CHAPTER 5

81 60 7
                                    

Lucielle's POV

Maaga akong nagising dahil nakaramdam ako ng gutom, bumaba ako para kumuha ng pagkain at umakyat din pagkatapos. Dito nalang ako kakain sa kwarto ko kasi wala naman akong kasama sa baba dahil mga tulog pa sila. 5:00 am palang ng umaga at ang gising nila ay mga 7:00 am na. Habang nilalantakan ang pagkain ay nag online ako ng facebook para tignan kung may bago pero parang wala naman pwera lang sa friend request ko dahil nadagdagan ito ng tatlo. Nagtaka ako kaya binuksan ko ang friend request at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

Haru Montero sent you a friend request
Hero Montero sent you a friend request
Harold Gatchalian sent you a friend request

Bakit? anong meron? Nagdadalawang isip pa ako kung iaaccept ko ang friend request nila pero sa huli ay inacept ko parin dahil hindi naman ako famous para hindi mag accept pwera lang sa hindi ko kilala. Tinignan ko ang timeline ni Haru at Hero, hindi na ako magtataka sa dami nilang followers and likers kasi nga famous sila sa school.

Shanaol famous.

Tinignan ko rin ang kay Harold, marami din ang followers nya at likers pero hindi katulad nung sa kambal.

Shanaol talaga mga famous, ako kasi maganda lang eh hehehe.

Tapos na akong kumain at niligpit ang kinainan sabay bumaba para ilagay ito sa kusina, pag dating ko sa kusina ay inilapag ko na ang plato sa lababo at diretso sa ref para kumuha ng tubig. Kumuha nadin ako ng baso at nilagyan ito. Pagtapos kong gawin ang pakay ko ay babalik na ako sa kwarto para magpahinga sana ulit pero naabutan ko na silang mga gising at nag unat unat galing sa kani-kanilang kwarto.

Ngumiti sakin si mama sabay bumati, binati ko din sya pabalik.

"Good morning ma", bati ko kay mama at ngumiti.

"Good morning din anak, ang aga mo ata ngayon nagising? Tama yan dahil mag sisimba tayo ngayon kasi nagyaya ang kuya mo kahapon", sabi ni mama habang kumukuha ng frozen food sa ref at lutuin. Binabad muna nya ito sa tubig hanggang sa lumambot at pwede ng lutuin.

Himala nag-aya si kuya kong tukmol mag simba, anong meron? mag babawas na ng kasalanan si kuya nucks perstaym to! Pa-fiesta kaya ako?

Nakita ko si kuya na nasa sofa at nanonood ng tv, nilapitan ko sya para tanungin kung ano ang nakain nya at nagyaya syang magsimba.

"Yow big bro, goodmorning. Anong nakain mo at nagyaya ka magsimba? siguro malaki ang kasalanang nagawa mo no?", may pang-aasar na tono kong sabi at umupo sa tabi nya. Akmang babatukan nya ako ngunit naiangat ko kaagad ang dalawa kong braso pansalag sa ulo ko.

"Kung ano ano iniisip mo, masama bang magsimba ng linggo? tsaka para mabawasan yang sungay mo sa ulo masyado na kasing matulis", sabi ni kuya habang nakaduro sa bandang noo ko. Grabe to sakin oh tuhugin kita ng sungay ko eh.

Toro be like, nasan ang pulang tela!

Napangiwi nalang ako at napaisip, tama naman si kuya eh isang araw lang naman ang hinihingi ni Papa God para makapag worship kami sakanya.

Bait na bata, pwede kana kunin ni Lord hehe tsarot.

Napangiti nalang ako dahil sa ugaling meron si kuya na hindi naman ganon kasama ay naalala parin nya na maglingkod sa diyos.

I'm so proud of you, Kuya.

Bumalik na ako sa kwarto para maligo at mag bihis. Simple lang ang sinuot ko, dress na kulay white na hanggang tuhod at ang design ay puro dots na maliliit na kulay black tapos tinernuhan ko ng flat shoes na kulay white. Oh diba ang simple lang, tapos konting ayos ng mukha at buhok, tadaaaaaa ang ganda ko na.

THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon