CHAPTER 3

102 65 7
                                    

MAIN VOCALIST


Lucielle's POV

"Yawwwwwnnn!!", hikab ko sabay unat unat bago dumukdok ulit. Hindi ko alam kung ano ba ang ginawa ko kagabi at antok na antok ako masyado eh, maaga naman ako nakatulog.

"Puyat na puyat ka masyado cielle, ano bang ginawa mo kagabi?", tanong sakin ni Misty na hindi ko alam kung nakatingin sakin dahil nadukdok ako dito sa lamesa ko.

Umangat ako ng tingin at bumungad sa akin ang mukha nyang nagaalala.

"Hindi naman *yawwnn* ako puyat kagabi eh pero hindi ko alam kung bakit *yawwnn* antok na antok ako ngayon", sabi ko sabay hikab ulit. Nag unat unat muna ako tapos dumukdok ulit. Nakakainis naman bat ba antok na antok pa ako.

"Eh, may ganon?", tanong sakin ni Misty habang nakangiwi.

Oo meron, ako lang nakakagawa non hehe!

"Meron", maikling sagot ko at agad nalang sya tumango dahil pati sya naguguluhan din.

Marami-rami nadin kaming studyante dito, maaga kasi akong pumasok ngayon sa hindi ko alam na dahilan. Maya-maya pa ay tumunog na ang bell hudyat na mag uumpisa na ang klase.

Sinampal ko muna ang sarili ko at umayos ng upo. Dumating na si Mrs. Fernandez na magtuturo samin, binati namin sya at ganun din ang ginawa nya samin. Nasa kalagitnaan na kami ng discussion ay parang nagkakagulo sa labas sa hindi namin alam na kadahilanan.

Lalim ng tagalog ah!

Tumigil si ma'am fernandez sa pag tuturo at sumilip sa labas para tignan kung ano ang nangyayari ganun nalang ang tulala nya ng makita nya ang kambal na nasa harapan na pala ng pinto namin. Naalala ko bigla na ngayon pala nila pupuntahan yung nanalo sa audition, at dito sila pumunta. Isa sa amin ni Alexa ang napili nila.

Nagkatinginan kami ng bestfriend ko at kita ko sakanya ang kislap ng mga mata. Napangiwi nalang ako ng matamis syang ngumiti.

Matanggal sana ngipin mo!

Tinignan ko si Alexa sa likod ko at ganun nalang ang pag ngiwi ko kasi katulad sya ni Misty na nag niningning ang mga mata. Agad syang tumingin sakin na makahulugan parang sinasabi na 'ako ang napili, talo ka na', nag smirk lang ako sakanya at parang sinasabing 'hindi mo sure', masama nya akong tinignan at binalik ang tingin sa kambal na kausap na ngayon ni ma'am.

Kung tatanungin nyo na kung meron kaming kaklase na lalaki, yes po opo meron po kaso hindi ko sila masyadong binabanggit kasi wala naman akong close sakanila pero baka ngayon eh meron na kasi nakatingin sakin si Harold na nakangiti. Weird.

Tumingin ako sa harapan kasi tapos na mag usap si ma'am at ang kambal. Pinapasok ni ma'am fernandez ang kambal sa loob dahil parang may iaannounce ata.

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko at hindi ako nagkakamali na si Hero to. Nakangiti sya sakin at agad ko namang sinuklian yun.

"Goodmorning everyone, I'm Haru Montero and this is my twin brother Hero Montero", pagpapakilala nilang dalawa sa harapan. Mag kamukhang mag kamukha talaga sila as in.

Pinagbiyak na buko, tsarot.

"We're here to announce the winner and would be a vocalist in our band", tuloy na paliwanag nung Haru. Napatingin ako sakanya dahil ang lamig ng boses nya kagaya nung kay Hero pero iba eh, ibang iba. Sa tantsa ko eh once in a blue moon lang sya kung mag salita. At ang cold ng mga mata nya, wala man lang sya ekspresyon na pinapakita. Masungit siguro to.

THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon