SHADOWS ON HIGH
Lucielle's POV
Friday na pala ng hindi ko namamalayan at this past few days ay kahit konti wala akong natutunan sa mga naging discussion namin tsarot meron naman kahit papano pero hindi as in lahat pumasok sa utak ko kasi naman eh bukod sa kasama ko ang kambal na'to at nasa tabihan ko pa, isama mo pa ang mga matang nakatingin sakin na akala mo ay may ginawa akong malaking kasalanan.
Katabi mo lang naman kasi yung kinahuhumalingan nil gorl!
Napadukdok nalang ako sa desk ko dahil idagdag mo pa yung performance namin para mamaya dahil may contest keneme nga naman kaming sinalihan. Nakaka stress ang araw na'to!
Tatanda ako ng maaga nento eh!
Umangat ang ulo ko dahil may nag announce na studyante na pumunta na kaming gymnasium dahil nanjan na ang mga bwisita ay este mga bisita. Ayun pa pala ang inaalala ko dahil mag peperform kami sa harapan ng maraming tao na akala mo ay may concert kami. Sheyt lang talaga!
Ayan, audition pa kasi!
Tumayo na kami at pumuntang gymnasium, pagpasok palang namin ay maraming tao hindi katulad nung naganap na audition. Tama ang sinabi ni Haru kasama nga namin ang ibang school dahil manonood sila ng performance namin at sempre yung mga judges din na taga ibang school nandito. Kinakabahan ako mga trenta.
Pumunta na kami sa backstage nina Haru at Hero para maghanda at ayusin ang mga gagamitin, para akong may bulate sa pwet dahil hindi ako mapakali. Ilang beses na akong bumuntong hininga para lang matanggal ang kaba na nararamdaman ko kanina pa pero hindi epektib inom kaya ako empe para malakas loob ko, tsarot. Napangiwi nalang ako sa naisip ko dahil hindi naman ako nagiinom. Ilang beses ko din pinagkiskis ang palad ko para tanggal kaba pero wala parin. Ano ba pwedeng gawin!?
Pakamatay kana gorl, tsarot hehehehe!
Habang pabalik balik ako sa paglalakad ay hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Hero.
"Ay palakang may lawit", napasigaw at napatili ako sa pag sulpot nya bigla. May lahi siguro tong manggugulat.
May ganon ba?
Tumawa sya sa naging reaksyon ko at nagsalita. "Kanina kapa hindi mapakali dyan, ano ba nangyayari sayo?", tanong nya na may halong pagaalala. Ehh wag kang ganyan baka mainlab ako, tsarot.
"K-kinakabahan kasi ako eh, hindi pa kasi ako nakakapag perform sa harapan ng maraming tao at may mga taga ibang school pa", sagot ko habang kinikiskis ang dalawang palad.
"Ah kaya naman pala eh, wag kang masyadong kabahan isipin mo nalang na ikaw lang ang tao sa stage at ikaw lang magisa ang nag peperform in short parang nagpapractice ka lang ganon", tuloy tuloy nyang sabi sa mahinahon na boses sabay ngiti. Tumango nalang ako bilang sagot at ngumiti din.
Tumalikod sya sakin at naglakad papunta sa kapatid nya na nakatingin din pala sakin, nginitian ko nalang din sya. Tama ang sabi nya isipin ko nalang na ako lang magisa sa stage. Tama tama ganon ang gagawin ko.
Fighting!
Tinignan ko sila at naiinggit ako dahil hindi man lang sila kinakabahan, sempre sanay na eh kaya ganon.
Shanaol talaga, huhuhuhu.
Huminga muna ako ng malalim at marahaang pumikit para ma relax ang diwa ko. Kaya ko'to, kaya ko'to.
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)
RandomHaru, Lucielle and Hero. Sino kaya ang pipiliin ni Lucielle sa kambal na sina Haru at Hero? Magkakaroon ba ulit ng lamat ang magkapatid dahil lang sa isang babae? Makaka graduate kaya si Lucielle? HAHAHAHA joke lang. Magkakaroon ba ng happy ending?