses pa akong nag buntong hininga para mailabas ang mabigat na problema.
Mas mabigat pa sa dibdib ko huhuhu
Nakatulala lang ako sa upuan ko ng makita ko si Shara na papasok, sinundan ko sya ng tingin and since wala pa naman masyadong tao dito sa room ay lumapit ako sakanya. Tumingin lang sya sakin at bumalik ulit sa ginagawa, paano ko ba sisimulan yung paliwanag ko ang hirap naman ohhhh!!!
"Ahmmm Shar-", naputol ko ang sasabihin dahil nagsalita sya. "No need to explain everything, alam ko na hindi mo din gusto yung nangyari", sabi nya habang nakangiti. Hindi ko alam kung nagsasabi ba sya ng totoo pero nakikita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya.
Akala ko maaayos ko, akala ko magkakaroon sila ng chance na magkabalikan pero parang dahil sakin hindi na mangyayari yun dahil nadin sa sinabi ni Haru pero hindi ko din alam kung totoo.
Tumingin muna ako sakanya saglit at nag isip ng magandang teknik kung pano kami magbabati hindi naman sa magkaaway kami kumbaga eh nagtatampo lang sya ganurn.
Tampo yarn?
Tumikhim muna ako bago nagsalita "Sorry talaga Shara wala talaga akong alam as in promisee mamatay man ang palaka sa sapa wala akong alam", habang nakataas ang isang kamay na nangangako. Tumawa naman sya ng bahagya kaya nawala ng konti ang bigat sa loob ko. "Dinamay mo pa talaga yung palaka no?, oo na alam ko naman na wala kang kasalanan eh nagtatampo lang talaga ako."
Sabi na eh tatampo talaga!
"Sorry naman, btw para makabawi ako sayo treat kita mamayang lunch deal?", sabi ko at nilahad ang kamay sa harapan nya. Kinuha nya naman yun at nag shake hands kami. "Deal."
Bumalik na ako sa upuan ko dahil nandyan na ang teacher namin, may sinusulat sya sa board na announcement ng matapos na nya ang pagsusulat ay humarap na sya samin binati nya kami at ganun din ang ginawa namin sakanya."Okay class since malapit na ang final exam, all you need is to review our lessons for the whole semester and after the exam we will having a JS prom", anunsyo ni ma'am fernandez na ikatuwa nung iba pero ako hindi. Ayaw na ayaw ko na may ganyan dahil hindi naman ako nag susuot ng gown, pwede pa sa nga short shorts tapos dress pero gown witch matching make up na bongga asusss wag na lang sa bahay nalang ako matutulog habang tulo laway edi may muta pa ako. "And, the most handsome and beautiful will be the prom queen and prom king so be ready yourselves and enjoy that day but now focus to your exam okay?", dagdag pa ni ma'am kaya lahat kami ay sumang-ayon nalang. Haysss sa Friday na ang exam namin ilang araw nalang ang palugit ko para makapag review.
Nagsimula ng mag discuss si ma'am at sempree bilang mabuting mag aaral ng PU, makikinig tayo.
Mabait dapat tularan
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)
RandomHaru, Lucielle and Hero. Sino kaya ang pipiliin ni Lucielle sa kambal na sina Haru at Hero? Magkakaroon ba ulit ng lamat ang magkapatid dahil lang sa isang babae? Makaka graduate kaya si Lucielle? HAHAHAHA joke lang. Magkakaroon ba ng happy ending?