SHARA NAVARRO
Lucielle's POV
Monday. Dati excited na excited ako sa pagpasok pero ngayon parang ayaw ko na pumasok dahil sa mga matang nakatitig sakin. Nakakainis.
Sarap dukutin ng mga eyeballs nila, tsngina
Bumaba na ako dahil tapos na akong mag-ayos, pumunta na ako sa dining at binati sila mama, tumingin lang sakin si mama at tumango pero si papa nakatitig lang sakin na parang may ginawa akong kasalanan. Naalala ko yung nangyari nung nakaraang araw baka napagalitan sya ng boss nya sa ginawa ko nayun. Yumuko nalang ako dahil nakakahiya talaga yun para sakanya at employee pa sya sa Montero's Company, kasi naman eh nakakagulat kaya yun ganung scene.
Ngayon hindi na ako magugulat
Pagtapos kong kumain ay nagpaalam na ako sakanila na papasok na kumaway lang sila sakin pero si papa ay parang malalim ang iniisip. Sorry na pa hehehehe.
After 20 minutes ay nakarating na ako sa school, nasa gate palang ako ay pinagtitinginan na ako hindi ko nalang sila pinansin. Yumuko nalang ako para hindi magkasalubong ang mga mata namin, hanggang sa makapasok ako sa room ay ganun din ang scenario. Lipat nalang kaya ako ibang school tapos kapag tinanong ako kung bakit sabihin ko wala lang hehehehe.
Umupo na ako sa upuan ako at dumukdok lang sa desk dahil ang mga mata nila nakatingin sakin.
Matanggal sana mata nyo, bwiset!
Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko, hindi ko nalang pinansin yun dahil ang kambal lang naman yun. Nanatili akong nakasubsob sa inuupuan ko at may nararamdaman akong kumakalabit sakin, hindi ko pinansin nung una pero naiinis na ako kasi kalabit ng kalabit...
"Ano baaaaa!?! kalabit ng kalabit eh", sigaw ko pero napalitan agad ng pagtakip sa bibig ko dahil si Mrs. Fernandez pala yung kumakalabit. Tsngina naman talaga!!!!
Lagooooooot!!!!
"I'm sorry if I disturb your sleep 'Ms. Fuentabella' but I just want to tell you that you are in my class and the discussion is starting", pagalit na sabi ni ma'am fernandez at may diin sa pag banggit ng surnname ko.
Pahiya 101!
"S-sorry po ma'am, h-hindi na po mauulit", paghingi ko ng dispensa at ramdam ko ang pagtitig sakin ng mga kapwa ko studyante maging ang kambal ay nakatitig din sakin. Malas naman ang araw na'to, wala naman akong balat sa pwet eh.
Meron kaya, malaki nga eh
Tumingin sakin si ma'am at tumango nalang, bumalik sya sa pagtuturo pero ako lutang na akala mo nakahithit ng katol.
Wawang o Baygon?
Hindi ko namalayan na umalis na pala si ma'am dahil lumilipad ang isip ko papuntang kalawakan.
Pupuntahan ko si Haring Araw, tsarot
May kumalabit sakin at pag tingin ko ay si Misty, wala na sina Haru at Hero ng hindi ko namamalayan.
"Cielle, kanina kapa tulaley dyan may nangyari ba?", takang tanong nya.
"W-wala, masama lang siguro ang pakiramdam ko", sagot ko at nag kibit-balikat nalang sya bago tumayo.
Agad ko syang tinanong, "Saan ka pupunta?", pagpigil ko sakanya. Tumingin sya sakin at tumawa ng bahagya. "Sa cafeteria, break time na kaya hahaha lutang ka talaga bessy", sabi nya sabay tawa. Inirapan ko nalang sya at hinayaan ng umalis pero niyaya nya muna ako at agad naman akong tumanggi. Wala akong gana kumain ngayon eh tsaka kumain naman ako kanina bago ako umalis kaya okay na yun.
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)
RandomHaru, Lucielle and Hero. Sino kaya ang pipiliin ni Lucielle sa kambal na sina Haru at Hero? Magkakaroon ba ulit ng lamat ang magkapatid dahil lang sa isang babae? Makaka graduate kaya si Lucielle? HAHAHAHA joke lang. Magkakaroon ba ng happy ending?