CHAPTER 6

79 60 2
                                    

CLASSMATE'S

Lucielle's POV

Monday, eto ako at papasok na ng school. Pinagtitinginan ako ng ibang mga studyante lalo na ng mga babae sabay iirap. Problema ng mga to? Hindi ko nalang sila pinansin at tuloy tuloy na naglakad papasok ng room, nasa pinto palang ako ay rinig ko na ang bulungan ng mga classmates ko.

May bago tayong magiging classmates

Oo nga tapos sabi ni ma'am tatlo daw sila

Sino sino kaya sila no? Sana yung kambal ahihihihi

Napangiwi nalang ako dahil sa huli kong narinig at tuloy tuloy na umupo sa upuan ko, tinawag ako ni Misty pero hindi ko sya pinansin. Balakajan.

Totohanin ko kaya yung 1 week na walang pansinan?

Ilang beses nyang tinawag ang pangalan ko at nanghihingi ng sorry pero hindi ko sya nilingon. Hindi muna ako marufok ngayon, balakajan!

Papansinin at papansin mo parin yan.

Hanggang sa unti unti ko syang nilingon sa sinabi nya, kita ko ang pag ngiti na ng nakakaloko at agad na tumalikod sakanya.

"Ikaw ha! pagdating sa chismis ang laki ng tenga mo hahahaha pero kilala ko nga kung sino yung mga madadagdag satin", sabi nya sa sa may tonong "lilingon kadin, chismosa ka eh".

Tiniis ko na hindi sya pansinin pero kating kati yung utak ko na malaman kung sino yung mga yun. Nagwagi ang bestfriend kong lokaret at hindi nagtagal nilingon ko din sya. Tsngina!

Dakilang chismosa nga!

Rinig ko ang pagtawa nya at pagtaas baba ng kilay. Tinignan ko sya ng masama at tumigil naman sya sa pagtawa, umayos sya ng upo at bahagyang inusog ang upuan palapit sakin. Wala pa naman si ma'am kaya may time kami mag chikahan. Umayos din ako ng upo para marinig ko ng mabuti ang sasabihin sakin ng bestfriend ko.

Chismosa nga talaga!

Nag umpisa na syang mag kwento, nanlaki ang mata at bibig ko dahil sa sinabi nya na hindi ako makapaniwala.

"Yung bago nating magiging classmates ay yung kambal na sina Haru at Hero tapos may isang babae din ang pangalan ay Shara", sabi sakin ng bestfriend ko na halos pabulong dahil ayaw na may makarinig.

Kurap kurap pa ako at sinisink-in sa utak ako ang nalaman. Weeh? totoo ba? baka prank lang to ng bestfriend ko para pansinin ko sya, humanda sya sakin kapag prank lang to dahil kokotongan ko sya sa esophagus.

"Totoo ba yan? baka pinaprank mo lang ako kasi galit ako sayo, umayos ka ah kaltukan ko talaga bunbunan mo", sabi ko habang nakataas ang kamay na parang kakaltukan sya. Agad nyang isinangga ang braso nya. Binaba ko ang kamay ko na naka amba at ganun din sya.

"Oo nga besty, totoo nga yun kasi narinig ko na naguusap si ma'am fernandez tsaka yung head ng school na dito daw sa room natin lilipat ang kambal at dito din pinasok yung bagong transfered na babae na ang pangalan eh Shara", mahinahon nyang palinawag habang pabulong. Grabe makasagap ang tenga nento pag dating sa chismis. Hanep talaga!

"Ayus din makasagap ng chismis ang gps mo sa tenga no?", tanong ko sakanya in sarcastic way.

Tumawa lang sya at tumingin sakin na "ako pa ba" napailing nalang ako at umayos sya ng upo dahil nandyan na si ma'am at ganun din ang ginawa nya. Nanatili kaming tahimik hanggang sa binati kami ni ma'am fernandez at ganun din ang ginawa namin sakanya. Maya-maya pa ay pumwesto sya sa tabi ng pinto at parang may inaantay na malamang ay mga bago naming classmates. Ilang minuto ang pagaantay at humarap samin si ma'am fernandez.

THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon