CHAPTER 17

32 19 1
                                    

NEW FRIEND

Lucielle's POV

Hindi ko alam kung anong trip nento ni Haru at gustong gusto nya makita ang bag ko, nakita ko na bitbit na nya ang bag kaya sinigawan ko sya at inutusan na ibalik ang bag ko.

"Hoy, wag mo nga pakialaman yan", sigaw ko at nag habulan kami ni Haru sa tapat ni Hero.

Tahimik lang sya at parang may iniisip.

Sana ako yung iniisip nya, tsarot

"Ano ba kasing meron dito sa bag mo at ayaw mo ipakita sakin?", tanong nya at akmang titignan ang loob ng bag ko pero mabilis ko syang hinabol, para kaming nag papatintero at sa harap pa ni Hero.

Nagulat ako dahil bigla syang nagsalita kaya napatigil din kaming dalawa.

"Can you please stop to what are you doing and get out of my sight?", irita nyang sabi samin at tumingin.

Bakit sya ganito? anong nangyare?

Sandaling katahimikan at bigla syang tumayo palapit sa upuan ng demonyita na si Shara, sinundan ko lang sya ng tingin at may kung anong tumusok sa puso ko sa sinabi nya.

Bakit ganito nararamdaman ko?

"May I sit next to you?", tanong nya kay Shara at nagulat si demonyita sa sinabi nya.

Ayaw nya naba ako katabi, huhuhu tsarot

Nakatingin lang ako sakanila habang inaabangan ang isasagot ng demonyita.

Parang gusto ko ulit mag lagay ng tattoo sa mukha, bwiset

Nagseselos ba ako? No, no, no way inis lang ako sa demonyita na'to.

Naguguluhan syang tumingin kay Hero. "B-bakit, eh diba dun ka nakaupo sa unahan?", takang tanong at umiling lang si Hero sabay umupo sa tabi nya.

Nakatingin parin ako sakanila at parang may karayom na tumutusok sa puso ko.

Bwiset talaga, bakit ba kasi ako nakakaramdam ng ganito!?!

Nagtama ang tingin namin at bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ako makaiwas sa mga tingin nya. Dumating na ang teacher namin dahilan para bumalik ako sa wisyo.

Nag umpisa ng mag discuss ang teacher sa unahan pero ako eto tulala at walang pumapasok sa isip ko sa mga sinasabi ng teacher namin.

Nakakainis naman, bakit ba kasi ang laki ng epekto nya sakin eh!

Tumunog na ang bell at isa isa ng pumunta ng cafeteria ang mga kaklase ko habang ako nandito lang sa upuan ko at para napako na dahil hindi na ako makagalaw. Narinig ko ang pagsalita ni Hero dahilan para bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Need ko na mag pakonsulta sa doktor

"Shara, do you want to join me in the cafeteria?", tanong nya kay Shara hindi ko narinig ang sinagot nya pero parang alam ko na. Dumaan sila sa harapan namin ni Haru at nagtama ang tingin namin, nainis ako sa pagkapit ni Shara the demonyita sakanya pero hindi ko yun pinahalata.

Hindi lang pala demonyita, ahas pa ssssss

Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa mawala sila sa pintuan, kumalam ang tyan ko dahil nagugutom na pala ako pero gusto kong nandito lang ako dahil ayoko silang makita.

Nakaka sira ng araw, kainis talaga

Nagulat ako dahil biglang sumulpot si Haru sa harapan ko.

THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon