FINAL BATTLE
Lucielle's POV
Naudlot ang dapat na bonding namin kahapon dahil sa biglaang practice kaya wala kaming nagawa.
Naghahanda na kami para sa competition na gaganapin mamaya at nandito kami sa backstage. Gaya nga nung nakaraang naging laban namin ay tatlo nalang kami maglalaban laban, merong tatanghaling 2nd place, 1st place at ang grand champion na tatanggap din ng pera. Tama nga ang sinabi ni Ms. Cassandra dahil anim ang members sa bawat banda buti nalang at pinaalam nila samin yun dahil kung hindi baka ma disqualified kami, hindi sa university ginanap ang final battle kundi sa moa arena ang daming manonood samin na taga ibang school yung iba ay mga kaklase ng makakalaban namin at yung iba naman mga outsider na kasama ng mga ibang estudyante pero sempre hindi mawawala ang mga kaklase namin na handang mamaos ma-icheer lang kami ng todo, naririnig namin mula dito ang cheer ng iba't ibang school. Kinakabahan na naman ako pero isinantabi ko yun alang alang sa mga kasama ko at sa performance na gaganapin mamaya, after 30 minutes ay umakyat na ang emcee para mag announce. "Good evening ladies and gentlemen later on the battle will start so be patient and ready your voice to scream and shout to your favorite bands and before I forgot please welcome our beloved judges for tonight gave around of applause to them." Isang malakas na sigawan at palakpakan ang narinig namin mula sa labas, oo nga pala nakalimutan kong ipaalala na gabi gaganapin ang final battle at alam naman yun ng mga parents namin ang masaya pa nga dito ay nandito sila para icheer at panoorin kami mag perform pero sad to say wala ang mama at papa ni Haru at Hero alam naman namin ang dahilan pero hindi namin maiwasang hindi malungkot para sakanila. Tinignan ko si Hero at Haru na inaayos ang mga gagamitin nilang instruments at kita sa mukha nila ang lungkot pero hindi nila pinapahalata samin yun, hayssss.
Nagsama-sama na ang mga grupo at ganun din kami, nag pray muna kami para humingi ng guide at matapos namin ang performance ng maayos at maganda. Pagkatapos non ay bumalik na ang emcee sa stage at nag announce. "Are you ready for the final battle?" Hiyawan ulit ang naririnig namin at yung iba naman ay sinisigaw ang mga pangalan ng banda. "I see that all of you are ready, hindi ko na ito patatagalin pa. Our first contestants please welcome Rocky n Roll" Isang hiyawan ang narinig namin at chinicheer ang pangalan ng banda nila na sa palagay ko ay mga schoolmate nila, lumabas sila sa malaking kurtina at maya-maya pa ay nag umpisa na silang mag perform. Ang sa palagay ko ay kakantahin nila Stereo Hearts at buti nalang hindi yun ang napili namin dahil kung hindi parehas kami ng makakalaban namin, pinapanood namin ang performance nila mula sa flat screen tv na nakalagay sa harapan namin maganda at ang gagaling nila, maganda din ang mga boses nila lahat sila ay duet sa pagkanta kaso parang feel namin ay hindi na maintindihan ang lyrics ng kanta dahil sa pagsasabay sabay nila hanggang sa matapos ang kanta ay ganun parin ang concept. Nagpalakpakan yung mga ka-schoolmate nila at naghiyawan samantalang yung iba naman parang wala lang.
Grabe consideration naman dyarn
Sunod naman na tinawag ng emcee ang pangalawang contestant. "Thankyou for wonderful performance Rocky n Roll, and the second contestant please welcome the Bloody Vamps" Isang malakas na hiyawan ulit ang narinig namin at lumabas naman sila mula sa kurtina gaya ng ginawa nung una ay nag perform nadin sila ang kinanta naman nila ay Beggin at buti nalang ulit talaga hindi namin napili yun hayss salamat naman talaga kung ganun. Nagumpisa na silang mag patugtog pero isa lang ang kumanta sakanila, ehh? ang dami nila tapos isa lang ang kakanta meganon? Hanggang sa matapos ang kanta ay sya lang talaga kumanta ng buong kanta, kumanta naman yung iba nyang kasama kaso ang part lang nila is yeah yeah tsaka ratatata yun lang tapos ayun sya na kumanta ng buo. Oh diba aesthetic, tsarot maganda naman yung boses nung kumanta kaya okay lang naman. Nag bow din sila at umalis na sa stage, kami na ang last na mag peperform kaya dapat maganda at malinis to iba ang concept namin basta mamaya malalaman nyo nalang. Pumwesto na kami sa may likod ng kurtina at hinihintay ulit na mag announce ang emcee, "That's a good performance, are you ready for the last performer tonight?", sigaw ng emcee at isang malakas na tilian ang narinig namin na nanggagaling sa PU students.
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)
RandomHaru, Lucielle and Hero. Sino kaya ang pipiliin ni Lucielle sa kambal na sina Haru at Hero? Magkakaroon ba ulit ng lamat ang magkapatid dahil lang sa isang babae? Makaka graduate kaya si Lucielle? HAHAHAHA joke lang. Magkakaroon ba ng happy ending?