UNEXPECTED TUTOR
Lucielle's POVDahil malapit na ang exam ay kanya kanya kaming review dito sa room, yung iba nakatunganga lang at yung iba naman naglalampungan parang sila Harold tsaka si Misty akala mo walang exam na kung makapag lampungan wagas, sarap nyong pektusan eh kainis.
"Hoy kayong dalawa dyan imbis na mag review kayo dahil parating na ang exam eh mas inuuna nyo pa yang kaharutan nyo!", sigaw na sermon ko sakanila napailing naman si Misty at nag peace sign naman si Harold.
"Oo na bessy mag rereview na kami wag ka ngang bitter dyan, tsaka mag tutulungan naman kami ni Harold mag review eh, diba babe?", sabi ni Misty sabay kapit braso ng shota nya.
Maghihiwalay din kayo at kapag nangyari yun tatawanan kita ng malakas witch matching hampas sa hita para sulit.
Ang bait ko talagang bestfriend hehehehehe
Tinarayan ko nalang sya at ibinalik ang paningin sa nirereview ko, wala kaming teacher dahil may meeting daw sila pero pinagbilinan kami na mag review kaya eto ako at dumudugo na ang tatlong natitirang brain cells ko huhuhu.
Ang masaklap pa sa lahat eh etong mathematics na kulang nalang pag bilangin kami ng ingredients ng kopiko at paghiwa-hiwalayin, jusme naman kaya ayoko ng math eh ang daming problema.
Binabasa ko ang nakasulat notes at mine-memorize ko yung mga important details pero tsngina lang mare walang napasok sa utak ko huhu dagdag mo pa na nagugutom nako, kainis naman. Tinitigan ko nalang yung notes baka sakaling kusa silang pumasok sa utak ko, hindi ko namalayan na tumabi pala sakin si Haru.
"Oh eto pagkain, kanina mo pa tinititigan yang papel na nasa harapan mo baka bigla nalang yan mag salita dyan", natatawa nyang sabi sabay abot sakin ng pagkain. Isang hamburger tapos soft drinks tsaka may biscuit pa, nuckss ang bait naman nento
"S-salamat", tipid kong sagot na nakangiti sabay kuha ng pagkain sakanya pero bakit may pagkain na sya eh wala pa namang lunch time.
"Kanina kapa kasi lutang kaya hindi mo namalayan na tumunog na yung bell", sagot nya na dapat sana itatanong ko galing nya magbasag ng iniisip ah infairness.
Shanahallsss mind reader
Tumango nalang ako at tinignan ulit ang pagkain na hawak ko, umalis na si Haru sa tabi ko at lumabas ulit may nakita akong papel na maliit kaya kinuha ko yun at binasa.
Enjoy your lunch and don't be stress :)
- Haru
Napangiti ako dahil sa nabasa at tumingin sa pinto kung saan lumabas si Haru, ang sweet nya at ang bait. Ngayon lang ako nakatanggap ng note na ganito ang saya pala at nakakakilig din.
Oh wag masyadong kiligin
Nilantakan ko ang pagkain na binigay nya habang nakangiti, hindi ko mapigilan na maging masaya ngayong araw na'to at subukan lang nila sirain kundi mananagot sila sakin.
Minsan lang ako naging masaya ng ganito.
Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang pagkain na binigay nya ininom ko ang soft drinks at uminom din ako ng tubig pagkatapos dahil masama sa health ang puro junk foods.
Ay weehh ba?
Napatingin naman ako sa kabilang side ko dahil umupo dun si Shara, tinignan ko sya at bakas sa mukha nya ang lungkot. Laah anyare?
"Bakit ganyan ang mukha mo?", takang tanong ko habang nililigpit ang pinagkainan. "Eh kasi bakit ikaw binigyan nya ng pagkain tapos ako hindi? may gusto ba sayo si Haru?", tanong nya at tumingin sakin na parang nagsusuri. Ay gsga, binigyan lang ng pagkain may gusto na agad?
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)
RandomHaru, Lucielle and Hero. Sino kaya ang pipiliin ni Lucielle sa kambal na sina Haru at Hero? Magkakaroon ba ulit ng lamat ang magkapatid dahil lang sa isang babae? Makaka graduate kaya si Lucielle? HAHAHAHA joke lang. Magkakaroon ba ng happy ending?