OFFICIALLY COUPLE
Lucielle's POVTwo weeks na syang nanliligaw sakin after nyang mag confess, ngayong araw ko na sya balak sagutin at hindi ko alam kung pano sasabihin. Alam na din ng parents ko nanliligaw sakin si Hero hindi naman sila humadlang basta daw ay wag akong sasaktan ay paiiyakin, biniro pa sya ni papa na wag daw muna namin sila bigyan ng apo. Advance talaga mag isip ang mga magulang naten eh.
Napagdaanan nadin kasi nila
Habang papasok ng room ay pinagtitinginan ako ng mga babae dito na akala mo'y may ginawa akong masama sakanila ay oo nga pala kasi yung crush nila sakin may gusto.
Hahaha haba kasi ng hair ko tsarot
Tinarayan ko nalang sila at dumiretso sa paglalakad ng makarating na ako sa room ay tumambad sakin ang mga babeng masama ang tingin yung iba naman eh nag bubulungan pa.
Mainggit kayo!
Umupo na ako sa upuan ko at dahil maaga pa naman wala pa sila Hero at Haru, tahimik lang ako ng biglang tumabi sakin si Misty at Shara.
Trio yarn?
"Uyy bessy kelan mo balak sagutin si Hero?", kilig na tanong ni Misty napangiwi nalang ako dahil sa itsura nya na nakaka ngiwi naman talaga. Nagsalita din si Shara kaya mas lalo akong napangiwi "Oo nga kelan mo sya balak sagutin? malapit na ang prom natin for sure kayo ang magiging prom queen and king", kilig naman na sabi ni Shara. Parehas silang kinikilig na parang naiihi, ang kukulit. "Ingay nyo kamo", angal ko pero hindi nila yun pinansin. "Kelan nga kasi?", tanong ulit ni Misty. "Oo na sige na sasabihin ko na kaasar naman basta wag kayo muna maingay ah susurprise natin sya", sabi ko naman sakanila at gaya ng sinabi ko hindi naman sila nag ingay.
Salamat naman at nakinig sila
"Ngayon ko sya sasagutin pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin", sabi ko sakanila na halos pabulong. Tumango tango naman sila at maya-maya pa ay nagtilian na ang mga bruha.
Kaya ayokong magsabi eh
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil narinig ko ang boses nya, lakas talaga ng impact sakin nento. "Hi, ano pinaguusapan nyo?", tanong nya samin napalingon ako sa gawi nya at nasa tabi na ni Shara si Haru. "A-ah w-wala hehe pinaguusapan namin yung about sa prom, diba?", paliwanag ko sakanya at tumingin ako sa dalawang babaeng nakangiti ng nakakaloko. Alam ko yang ngiti na yan eh hindi na talaga ako magsasabi sakanila. "Ah oo yung sa prom pala tinatanong nya kasi kung sino ang partner ko sabi ko si Haru, diba?", sabi ni Shara at tumingin sya kay Haru tumango nalang si Haru bilang sagot. Hayss salamat naman at nakisama sya. Namula ako at halos ilabas ko na ang mata ko sa sobrang laki sa pagtitig kay Misty, eto pa palang isa. "Hero sasagutin kana daw ni Lucielle ngayon", sabi nya na halos matanggal ang lalamunan sa lakas ng tili at may patalon talon epek pa. Tsngina ka talagang babae ka!!!
Tumingin sakin si Hero na may malawak na ngiti at unti unting lumapit sa kinauupuan ko. "Totoo? sasagutin mo na ako?", hindi nya makapaniwalang tanong. Wala na nandito na to eh edi oo na. "O-oo", tipid at nahihiya kong sagot. Nagulat ako sa ginawa nya dahil bigla syang tumayo at nagtatatalon sa tuwa na akala mo'y nanalo sa lotto.
Balato ko ah
Tumigil sya at tumingin sakin, hinawakan nya ang dalawang kamay ko. "Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayong araw. I love you Lucielle until my last breathe", sabi ni Hero at hinalikan ang likod ng kamay ko. Rinig ko ang tilian at hiyawan ng mga kaklase ko at maging ang kabilang section at mga estudyanteng dumadaan ay napatigil dahil sa eksena namin ni Hero, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Officially na kami at ang saya sa pakiramdam non.
"I love you too Hero", halos pabulong kong sabi na narinig din pala nya. "Ano sabi mo? can you repeat it again?", sabi ni Hero dahilan para tumigil ang mga nagtitilian, lumingon lingon ako sa paligid at hindi parang hindi mapakali. Shett naman kasi dapat sa isip ko nalang yun binanggit.
Sabihin mo na kasi
"Please Lucille repeat again, I heard you said you love me too", sabi nya at hinigpitan ang paghawak sa kamay ko. Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita. "I said, I love you too Hero Montero till death do us part", sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya. Kita ko ang pamumula nya kaya napangiti nalang ako. Isang malakas na hiyawan na naman ang narinig ko sa loob ng room at yung iba naman ay nagpapalakpakan pa pero sempree hindi mawawala yung mga nagsasabi ng sanaol, at when kaya na linyahan ko din dati.
Retired na ako sa ganyan hahaha
Ang saya, sobrang saya ng puso ko dahil hindi ako nag alinlangan kay Hero sa dalawang linggo nyang panliligaw sakin at sa magulang ko masasabi ko na sobrang swerte ko sakanya.
I'm so deeply inlove with him.
BINABASA MO ANG
THE BATTLE OF LOVE (COMPLETED)
RandomHaru, Lucielle and Hero. Sino kaya ang pipiliin ni Lucielle sa kambal na sina Haru at Hero? Magkakaroon ba ulit ng lamat ang magkapatid dahil lang sa isang babae? Makaka graduate kaya si Lucielle? HAHAHAHA joke lang. Magkakaroon ba ng happy ending?