REHEARSAL
Lucielle's POV
Weekend.
Nakahiga ako sa kama at nakatitig sa kisame habang nagiisip kung anong magandang gagawin dahil 'weekends' nga naman. Nagpagulong gulong ako sa kama na parang inasinan na bulate. Naisipan kong ichat si Misty para yayain na gumala.
Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng study table at binuksan ang messenger para ichat si Misty. Hindi naman ako nabigo dahil online sya.
Nag send ako sakanya ng message at agad naman nyang sinineen. Himala to!
Gudmowning besty, free kaba ngayon?Tara gala tayo.
Nag reply naman sya agad. Wow talaga, ang bilis nyang mag reply!
Misty Dela Cruz
- Sorry besty hindi ako pwede ngayon, niyaya kasi ako ni Harold na kumain sa labas eh hihihihi. Bawi ako sayo next time, promise. Labyu besty, mwaaaaaah😘
Reply nya na nakapag simangot sakin. Kainis naman mas inuna nya pa yun kesa sakin! Hindi naman masakit sa apdo. Slight lang.
Hindi ko nalang sya nireplyan dahil nakakatampo ang ginawa nya. Hindi man lang nya naisip na ako ang bestfriend nya at kakakilala lang nila ni Harold, actually matagal na silang magkakilala pero hindi katulad ngayon na close na agad sila. Wow magic!
I smell something fishy, tsarot.
Hinagis ko ang cellphone sa ibabaw ng kama at pumunta ng banyo para maligo. Nagbabad ako sa shower at ng magsawa na ay tinapos ko na ang aking pag ligo. Nakatapis lang ako na lumabas ng banyo at may nakapalupot sa buhok ko na isa pang tuwalya.
Napatingin ako sa cellphone ko dahil tumunog ito signal na may nag message, akala ko si Misty pero hindi pala dahil isang 'message request' ang bumungad sakin. Sino kaya ang mag m-message sakin at anong kailangan nya?
Binuksan ko ang request message at nanlaki ang mata ko dahil sa nakita ko na pangalan. Si Haru?ano naman kaya kailangan nya?Binasa ko ang message nya sakin at napatakip pa ako sa bunganga ko dahil sa gulat.
Haru Montero
- We have practice today, 8:00 am sharp. Go to the school and then go straight to the Auditorium where our rehearsal will be held. We will wait for you.
Napakurap kurap pa ako dahil sa nabasa ko. Hindi ko nalang sya nireplyan. Buti nalang at nakaligo na ako, agad akong nagbihis ng damit na susuotin ko. Light pink na skirt na hanggang tuhod, light pink na t-shirt, at converse na kulay light pink din. Nag ponytail nalang ako ng buhok ko, hanggang bewang sya at wavy.
Nag-ayos na ako ng sarili, konting lagay lang ng lip gloss at pulbo then tadaaaa!! Gorl na gorl lang ang peg!
Bumaba ako at nagpunta sa dining para mag almusal dahil maaga pa naman. Naabutan ko si mama at papa na nasa lamesa at nagaamusal, wala sila kuya at bunso siguro dahil tulog pa sila. Buti pa sila hindi naboboring na walang ginagawa. Edi shanaol.
Lakwatsera ka kasi.
Umupo ako at kumain. Sinabi ko nadin kila mama at papa na may rehearsal kami at sumang-ayon naman sila.
"Mag-iingat ka pag uwi mo ha? mag text ka sa kuya mo kung gusto mong mag pasundo", paalala sakin ni mama at tumango naman ako bilang sagot.
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)
RandomHaru, Lucielle and Hero. Sino kaya ang pipiliin ni Lucielle sa kambal na sina Haru at Hero? Magkakaroon ba ulit ng lamat ang magkapatid dahil lang sa isang babae? Makaka graduate kaya si Lucielle? HAHAHAHA joke lang. Magkakaroon ba ng happy ending?